NAGKAKATOTOO BA ANG MGA PANAGINIP? MAGKAKATOTOO BA AKING NAHUHULAAN

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Totoo bang maipapaliwanag ng mga panaginip ang mangyayari sa hinaharap?

Naisip mo na din ba yan? Iba-iba naman kasi ang sagot ng mga tao. Sa panaginip, may mga nakikilala tayong kakaiba o di kilalang mga tao, mga kakaiba o baka sobrang pamilyar na lugar at mga di maipagtugma-tugmang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

NAGKAKATOTOO BA ANG AKING MGA PANAGINIP MAGKAKATOTOO BA NAHUHULAAN

Baka naranasan mo na din yung ang panaginip mo eh sobrang nagkatotoo. Sabi nila, misteryoso o mahiwaga daw ang panaginip. Hanggang ngayon, hindi parin lubos na naipapaliwanag ng siyensya o mga tagapag-suri ang tunay na pinagmumulan ng panaginip. Baka makumbinsi ka na pwede ngang malaman sapamamagitan ng mga panaginip ang mangyayari sa hinaharap kasi may nakapagpatunay na nito. Totoo naman, minsan tugmang tugma ang panaginip ng isang tao sa kung paano mangyayari ang pagkatalo ng isang boksingero, ang kontrobersiya ng isang presidente o kung ano pa nga ang senyales na malapit na ang isang sakuna. Pero hindi natin maitatanggi ang posibilidad na baka nagkataon lang naman yan. Ano ba ang ilang paniniwala tungkol sa panaginip?

- Siyensya. Nangyayari ang panaginip sa stage na tinatawag na REM sleep. May isang brainstem na nagkokonekta sa mga nerbiyo na lumilkha ng sari-saring mga imahe o impormasyon na nangyari sa maghapon o sumagi sa isipan. Pwedeng mga pamilyar na pangyayari habang gising ka at kasama dyan ang mga iniimahinasyon mo sa hinaharap o kinatatakutan. Kaya pwedeng-pwede na mapanaginipan mo ang mga yon at mangyari talaga sa totoong buhay. Sinasabi din na may epekto sa panaginip ang stress at hormones ng isang tao.

- Teyorya ni Freud. Sinasabi niya na karaniwan sa mga panaginip natin eh yung mga pagnanasa natin o inaasahan sa hinaharap. Palibhasa, hindi gumagana ang ego natin kapag wala tayong malay at mahimbing ang tulog, nakakalikha ang utak natin ng mga impormasyon na derektang apektado ng mga emosyon at iniisip natin. Halimbawa kung napanaginipan mo na umaakyat ka sa puno at meron kang karanasan noon na naninigarilyo ka sa may puno, ibig sabihin, gusto mo talagang manigarilyo at yan ang iniisip-isip mo. Kung sabagay, teyorya lang yan. Kung minsan, dahil sa kakaisip mo o kaka-alala sa isang bagay na inaasahan mong mangyayari, mapapanaginipan mo iyon. At posible nga na mangyari yon sa hinaharap gaya ng inaaasahan mo. May malaki daw na epekto ang emosyon o yung malalalim na iniisip natin sa mga panaginip.

- May mga nagsasabi naman na totoong kaya daw ipaliwanag ng panaginip ang hinaharap mo. Sa dami ng panaginip na hindi mo na maalala, bigla ka daw may makikilala na tao o mapupuntahan na lugar na tugma sa panaginip mo. At basta mo nalang daw iyon maaalala. Halimbawa, pagkatapos mapanaginipan ng isang tao ang tungkol sa car accident na pumatay sa apat na katao, bigla itong nangyari kinabukasan sa kaparehong lugar at klima sa panaginip niya.

- Ang sinasabi ng bibliya. Madaming propeta ang nagawang eksaktong makapagsabi ng mga mangyayari sa hinaharap dahil sa mga panaginip. Gaya ni Propeta Isaias, Jose, Juan at marami pang iba. Naipaliwanag ni Jose ang panaginip ni Paraon tungkol sa tag-gutom sa Ehipto. Talagang kahang-hanga ang pagkakatugma ng mga panaginip na yan sa mga nangyari. Iniuugnay nila yan sa pagdiskubre ni James Watson sa DNA. Bago daw niya yon madiskubre, nanaginip daw siya ng hagdan-hagdan na paikot na siyang structure naman ng DNA. Pero ang mga nakaulat sa bibliya na natupad na panaginip ay malinaw na galing sa Diyos at may patiunang abiso, hindi ito galing sa sarili lang nilang interpretasyon. Kaya hindi nakakapagtaka kung nagkakatotoo lahat sinasabi nito.

- Dahil sa wala tayong malay kapag natutulog, nabubuo ang panaginip sa tinatawag na “theta brainwave state” kung saan nagkakaron ng koneksyon ang mga naglalaro sa isip natin at sa kung ano ang inaaasahan natin sa hinaharap.

Posible nga siguro na maging sobrang tugma ng panaginip sa mga mangyayari sa hinaharap at madami na ang nakapagsabi niyan. Pero hindi ito laging nagyayari kaya hindi naman makatuwiran kung palagi nalang nati dyan ibabase ang hinaharap. Sa kabilang banda, gamitin ang mga panaginip para mas makilala mo ang sarili mo at maitama ang anumang maling pagnanasa o personalidad.


References:

Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.

American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.