LEO: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula swerte sa negosyo, pera, pagibig, kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang mga Leo ay matatamasa ang buhay na matagal na nilang pinapangarap ngayong 2018. Ang iyong planong pangmatagalan at mga proyekto ay matutupad na. Ngunit, ikaw ay mahaharap sa mga pagsubok at paghihirap paminsan-minsan sa buong taon. Maging handa na harapin ang mga pagsubok na ito. Siguraduhing ang iyong pagsisikap ay masusuklian sa darating na taon. Bitawan ang mga di pagkakaunawaan sa relasyon at maging positibo. Ngayong nasa’yo ang atensyon, oras na din para tumingin ka pabalik sa sarili mo. Mayroong sapat na oras para magpahinga at mag relax buong taon para sa mga Leo.

Horoscope para sa karera ng Leo ngayon 2018

Ikaw ay magkakaroon ng problema sa relasyon mo sa mga awtoridad at kasama sa trabaho sa darating na taon. Ngunit may mga matataas na koneksyon at kakilala na darating sa iyo at magdadala sa’yo sa daan ng tagumpay sa iyong mga proyekto. Ang Saturn at Venus ay tutulong sa iyong propesyunal na ambisyon at gagabay sa iyo para akyatin ang hagdan pang corporate ng walang kahirap hirap. May mga interesadong makikinig sa iyong mga payo at utos ngayon. Ito ang pinakamainam na taon para pumasok sa mga mabubuting pangmatagalang co-operative na mga deals o alliances kung ikaw ay may negosyo. Yung mga nasa services naman ay dapat mag-isip na magbago ng direksyon. Maging confident sa sarili mo at ikaw ay magiging matagumpay sa iyong karera sa buong taon.


Pag-ibig at Kasalang Horoscope ng Leo sa 2018

Para sa taong 2018, ang iyong buhay pag-ibig ay bubunga ngunit napakaliit lang ng mga pagbabago na hindi agad agad makikita. Magkakaroon ka ng oras na mailalaan para sa iyong minamahal at mas masasabi mo ng epektibo ay iyong nararamdaman sa kanya. Ang unang kalahati ng taon ay nangangako ng senswal na ligaya para sa mga Leo. Sa buong taon, ikaw ay malalagay sa sitwasyong sagutin kung mananatili ka sa relasyon mo o makipaghiwalay na. and katanungang ito ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon. Timbangin ang mabuti at masama at iwasan ang mga mahirap mamanehong sitwasyon sa mga relasyon. Ang mga single naman ay makakabuo ng magandang relasyon na may positibong aspeto. Ang pangalawang kalahati naman ng taon ay magbibigay kabutihan sa larangan ng pag-ibig at kasalan para sa iyo o malapit sa’yo. Dahil dito, magbibbigay ng bagong twist ang pakikipaghalubilo.


Horoscope pinansyal para sa Leo ngayong 2018

Ang mga Leo ay madidiskubreng ang 2018 ay may dalang magandang pinansyal na oportunidad. Magkakaroon ng magandang oportunidad para dagdagan ang perang pumapasok at mabawasan ang mga gastos. Ang ilan sa inyo ay makakatagpo ng swerte sa mga hindi siguradong kasunduan o sugal. Ang mga planeta ay tutulong sa inyo para makalabas sa ano mang mga kasamaan sa aspetong pinansyal. Ikaw ay makakagawa ng mga pangmatagalang investment at mga venture sa real estate. Sundin ang iyong instinct ang umakto ng naaayon sa iyong konsensya. Ang iyong pinansyal na katayuan ay bubuti sa mabagal ngunit tuloy tuloy na paraan sa buong taon. Ngunit huwag pigiling masyado ang sarili pagdating sa pinansyal at pagbigyan din ang sarili paminsan-minsan. Kakailanganin mong mapunan ang hinihingi ng pamilya at mga kaibigan mo pagdating sa pagtustos ng kanilang personal na pangangailangan. Kung ikaw ay magpaplano ng mabuti, mas magiging maayos ang iyong buhay sa pinansyal na aspeto.


