Sa taong 2017, kayong mga taong nasa ilalim ng zodiac sign ng Unggoy ay makakahinga na ng maluwag dahil naging mahirap ang inyong 2016 at minalas kayo sa maraming aspeto kaya ubos na ang inyong enerhiya.
Buti na lang at ang sitwasyon ay mas aayos sa 2017 at ang inyong swerte ay magbabago. Kayo ay magkakaroon ng mas pinabuting swerte sa bagong taon at swerte sa pag-ibig at magbebenepisyo sa karera at pera. Kaya dapat kang maghanda para batiin ang bagong taon ng may mas mabuting kapalaran.
Pera
Ang mga unggoy ay magkakaroon ng mas magandang swerte sa pera kumpara sa nakaraang taon. Kahit na ikaw ay hindi magkakaroon ng malaking kita, magiging estable ang iyong pera, lalo na sa trabaho. Ang isang steady na trabaho ay mas magiging bagay sa iyo ngayong taon at magkakaroon ka ng estableng income basta magtatrabaho ka ng mabuti. Kayong mga manggagawa ay magkakaroon ngmagandang swerte sap era at ang trabaho ninyong mga national civil servants na may consistent na salary ay magiging maayos. Makakaranas ka ng kaunting paghihirap sa trabaho ngunit maaayos mo din ang mga problemang ito sa kalaunan. Para naman sa mga sales personnel, mawawalis ninyo ang mga malas ng nakaraang taon at magkakaroon ng mas magandang performance. Kung ikaw naman ang boss, importanteng tandaan na dapat mag invest at mag loan para makalabas sa iyong sitwasyon. Para sa mga entrepreneurs, kailangan niyong magpanatili ng maayos na relasyon sa mga nakakababa sa iyo kung hindi ay dadanas ka ng malawakang resignation na magreresulta sa hindi pagkaayos ng pagpapatakbo ng kumpanya dahil sa kakulangan ng staff. Kailangan mong maging tagapagmasid sa larangan ng investment at huwag basta-bastang mag invest para maiwasan ang pagkawala ng pera.
Karera
Sa 2017, kayong mga Unggoy ay magkakaroon ng mas magandang karera. Sa ilalim ng impluwensya ng pagsalubong sa inyong animal year, kayong mga Monkey ay nakaranas ng problema sa pera ng nakaraang taon. Buti na lang ay ikaw ay magkakaroon ng mas mabuting interpersonal relationship kaya hindi ka magtatrabaho ng mag-isa kundi makakakuha ng tulong sa katrabaho, kaibigan at kapamilya kaya magkakaroon ka ng bagong development. Importanteng mabanggit na kahit na binasbasan ka ng maswerteng bituin maaapektuhan ka din ng mga malas na mga bituin na may obvious na impluwensya sa inyong mga Unggoy na mgiging prone sa maling mga desisyon sa karera at paghuhusga, na magdudulot sa tuluyang pagbago ng normal na development speed. Kaya ang pagpapaestable ng iyong ugali at ang pagtrato ng tama ng iyong development sa karera ay napakaimportate. Ito din ang pinakasimpleng paraan para maiwasan ang pagkawala.
Pag-ibig
Ang mga unggoy sa ilalim ng basbas ay magkakaroon ng napakagandang pagbabago sa buhay pag-ibig. Lalo na sa iyong interpersonal relationship na magkakaroon ng magandang pagbabago at idagdag pa ang mga kaibigang opposite sex na magpapabuti ng swerte mo sa kanila. Kung ikaw ay single, maaari mong tulungang ang iyong sarili para habulin ang magandang pag-ibig na para sa iyo. Kung ikaw naman ay may relasyon na, maaari ka nang pumili ng araw para magpakasal. Kung ikaw ay kasal na, magkakaroon ka ng magandang buhay may asawa at hindi magkakaroon ng seryosong problema kahit na may paminsan-minsang away.
Ang mga babaeng Unggoy ay makakaranas ng matagalang pagkakahiwalay kahit na may magandang relasyon sa asawa. Kayong mga single na babaeng Unggoy ay magiging high-hearted na magpapahina sa iyong charm. Kayong mga babaeng Unggoy na in love ay mahihiwalay sa iyong nobyo dahil sa palagiang business trip o social engagement.
Kalusugan
Ang kalusugan ang magiging pinakaimportanteng problema para sa inyong mga Unggoy sa 2017. Mamalasin kayo sa kalusugan sa unang kalahati ng taon ngunit aayos din naman ito sa pagdaan ng taon. Noong nakaraang taon, ang mga Unggoy ay may masamang kalusugan dahil sa impluwensya ng malas na bituin ngunit bubuti ito sa taon ng Tandang kung saan ang mas mabuting interpersonal relationship at magandang mood, ay magpapagana sa iyo. Dahil sa pangkalahatang magandang swerte, magkakaroon ka ng mas kaunting tyansa sa aksidente ngunit kailangan mong mag-ingat sa pagkain. Kayo ay mas magkakaroon ng maraming social engagements na kailangan mong uminom kaya kailangan mong bantayan ang sakit sa tiyan. Kailangan mo ding pagtuunan ng atensyon ang mga body injuries at traffic safety habang nagdadrive.