SCORPIO: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula swerte pag-ibig, pera negosyo, kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang mga Scorpio ngayong taon ay magagawa ang mga proyekto at pakikipagsapalaran na dati nilang isinantabi noon. Sila ay mapupuno ng enerhiya para mamayagpag sa kanilang sari-sariling larangan. Ang ilang sa iyong mga ambisyon, panaginip at pangarap ay makukuha mo sa loob ng taon. Ang mga relasyon ay magiging mas matamis kesa dati; ngunit kailangan mong maging focused at committed para magtagal ito. May pag-asa at optimismo sa buhay mo. Ang iyong mga nakaraang nagawa at ginawa ay masusuklian ng magandang resulta. Para sa iba, ang katapusan ng taon ay magbibigay ng kaunting hirap sa kanilang relasyon.

Horoscope sa Karera para sa Scorpio 2018

Para sa taong 2018, ang mga Scorpio ay makakaramdam ng init o kirot sa karera. Ikaw ay makakaranas ng mga hindi ninanais na hirap, kompetisyon at panlilibak sa propesyunal mong buhay. Huwag bumitaw, sa halip, magpatuloy lang dahil may ilaw din sa dulo ng lahat ng ito. Mag focus lang sa iyong propesyunal na mga layunin, tagpuin ang iyong mga deadline at kunin ang magandang trato ng mga nakakataas sa iyo. Ang venus ay magbibigay ng kabutihan sa iyong relasyon sa mga kasamahan. Ang Mars ay tutulong sa iyo sa enerhiya para magpatuloy sa halip ng mga hirap paminsan-minsan. Ang isang positibong pagtanaw dito ay makakatulong sa iyo para mabawasan ang hirap. Ang mga nasa larangan ng agham ay mamamayagpag sa panahong ito.


Pag-ibig at Pagpapakasal na Horoscope para sa Scorpio ngayong 2018

Ang iyong buhay pag-ibig ay mas magiging mabuti ngayong kumpara sa mga nakaraang taon. Ikaw ay nasa rurok ng iyong emosyonal at senswal na sarili. Ang Mars at Venus ay tutulong sa iyo para pagbutihin ang iyong buhay pag-ibig ng higit pa kesa dati. May maliliit na mga komprimiso na kailangang gawin paminsan-minsan sa taon kung gusto mong malagpasan ang mga hirap sa iyong relasyon. Sundin ang iyong instinct at magtrabaho base sa iyong konsensya. Ang mga single ay makikilala ang kanilang partner na kaugali nila na kanilang ikagugulat. Marahil ay isang magandang relasyon na iniiwasan sila ng ilang taon na ngayon. Huwag magtago ng sikreto sa iyong partner kung gusto mong maganda ang inyong relasyon. Ang madamdamin mong sarili ay mas magiging dominante. Ang taong ito ay tutulong sa iyong palakasin ang iyong ugnayan at mga relasyon at ang iba sa inyo ay magpapakasal sa pagtatapos ng taon.


Pinansyal na Horoscope para sa 2018 ng Scorpio

Ang mga Scropio ay makikitang bubuti ang kanilang pinansyal na katayuan sa buong taon. Magkakaroon ng madaming gastusin ngunit ang pagdating ng pera ay babalanse dito. Gumawa ng budget at sundin ito, kung hindi ay mahihirapan ka. Gumawa ng plano para sa mga matagalang investments at pag-iipon kapag madami ang dating ng pera. Baka hindi mo na din palaging makikita ang ganitong dami ng pasok ng pera. Sa kabuuan, ang taong paparating ay walang hirap sap era tulad ng pagkawala, mga debts o utang para sa mga Scorpio. Ito ay salamat na din sa tamang pagplano at maingat na mga negosasyon sa pinansyal na aspeto.


Payo sa Scorpio para sa 2018

Huwag hayaang pabigatin ka ng tagumpay. Ang iyong mga relasyon ay makakatulong sa iyo sa panahon ng pangangailangan, kaya huwag itong pabayaan. Huwag magpakasasa, sa trabaho man o pagrerelax, ang balanseng pamumuhay ay magpapabuti sa iyo. Gamitin ang iyong enerhiya sa pinakamabisang lebel para hindi ka ma stress o mapagod. Ngunit huwag din maging masyadong magtamad, gumalaw sa isang steady at maingat na bilis. Huwag hayaan ang pesimismo ang mamayani sa iyo at magpabagsak sa iyo. Siguraduhing patuloy na gumagalaw at mag build up ng momentum habang lumilipas ang taon


Horoscope Pangkalusugan para sa Scorpio 2018

Ang mga Scorpio sa taong 2018 ay magkakaroon ng mas mabuting kalusugan at kasiyahan na punung-puno ng enerhiya. Ikaw ay makakakuha ng tamang balanse sa iyong pisikal at mental na bahagi. Optimismo ang mamamayani sa buhay mo. Ngunit maging maingat sa sobrang kumpiyansa sa sarili. Gamitin ang enerhiya sa isang bagay na constructive at humanitarian. Ang mga Scorpio ay dapat mag-ingat sa mga problema sa tiyan at sa nervous system sa loob ng taon. Ingatan ang diyeta, uminom ng maraming likido at huwag magpapatuyo. Huwag sumobra sa trabaho at lunurin ang sarili sa stress at pagod ng buhay.


Pamilya at Pamumuhay sa 2018

Ang pamilya ay isang sensitibong aspeto para sa iyo ngayong taon, Scorpio. Dahil sa mga Planetang Uranus at Neptune sa iyong ika 4 na bahay ikaw ay makakaranas ng malaking pagbabago sa pamilya mo sa ngayon. May mga hirap, hindi pagkakaunawaan at maling akusasyon doon. Ang iyong pag-ibig at pagkalinga at hindi masusuklian. Ngunit kung ikaw ay matapang na kayang pagsamasamahin ang nasa loob ng bahay mo, magkakaroon ng kapayapaan at harmony. Ang paninigas na namamayani sa iyong bahay ay mawawala. Ispiritwal at kawanggawa na mga trabaho ang darating sa lahat ng nasa pamilya mo. Pag-ibig na walang pasubali sa parte mo ay kayang kayang gawin ang lahat.


Scorpio – Taunang Edukasyon 2018

Ang mga estudyanteng Scorpio ay mahihirapan sa unang kalahati ng 2018. Dito ay dahil marami silang kailangang gawin na sobrang nakaka stress. Exams at mga paligsahang gawain ay magiging bigo para sa marami. Ngunit may mga mabubuting mangyayari sa ikalawang bahagi ng taon, partikular sa mga nag-aaral ng agham at teknolohiya.


Horoscrope sa Paglalakbay sa 2018 ng Scorpio

Ang mga Scorpio ay makakalakbay sa labas ng bansa para mag enjoy o para sa negosyo. Para sa iba, magkakaroon ng pagkakataon para mag relax kasama ang pamilya at mga kaibigan sa mabilisang mga lakbay at picnic paminsan minsan. Ang mga Scorpio ay pinapayuhang magbakasyon palayo sa hirap ng buhay at maglakbay para mabawasan ang stress.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.