SAGITTARIUS: Ano kapalaran ko sa 2018? Swerte pera, negosyo, trabaho pagibig

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Sa taong 2018, makakaranas ang mga Sagittarius ng mga maraming pagbabago sa kanilang buhay. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanilang mga lifestyle, mga relasyon at iba pa. Ang mga pagbabagong ito ay prominente sa kanilang mga karera. Mas mabuting sumabay kaysa labanan ang mga pagbabagong ito. Ang paghati sa mga gawain ay maganda para sa tahanan at gumagana sa kabuuan ng taon. Huwag akuin ang lahat ng bagay sa iyong mga balikat, ang paghati sa mga gawin ay makakawala ng stress at pagod. Makukuha mo ang suporta at pagmamahal ng pamilya at mga kasamahan sa trabaho kapag kinakailangan ito ng sitwasyon. Gawing mahusay ang iyong pagtratraho at lutasin ang mga pang-araw araw na mga isyu nang maluwag.

Career horoscope 2018 para sa Sagittarius

Kinakailangan o hinihiling ng iyong karera ang iyong kabuuang commitment at concentration sa buong taon, kung iniiwasan mo ang lay-offs at transfers sa trabaho. Napapansin ang trabaho kung ito ay ginagawa ng mahusay, kaya pagbutihin ito. Ang taon ay magandang panahon para sa pananaliksik o mas mataas na pag-aaral kung hinihingi rin ito ng iyong posisyon. Mainam na mapanatili mo ang iyong status quo at husay sa buong taon sa larangan ng karera. Magkakaroon ng mga bagong contact o koneksyon sa trabaho, gamiting mahusay upang mag-excel sa iyong karera. Maging mabilis sa paglutas sa anumang uri ng misunderstandings sa mga kasamahan sa trabaho. Pinapayuhan ang mga Sagittarius na simulan ang mga bagong proyekto o ventures dahil magandang panahon ang taon upang gawin ang mga ito.


Pag-ibig at Pag-aasawa horoscope 2018 para sa Sagittarius

Magiging malakas ang buhay pag-ibig ng Sagittarius para sa taong 2018. Ang iyong emosyonal at sensuous side ay magiging mas malakas sa panahong ito. Magkakaroon ng panahon para sa kasiyahan lalo na ang mga single. Kontrolin ang iyong pananalita at huwag hayaaang sirain ng hindi pagkakaintindihan ang iyong mga relasyon. Magiging mas attractive ka sa iyong opposite sex. Gayunman maaaring maimpluwensyahan ka ng Venus na maging magulo ang utak pagdating sa mga mahahalagang desisyon sa mga relasyon. Subukang masiyahan sa solong partner at huwag hayaang magkaroon ng guilt sa pagkakasala. Isiping mabuti kung may bubuksang salungat na isyu sa iyong partner. Mag-ingat sa external manipulators sa paligid ng iyong relasyong pag-ibig. Manatiling malayo sa mga unwanted relationship sa buhay na maaaring sumira ng kaligayahan. Makakatulong ang socializing ngunit maaaring hindi nito matupad ang iyong emosyonal na pangangailangan, tanging ang iyong tunay na partners lang.


Finance horoscope 2018 para sa Sagittarius

Hindi magiging kasing ganda ang iyong pinansiyal na kalagayan kumpara sa mga nagdaang taon. Kailangan mong magsumikap para sa taong ito. Ang pagsaaayos sa iyong badyet ay magiging maganda. Matutulungan ka ng Venus na ma-maintain ang iyong financial na kalagayan sa panahong ito. Huwag mag-aksaya ng pera sa mga hindi importanteng gastusin. Sumangguni sa mga kapamilya at kaibigan para makakuha ng ideya kung paano hawakan ang iyong finances nang mas mabuti. Maganda rin ang long term investments at small savings na makakatulong sa iyo sa panahon ng pangangailangan. Sa gitnang bahagi ng taon, magkakaroon ng kalayaan sa iyong pinansiyal na bahagi na walang hadlang. Ang mga nasa negosyo ay makakakita ng liwanag sa taong ito at para sa mga nasa serbisyo, asahan ang isang pay-hike sa dulo ng taon.


Payo para sa Sagittarius sa 2018

May mga bagay sa buhay na sa tingin mo ay accomplished na ay kailangan ng pagsasaayos o remodification. Pagtrabahuin ito ng may magandang loob at magkakaroon ito ng magandang resulta. Huwag sumuko sa iyong ambisyon anumang mangyari, maging positive sa pagtratrabaho. Maaaring magkaroon ng mga problema sa loob ng taon na maaaring makaapekto sa iyo. Huwag mawalan ng lakas, maging pasensyoso dahil mawawala rin ang mga suliraning ito. Manatili sa mga logical decision at huwag magmadali sa paggawa nito. Manatiling malapit sa mga taong malapit din sa iyo dahil sila ang iyong magiging lakas at magbibigay sa iyo ng suporta.


Health horoscope para sa Sagittarius

Magkakaroon ng magandang kalusugan ang Sagittarius para sa mtaong 2018 ngunit hindi rin mawawala ang mga kunti at malilit na health issue. Gayunpaman karamihan sa inyo ay magkakaroon ng maraming enerhiya sa buong taon. Ang iyong pisikal na aspeto ay magiging pinakamahusay samantalang ang mental na lakas ay maaaring humina kung minsan. Huwag pagurin ang iyong sarili lampas sa iyong flexible levels. Mas magkakaroon ng malubhang kahihinatnan sa susunod. Maeengganyo ka ng Venus sa masasarap na pagkain at alak, huwag gawin ito ng regular. Panatilihin ang isang tab sa iyong diyeta at iwasan ang matataba at sobrang matatamis na pagkain. Magkaroon ng panahon sa recreational works at pleasure.


Pamilya at Lifestyle sa 2018

Ang buhay pamilya ay magiging maganda sa taong 2018 para sa mga Sagittarius. Ang kanilang espirituwal na buhay ay madadala sa bagong antas dahil sa pamilya at mga kaibigan. Ang kapakanan sa tahanan at kaligayahan ay magiging panatag para sa buong taon. Maraming responsibilidad ang darating sa iyong balikat. Ang relasyon sa mga magulang at kapatid ay magiging nasa medium na antas. Magkakaroon ng mga opurtunidad sa mga relasyon ng pamilya para sa taong ito.


Sagittarius - Taunang Edukasyon 2018

Sa taong 2018, hindi magkakaroon ng kahirapan ang mga Sagittarius sa kanilang pag-aaral. Magiging madali lang para sa mga kumukuha ng mga pagsusulit at competitive interviews o trabaho. Ang mga nasa pananaliksik at teknikal, ay magkakaroon ng ilang mga isyu. Gayunpaman, ang pagsisikap sa trabaho at commitment ay makakatulong sa kanila.


Travel horoscope 2018 para sa Sagittarius


Magkakaroon ng kanais-nais na panahon para sa paglalakbay ang mga Sagittarius para sa taong 2018. Magkakaroon ng pagkakataon para sa paglalakbay sa parehong business at leisure. Ang ilan sa inyo ay maaaring makakuha ng unplanned opputunities sa pagbiyahe. Maging handa para dito. Para sa adventurous Sagittarians, nasa kanyang braha ang mga paglalakbay sa mga unexplored destinations.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.