Dahil compatible ang Ox sa Tandang, ang zodiac sign ng 2017, kayong mga Oxen ay magkakaroon ng magandang kapalaran sa pag-ibig at karera. Sinasabing ang Ox ay ang kaisa-isang biniyayaang zodiac sign sa taong ito. Lalo na sa ilalim ng basbas ng mga mapagpalang bituin, makakakuha ka ng estableng pagbubuti sa taong ito basta maingat ka.
Ngunit kahit ikaw ay biniyayaan ng mg bituin, maaapektuhan ka pa rin ng malas. Buti na lang at ang epekto ng malas na bituin ay mas mahina kumpara sa maswerteng bituin kaya suswertehin ka pa din.
Kayamanan
Dahil sa impluwensya ng tatlong maswerteng bituin, magkakaroon ka ng magandang swerte sa pera at makakakuha ka ng maraming pera; dagdag pa, kayong mga oxen ay napaka down to earth at malabong umabanse ng padalos-dalos sa pag-iinvest. Ngunit ikaw ay may malaking gastusin para sa hindi alam na kadahilanan kaya hindi ka makakaipon ng mabuti at mapapagastos ka kahit labag sa iyong kagustuhan. Buti na lang at ang sitwasyong ito ay hindi magtatagal at makakaipon ka na din basta iwasan mo lang ang malas.
Karera
Magkakaroon ka ng magandang swerte sa trabaho. Ang iyong ugali sa trabaho at ang kakayahan mo ay marerecognize ng iyong boss. Mag focus ka sa karera mo sa taong ito at mas magiging productive ka sa trabaho. Kung gusto mong magsimula ng negosyo, itong taong ito ay isang oportunidad na hindi dapat palampasin. Ang kalmado mong personalidad at ang down to earth mong ugali pagdating sa trabaho ay magdadala sa iyo ng estableng development sa negosyo sa taong ito ngunit dapat ay maging maingat ka dahil sa epekto ng malas na mga bituin, ikaw ay mapapaligiran ng mga kontrabida lalo na sa mga katrabaho mo na may direktang kompetisyon o conflict of interest sa iyo. Kaya dapat huwag mong paniwalaan basta basta ang mga tao sa trabaho mo at gawin ang mga importanteng trabaho sa sarili mo para maiwasan ang butas na pwedeng gamitin ng iba. Sa taong ito, kayong mga oxen ay makakapagtrabaho ng mabuti sa mga kasama, kapag ikaw ay magtatrabaho kasama ng mga Snake, Rooster o Rat, mapapakinggan moa ng mga opinion nila na makakatulong sa iyong karera.
Pag-ibig
Kayong mga Ox ay magkakaroon ng magandang mga oportunidad para makipagrelasyon ngayong 2017, kung saan hindi kayo magagambala ng mga external factor, at kayong mga kasal na ay magiging estable ang emosyonal na buhay. Ang mga single naman ay magkakaroon ng magagandang pagkakataon na makilala ang tamang tao sa tulong ng iba, tulad ng makipag blind date o ipakilala ng kapamilya o kaibigan, o makilala ang tamang tao sa isang social network. Para naman sa may mga relasyon na, ang taong ito ay maganda para magpakasal at kayo ay maaaring mabuntis sa katapusang ng taon kapag magpakasal kayo sa simula ng taon.
Kalusugan
Ang iyong swerte sa kalusugan sa 2017 ay hindi magiging masama dahil ikaw ay magmumukhang malusog at punong-puno ng enerhiya na parang hindi ka napapagod, kaya makukuha mo ang iyong ninanais sa taong ito. Sa ilalim ng impluwensya ng mga malas na bituin, ikaw ay maaaring madepress kaya kailangan mong mai adjust ang iyong mood dahil ang pangmatagalang malaking pressure ay makakasama sa iyong kalusugan. Kung ikaw ay nakatuon sa iyong trabaho, kailangan mong lumabas at maglakbay kasama ng iyong pamilya at mga kaibigan paminsan minsan para ma relax ka at mapabuti ang inyong relasyon. Ang mga nakakatandang Oxen ay kailangan magigay atensyon sa pagkaka sprain ng mga buto ay laman at maging maingat na huwag mahulog habang naglalakad sa madulas na lupa o pagsayaw at pag ehersisyo.