PISCES: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula, Swerte Pagibig, Pera, Negosyo, Trabaho

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Pisces Horoscope 2018 | Mga Hula 2018 | Astrology 2018 | Zodiac Sign

Ang taong 2018 ay nababalot ng misteryo na may kahalong resulta para sa mga Pisces. Ganunpaman, magbibigay ng enerhiya at lakas ang Mars sa karamihan sa inyo upang makamit ang inyong mga plano at mga ideya sa buhay. Ang lumang sitwasyon at interes ay lalabas na magiging dahilan upang muli kang mapunta sa limelight. Magiging kunti ang salita at mas marami sa gawa sa parte ng Pisces sa panahong ito. Sundin ang iyong creative instinct at iwasan ang mga problemang dumarating gamit ang iyong sipag at lakas ng loob. Magiging simpatiko at passionate ka na magiging dahilan upang magkaroon ng sosyal at kawang-gawang dibersyon. Ito ay magbibigay rin sa iyo ng malalim na kahulugan ng satisfaction sa iyong buhay sa buong taon.


Karera, Trabaho, Career horoscope 2018 para sa Pisces

Magkakaroon ng magandang karera sa pangkalahatan ang mga Pisces sa taong 2018. Magiging mainit ang pagtanggap sa iyo sa lugar na pinagtratrabahuan kasama ang mga palakaibigang nakakataas sa iyo at kasamahan sa trabaho, at walang magiging pressure sa iyong performance. Makakamit mo ang iyong professional goals at ambisyon sa panahong ito, lahat ng mga bagay na tinatakasan ka na may katagalan na rin. Makakakuha ng lakas at pag-asa mula sa maraming quarters. Ngunit huwag maging kampante. Manatiling maging mas mapagmapursige upang maraming maani. Ang mga nasa negosyo ay makakakita ng positibong enerhiya sa kanilang paligid. Ngunit magkakaroon rin ng maraming responsibilidad. Sa pangkalahatan, mailalabas ng mga Pisces ang kanilang optimal performance para sa taong ito. Ang pagpapahusay sa kaalaman sa karera tulad ng pagsasanay at pananaliksik ay makakabuti sa buong taon. Maging handa rin sa pagharap sa mga kompetisyon mula sa peer groups.


Pag-ibig at Pagpapakasal na horoscope 2018 para sa Pisces

Magiging masigla ang buhay pag-ibig ng Pisces sa taong 2018. Karamihan sa inyo ay nasa paghahanap ng ideal partner na gusto ng inyong puso at matatagpuan ang taong ito. Ang iyong damdamin at emosyon ay malakas sa panahong ito, na nakaka-attract ng maraming partners, ngunit maaaring mahihirapan ka dito. May dedikasyon at katapatan kung pag-uusapan ang mga relasyon sa panahong ito. Ang ilan sa inyo ay maaaring maging mapusok sa relasyon at pag-ibig. Ganunpaman, magiging malakas at masigla ang iyong damdamin. Magkaroon ng magandang pag-uusap sa iyong kapareha kung magkakaroon ng hindi parehong opinyon. Mayroong sapat na oportunidad para sa iyo upang magkaroon ng panahon kasama ang iyong kapareha sa pagsasaya at paglalakbay. Ang pagsinta at katapatan ang magiging susi sa buhay pag-ibig para sa mga Pisces sa buong taon.


Pera, pinansyal, Finance horoscope 2018 para sa Pisces

Sa taong darating, mada-divert sa high value purchases at long-term investments ang finances o paggasta ng mga Pisces. Pinapayuhan kayong iwasan ang mabilisang paggasta o pagbili at magkaroon ng listahan ng iyong financial spending sa taong ito. Mainam ang pag-iipon kaya maglaan ng kahit kunting pere para sa pag-iipon. Maaaring makuha mo ang iyong dream house o magarang kotse na iyong gusto sa unang bahagi ng taon. Ganunpaman, maging reasonable sa pagdedesisyon sa mga gastusing ito. Kailangang magkaroon ng pinansyal na sakripisyo upang magkaroon ng matibay na pundasyong pinansyal. Magbibigay ng pera mula sa swerte, kayamanan, o legacy ang huling bahagi ng taon. Maaaring ring magkaroon ng law suits o paghahabla na nauuukol sa pinansyal, kaya maging handa para dito.


