Sa 2017 (na taon ng Tandang), mas bubuti ang iyong kapalaran ngunit kailangan mo pa ding harapin ang impact ng kamalasan at magkakaroon ng malaking hadlang sa aspeto ng pag-ibig, karera o pera.
Ito ay dahil ikaw ay masyadong apektado ng napakaraming malas na bituin sa 2017 na sa impluwensya nila ay makikita mong mahirap magdevelop ng interpersonal relationship at ang iyong mga kamag-anak ay maaaring mamatay o magkasakit. Ang iyong kalusugan ay maisasapanganib at maaari kang magkaproblema sa iba.
Pera
Hindi ka suswertehin sa sweldo sa trabaho at sa swerte sap era. Lahat ng klase ng problema sa karera ang hahadlang sa iyong sweldo habang ang pagbaba ng sweldo ay makakaapekto sa pagbuti ng iyong karera. Sa paraang ito, ikaw ay kailangang mabuhay ng masinop bilang resulta para hindi ma bankrupt. Ang iyong investment ay hindi magiging madali kaya kayong mga independent entrepreneurs ay kailangang pagtuunan ng pansin ang pabago-bagong market at huwag magnegosyo ng napakalaki para maiwasan ang pagkawala ng malaking capital. Sa ilalim ng impluwensya ng malas na bituin, ang iyong pamilya ay sasailalim sa problema sa kalusugan kaya dapat maghanda ka ng malaking pera. Dagdag pa, kailangan mong maging handa na maloko ka sa telepono, sa network at sa iba pang klase.
Karera
Sa kabuuan, kayong mga Baboy ay hindi maswerte sa karera. Sa ilalim ng impluwensya ng malas na bituin, mabilis mong mao offend ang iyong boss, kaya dadanas ka ng hirap at pressure na gawa ng leader mo at hirap kang mapromote. Kung kaya mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa iyong leader at sa tulong din ng isang benefactor, makakakuha ka ng ilang achievements at pagbuti sa karera. Ang taong ito ay bagay para mag-aral ka pa kung saan mas maiintindihan moa ng problema at gamitin ito sa hirap na nararanasan mo sa trabaho. Para sa mga empleyado, ang taong ito ay hindi bagay para magpalit ng trabaho. Kung agad-agad kang magpapalit ng trabaho, hindi ka makaka adapt sa maikling panahon at maku kwestiyon ang iyong abilidad, kaya kailangan mong maging handa bago magpalit ng trabaho. Dagdag pa, maglalakbay ka ng sobra sa taong ito ngunit dahil sa malas na mga bituin ay mahihirapan kang madesisyon na pumunta sa ibang lugar pasa umunlad. Kung ikaw ay determindado na mag focus sa pag-unlad sa ibang lugar, magkakaroon ka ng magandang mga oportunidad.
Pag-ibig
Ikaw ay mamalasin sap ag-ibig at mahihirapan kang mapagbuti ang iyong kapalaran sa opposite sex o sa benefactor. Kung ikaw ay single, malabo mong makilala ang tamang tao at wala ka sa mood para mag-umpisa ng bagong relasyon dahil sa impluwensya ng external mong environment. Ngunit kahit na ikaw ay makakakilala ng maraming kaibigang opposite sex sa paligid mo, hindi sila ang tamang tao dahil sa malaking gap sa inyo sa edad, kondisyon at personalidad. Ang mga kasal na ay magkakaroon ng swerte sa pag-ibig at hindi kailangang mag-alala sa third party dahil sa malas sa opposite sex. Ang mas maganda pa, kayong mga Baboy ay maingat at sensitibo kaya madali kayong makakapag-ayos matapos ang away.
Kalusugan
Sa unang kalahati ng taon, maapektuhan ang iyong katawan ng problema ng nakaraang taon at hindi ka pa nakakarecover, kaya mababa ang iyong resistensya at dumanas ng problema ng nakaraang taon. Kaya kailangan mas maging masustansya ang iyong kinakain. Sa pangalawang hati ng taon, bubuti ang iyong kalusugan at hindi na mapanganib sa mga sakit. Mas makakalabas ka na, kaya kailangan mong maging maingat habang nasa labas ng bahay, iwasan ang delikadong mga gawain at matuon ng atensyon sa kalinisan sa pagkain. Dagdag pa, kailangan mong magtuon ng tensyon sa pisikal na kondisyon ng mga nakakatanda sa iyong pamilya lalo na sa matatandang mababa ang resistensya na laging nagkakasakit o may malubhang karamdaman.