Sa taong ito, ang mga Tandang (o Manok) ay mamalasin. Kaya kayong mga Tandang ay hindi magkakaroon ng swerte sa 2017 ngunit hindi naman kayo ang pinakamalas sa 12 animal signs.
Ang iyong kapalaran sa maraming aspeto ay hindi magkakaroon ng mahalagang pagbubuti, sa halip ay magiging prone ka sa lahat ng klase ng kamalasan tulad ng pagbo bottleneck sa pag-unlad sa karera, hindi inaasahang pagkawala ng assets, problemang emosyonal sa iyong karelasyon at pabago-bagong mood na dulot ng malaking pressure. Sa isang salita, kailangan mong maghanda para sa malaking pagbabago sa buhay sa 2017.
Karera
Hindi ka dapat gumawa ng malakihang pagbabago at desisyon sa 2017. Kayong mga empleyado ay hindi dapat baguhin ang iyong trabaho ng basta basta dahil baka hindi ka makakakuha ng bagong trabaho dahil sa hindi inaasahang sitwasyon. Dagdag pa, ikaw ay makakaranas ng maraming hirap sa iyong bagong opisina. Madali kang magkakaproblema sa katrabaho at sa pamumuno. Kaya kailangan mo munang magdalawang isip bago magbago ng trabaho.
Ang mga negosyante ay malabong magkaroon ng magandang swerte sa taon. Ang iyong kumpanya ay makakaranas ng maraming hadlang sa pag-unlad at makakaranas kayo ng malaking pagkawala dahil sa maling desisyon. Kailangan niyong pag-isipang mabuti bago gumawa ng kahit anong desisyon at huwag magdesisyon dahil lang sa impulse.
Pera
Dahil sa malas sa pera, limitado ang iyong capital income sa buong taon. Buti na lang at estable ang iyong sweldo sa trabaho kahit na malabong may swerteng darating kaya maaari mong piliin ang mga low-risk na investments na may maliit na kita at mas mabuting piliin ang mga estable at pangmatagalang investment. Sa iyong animal year, ikaw ay madaling makakakuha ng oportunidad na matulungan, ngunit baka mawalan ka ng oportunidad kahit na magplano ka ng mabuti. Kaya hindi ka dapat maging padalos-dalos ngunit maghintay at tignan kung anong mangyari ang dapat mong maging ugali. Kung ikaw ay may masayang pangyayari sa simula ng taon mas mababago mo ng mabuti ang iyong kapalaran sa taong ito.
Pag-ibig
Sa taong ito, ikaw ay mapupuno ng emosyonal na krisis dahil ikaw ay iritable, grumpy at mapanghinala dahil hindi maayos ang lahat. Ang pabago-bago mong mood ay magreresulta sa inyong mga Tandang na magkaroon ng problema sa iyong karelasyon na magdudulot ng malaking impact sa inyong pagtingin sa isa’t-isa.
Ang mga single ay makakakilala ng maraming kaibigang opposite sex ngunit malabo kang magkarelasyon sa kanila dahil hindi ka magkakaroon ng swerte sa opposite sex sa taong ito.
Dagdag pa, lahat ng klase ng pressure sa iyong animal year ay hindi magbibigay sa iyo ng mood na magsimula ng isang relasyon. Halimbawa, ang taon na ito ay hindi bagay para sa inyong mga Tandang na nasa relasyon para magpakasal dahil sa sobrang pressure o ikaw ay magkakaroon ng napakalaking pressure para magpakasal. Kung gusto mong magpakasal sa taong ito, kailangan mong pumili ng araw bago mag January 27.
Ayon nga sa kasabihan, ang isang masayang pangyayari ay makakakontra sa tatlong delubyo habang ang problema ay darating kapag walang masayang pangyayari. Kung gusto mong alisin ang malas, pwede kang umattend ng mas maraming masasayang pangyayari sa iyong kapamilya at mga kaibigan tulad ng kasal at selebrasyon para sa bagong panganak.
Kalusugan
Kayong mga Tandang ay magkakaroon ng hindi magandang kalusugan sa 2017 at may panganib kayong duguin dahil sa ilang malas na bituin. Ikaw ay madaling maaaksidente sa traffic kaya mas mainam na umiwas sa mga delikadong sports at mga delikadong lugar para maiwasan ang aksidente. Dagdag pa, kailangan mong magtuon ng pansin sa kalusugan ng iyong pamilya lalo na sa kondisyon ng nakakatanda para maiwasan ang mga aksidente sap ag-istorbo ng iyong normal na pamumuhay at magdulot ng sunod sunod na negatibong epekto.
Ang pinakamalaking impact sa iyong malas na taon ay nasa iyong ugali. Walang malas o hirap ang sisira sa iyong pamilya o magbibigay sa iyo ng sakit dahil ikaw ay maraming solusyon basta maayos mo ng mabuti ang iyong ugali para maharap ang anumang problema. Sa kabaligtaran, ang maling ugali naman ay nangangahulugang pagsusurrender na lamang.