Ang Chinese Zodiac 2017 ay nakikitang ang mga pinanganak sa Dagang zodiac ay magkakaroon ng magandang relasyon sa kanilang pamilya at mabuting social interaction. Ang kanilang karera ay medyo matatagalan ngunit huwag maging tamad dahil makakaapekto ito sa iyong progreso. Matulog ng mabuti at maging relaxed sa lahat ng oras.
Metal Rat – Pinanganak ng 1960, Water Rat – Pinanganak ng 1972, Kahoy na Daga – Pinanganak ng 1984, Apoy na Daga – Pinanganak ng 1996, Earth Rat – Pinanganak ng 1948
Kayamanan
Ang iyong swerte sa yaman ay hindi maganda o masama. Hindi ka makakaranas ng malakihang pagkawala ng pera. Ngunit kayong mga daga ay kailangang gumawa ng rasonableng investments ng pera sa 2017 at iwasan ang mga investments na malaki ang panganib dahil hindi praktikal para payamanin ang sarili mo sa madaliang pera. Higit pa, hindi ka magkakaroon ng magandang kapalaran sa mabilisang pera ngayong 2017. Dagdag pa, dapat mo ding bawasan ang gastos, iwasang humiram ng pera mula sa iba at maglaan ng pera para sa mga emergency. Mabuti na lang at kayong mga Daga ay magaling mag-ipon ng pera at gustong mag-aral kaya kayo ay may sari-sariling kakayahan para mag-ipon at makakaraos ka sa buong taon basta maingat ka lang.
Karera
Ang mga babaeng Daga ay magkakaroon ng magandang kapalaran sa karera. Makakakuha ka ng tulong mula sa iba kahit na nasa panganib ka. Kung ikaw ay may magandang prediksyon sap ag develop ng karera mo at may kapabilidad para gawin ito, tiyak na magiging mabuti ang iyong karera. Ngunit kayo namang mga lalaking Daga ay hindi magkakaroon ng magandang kapalaran sa karera nitong 2017 at ikaw ay mahihirapang makaangat dahil sa ilang mga external factors, mapa kontrabida man sa paligid mo, o mga darating na problema sa buhay mo. Ngunit kung ang iyong pinuno ay isang babaeng Daga, ikaw ay mas mapapansin at mapopromote. Para maiwasang bumagsak ang iyong karera, kailangan ninyong magpursigeng mga lalaking Daga para bumuo ng magandang relasyon sa mga katrabaho para may aasahan ka sakaling may mga problemadong sitwasyon.
Sa 2017, ang pinakamaswerteng industriya ay ang industriya ng pagseserbisyo, lalo na ang patungkol sa mga pambabaeng serbisyo tulad ng damit, sapatos, perfume o cosmetics kung saan mas magiging maganda ang development mo.
Pag-ibig
Ang iyong swerte sa pag-ibig sa taon ng Tandang ay magiging maganda. Ngayong taon, ang mga lalaking Daga ay makakakilala ng mga mas nakakatanda o mas makapangyarihang babae. Magiging mabuti ito kung ikaw ay bukas sa ideya ng pagpapakasal. Kayong mga babaeng Daga naman ay walang swerte o malas sa isang relasyon. Makakakilala ka ng mga kaibigan na katrabaho, at maaari ka pang ma-inlove sa isang tao. Ngunit ikaw ay inaabisuhan na huwag mag focus sa pag-ibig dahil lubhang gaganda ang iyong karera sa 2017.
Kung ikaw naman ay kasal na, huwag masyadong makipag close sa opposite sex dahil maaari kang magkarelasyon sa labas at magdadala ito ng problema sa iyong pamilya, at maaari pang mauwi sa hiwalayan. Maging maingat.
Kalusugan
Ikaw ay magkakaroon ng malas sa kalusugan. Sa kabuuan, maaari kang magkaroon ng pisikal at menta na problema, lalo na sa mga Dagang kailangang magtrabaho ng mabuti dahil maaari mong mapabayaan ang iyong kalusugan. Habang wala sa bahay, maging mapagmasid sa personal mong kaligtasan dahil maaari kang magkaroon ng madugong aksidente kapag hindi nag-iingat. Kapag maging sakitin ka ngayong taon, maaari mong i-manage ang isang kasal para mabawasan ang mga epekto. Magiging lapitin ka sa aksidenteng madugo kaya ikaw ay pinapayuhang mag donate ng dugo sa taong ito para magamot ito.