Sa 2017, ang mga pinanganak sa ilalim ng Rabbit ay malabong mamagkaroon ng swerte. Dagdag pa, ang elementong naka associate sa Rabbit na Kahoy ay napipigilan ng elemento ng Tandang (2017 ay taon ng Tandang) na Metal kaya magdadala ito ng iba’t ibang klase ng malas na maaaring magdulot ng malas sa karera o buhay may asawa.
Maaari kang magkakaroon ng pangkalahatang kamalasan dahil sa impluwensya ng mga malas na bituin. Sa taong ito ikaw ay makakaranas ng taas baba sa swerte at ang iyong pamilya ay dadanas ng problema sa kalusugan. Ngunit kaya mong umangat kapag ikaw ay may initiative na magbago at maging handa sa darating na problema.
Pera
Ikaw ay magiging madaling kapitan ng kaso sa pera kaya magkakaroon ka ng mga financial loss. Para sa inyong mga rabbits na walang swerte sa pera, huwag makipagtulungan agad sa iba at mas maging maingat sa pag-iinvest. Dahil sa pagbabago sa environment sa trabaho, mababawasan ang iyong sahod o bonus sa trabaho. Dagdag pa, ang iyong mga kapamilya ay maaaring manghiram sa iyo ng pera and kailangan mong suriin ang kanyang ugali at panggagalingan ng pera para maiwasan ang pagkawala ng pera. Para maiwasan ang pagkawala ng pera, magkaroon ng initiative na bumili ng mga useful na bagay tulad ng fixed assets, o valuable items para mabawasan ang krisis ng pagkawala ng pera.
Karera
Sa taong ito magkakaroon ang kuneho ng maraming pagsubok sa karera, tulad ng problema sa pera, walang pagbabago sa trabaho, akusahan ng isang kontrabida sa trabaho, mas mabigat na trabaho pero kaunting kita. Huwag magpapalit ng trabaho sa taong ito. Kung gusto mong mag resign, maghanap ka ng bagong trabaho bago umalis, o magkakaproblema ka. Maaaring mong bawasan ang impact kapag mas lumabas ka pa at maaari kang magkaroon ng oportunidad na mag business trip. Isa pa, sa initiatibong magbago ng trabaho, gamitin ang mga external resources mo para malampasan ang paghihirap tulad ng tatag at gabay mula sa kapamilya at kaibigan, at ang pera nila.
Buhay Pag-ibig
Ang swerte mo sa pag-ibig ay hindi masama. Kayong mga single ay magkakaroon ng magandang kapalaran sa opposite sex at makikilala niyo ang tamang tao sa trabaho o sa social network. Ang kasal ay ang pinakamainam na paraan para mabawasan ang impact. Kung plano ninyong magpakasal sa taong ito, kailangan nnyong paghandaan ito ng maaga. Ayon nga sa kasabihan, ang kasal ay makakalaban sa tatlong problema ngunit ang mga away ay darating kapag walang kasalan. Ang kasal ay makakabawas sa posibilidad ng away. Ngunit maraming mga rabbits na nasa relasyon ay magdadala ng bad mood sa pag-ibig dahil sa problema sa trabaho at buhay na magreresulta sa krisis sa relasyon at paghihiwalay.
Ang mga kinasal na kuneho ay mabubuhay ng malayo at separado sa kanyang partner. Kung kaya ninyong mag keep in touch, lutasin ang problema at mag-usap ng maayos para ang pag-ibig niyo ay bubunga kahit magkalayo. Ang taon ito ay maganda rin para mabuntis, ngunit ikaw ay pinapayuhan na mabuntis after ng Lunar May. Sa paraang ito, ipapanganak moa ng iyong sanggol sa zodiac sign ng Aso na compatible sa iyong zodiac sign dahil kung hindi, ang anak mong year of the Rooster ay hindi magiging compatible sa iyo.
Kalusugan
Ikaw ay maaaring maaaksidente sa 2017 at maaayos mo ang problemang ito sa pagdodonate ng dugo o iba pang paraan. Pwede ka magiging iritable, magkakaroon ng emotional changes at pressure sa trabaho na magreresulta sa problema sa pag-iisip tulad ng insomnia, depresyon at neurasthenia, kaya kailangan mong i-adjust ang iyong pag-iisip ng maayos. Dagdag pa, ikaw ay malapit sa inflammation, sakit sa respiratory system at gastrointestinal discomfort. Tignan ng mabuti ang kinakain mo araw araw. Dagdag pa, ang restriction ng kahoy sa metal ay reresulta sa injury sa buto at laman at ikaw ay kailangang maging maingat sa pagmamaneho at paglalaro ng sports. Ikaw at ang iyong pamilya ay prone sa problema sa kalusugan kaya obserbahang mabuti ang mga nakakatandang miyembro ng iyong pamilya.