Payo para sa Pisces sa taong 2018

Magiging napakalakas ng iyong emosyonal at sentimental na bahagi, ngunit siguraduing hindi maging biktima dito. May mga sitwasyong magbibigay sa iyo ng takot at pag-aalala sa iyong personal at professional na buhay. Huwag masyadong isipin ito at panatilihing kumilos sa positibong paraan at teritoryo. Pinapayuhan kang tahakin ang mga klarong hakbang base sa iyong perspektibong pananaw. Maaaring diktahan at pwersahin ka ng Mars at Uranus na gumawa ng mabilis na mga aksyon at mapanganib na gawain na hindi isinasaalang-alang ang mga long-term effects nito. Maging mas maingat. Huwag umasa sa mga nakagawiang mga gawain, bagkus kumuha ng panibagong daan at makipagsapalaran sa kung saaan mas may magandang kinabukasan. Pinapayuhan rin ang mga Pisces na panatilihin ang stability sa kanilang mga aksyon at ingatan ang kanilang likas na pagiging malikhain, pati na ang kanilang pera.


Kalusugan o Health horoscope 2018 para sa Pisces

Sa taong 2018, magkakaroon ng magandang kalusugan ang mga Pisces dala ng malalakas na enerhiyang naibibigay ng Mars. May panibagong kahulugan ng lakas, dynamism, at optimismo sa iyong paligid. Kailangang magamit sa may kabuluhang bagay ang iyong enerhiya. Pwedeng gumawa ng mga bagay tulad ng socal works at gawin ang mga responsibilidad sa pamilya at panatilihing abala ang iyong sarili. Pwede gumawa ng major changes sa iyong lifestyle na magkakaroon ng positibong epekto sa iyong kabuuang personalidad at kalusugan. Maglaan ng oras para sa physical workouts sa iyong katawan, na maaaring hindi mo gustong gawin. Kinakailangan din ng pagbabago sa iyong diet kung gusto mong maging alerto at constructive sa buong taon. Ang ilan ay maaaring tuluyang maiwasan ang pag-iinom at paninigarilyo.


Pamilya at Lifestyle sa 2018

Kinakailangan ang iyong buong dedikasyon at atensyon sa buhay-pamilya sa taong 2018. Magbibigay ng mga kabiguan at sama ng loob ang Saturn sa iyong buhay pamilya kaya kailangan ng pag-iingat sa panahong ito. Magkakaroon ng pakiramdam ng pagiging malayo o distansya sa iyo at sa iyong pamilya. Magiging magulo ang emotion at damdamin, walang masyadong commitment kasama na rin ang pagmamahal. Ganunpaman, ang iyong responsibilidad sa pamilya ay tataas habang tumatakbo ang taon. Maaaring mawala ka sa mga emosyon at praktikalidad. Ang mga isyu sa kalusugan at sagabal sa pinasyal ang magiging highlights para sa mga parte ng taon, na maaaring makalugmok sa iyo. Mahirap para sa taong ito ang relokasyon at anumang pagbabagong iyong inaasahan sa iyong tahanan at buhay-pamilya.


Pisces - Taunang Edukasyon 2018

Magkakaroon ng hindi inaasahang resulta sa kanilang edukasyon ang mga estudyanteng Pisces. Magiging matagumppay rin ang mga pagsusulit at interviews sa karamihan sa inyo ngunit hindi sa lahat. Kailangan ng tiyaga at commitment. Magbubunga rin ang pagiging malikhain ng ilan, kasama na ang pagkakaroon ng katanyagan at pangalan sa sosyedad. Magiging mahirap ang taong ito para sa mga naghahangad ng trabaho lalung-lalo na sa unang bahagi ng taon.


Paglalakbay horoscope 2018 para sa Pisces

Magkakaroon ng parehong maiksi at mahabang bakasyon ang mga Pisces dala ng kanilang personal at professional na mga kadahilanan. Ngunit ang ilan sa inyo ay maaaring magkaroon ng diplomatic at iba pang problemang legal. Maging handa sa pagharap dito nang may kaluwagan. Ang ibang Pisces ay maaaring magkaroon ng problema sa kanilang kalusugan at iba pang balakid upang sila ay makapaglakbay. Ganunpaman, ang maiiksing trips at picnics kasama ang mga kaibigan ay magiging kapaki-pakinabang at nakalulgod sa karamihan sa inyo.

Tignan lahat ng zodiac signs...

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.