Payo para sa Leo ngayong 2018

Tutulon sa’yo ang Venus sa taong 2018, ngunit nasa sayo ang desisyon para habulin ang mga ambisyon mo sa buhay nang buong puso. Ikaw ang magsusulat ng sarili mong kwento ng tagumpay. Alagaan ang gastos dahil ang hindi maayos na paggastos ang magbibigay problema sa’yo. Huwag pansinin ang pagsipsip o mga negatibong komento sa paligid mo. Umasa sa sarili mong lakas at ilabas ang pagiging malikhain. Tutulungan ka ng Mercury para masabi ang iyong iniisip ang mga ideya sa mabuting paraan. Sundin ang iyong instinct at impulse at huwag lang hayaang umasa sa tadhana. Maglaan ng oras para magpahinga at magpagaling sa loob ng taon.


Horoscope pangkalusugan para sa Leo ngayon 2018

Para sa taong 2018, ang iyong pisikal na kalusugan ay minsan nasa taas, minsan nasa baba rin. Ngunit ikaw ay magiging mas aktibo kumpara sa mga nakaraang taon. Huwag masyadong pagurin ang sarili ng sobra sobrang pagdiyeta at sobrang pag ehersisyo. Ito ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa pangmatagalan. Sa halip ay sundin ang utak at puso at tamasahin ang sarap ng iyong buhay sa kasalukuyan. Bigyang oras ang introspeksyon o pagtingin sa sarili at ispiritwal na gawain. Ito ang magbibigay kapayapaan at armonya sa iyong katawan at kaluluwa at mauunuwaan mo ang iyong totoong pisikal at mental na pangangailangan. Ang Saturn, Sun at ang Venus ay magdadagdag sa iyong pangkalahatang kalusugan sa pangalawang hati ng taon. Ngunit ang iyong emosyonal na bahagi naman ang mahihirapan, maging handa upang matiis ito. Umiwas sa mga paulit ulit at nakakapagod na trabaho at sa halip ay mag focus sa mga bagong ideya at proyekto.


Pamilya at Pamumuhay sa 2018

May halo-halong reaksyon pagdating sa pamilya at bahay sa darating na taon. Ang iyong ikaapat na bahay ay walang hirap at dahil don, magkakaroon ng kabutihan sa buhay mo sa aspetong domestiko. Ngunit, ang Saturn sa ika 4 na bahay ay magbibigay ng paminsan-minsang hirap sa mga relasyon mo sa loob ng bagay. Magkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa iyong prayoridad sa buhay, ang iyong karera ang nagiging mas dominante pagdating sa eksenang personal. Para sa iba, ang paglipat ng bahay o lugar ay nalalapit. May maraming gastusin dahil sa personal na commitment sa loob ng taon. Ang relasyon sa mga kapatid at magulang ay magiging mabuti buong taon.


Leo – Taunang Edukasyon 2018

Ag mga Leo ay may taong halo-halo pagdating sa edukasyon at academics. Ngunit hindi din ito magiging madali para sa iba. Ikaw ay makakaranas ng harang ang hirap sa iyong paaralan. Ang iyong mga kasamahan ay magiging sanhi ng mga hirap at isyung pagkalusugan na makakasagabal sa iyong pag-aaral at pagsasaliksik. Subukang gumawa ng mag conducive na paligid para maging matagumpay ka sa pang matagalan.


Horoscope sa paglalakbay ng Leo sa 2018


Ang paglalakbay ay nakikita para sa mga Leo, ngunit hindi para sa personal o pagbabakasyon na dahilan. Yung iba ay maglalakbay dahil sa mga propesyunal na commitment and may iba ding dahil sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga Leo ay pinapayuhang idouble check ang mga plano sa karera para maiwasan ang mga biglaang delay o problema.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.