Taurus: Ano kapalaran ko sa 2018? Hula Pag-ibig, Negosyo, Swerte, Pera, Kalusugan

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang taong 2018 ay taong puno ng enerhiya para sa mga Taurus. Ngunit huwag asahan ang mga mataas mong karangalan, sa halip, kunin ang mga oportunidad na darating sa iyo. Magpatuloy at siguraduhing gamitin ang iyong talento at pagkamalikhain. Lahat ng mga taon ng pagpupursigi at hirap sa trabaho ay magagantimpalaan na ng matino. Ngunit siguraduhing patuloy na gumagalaw dahil magiging puno ang iyong mga kamay buong taon. Pursigidong sumulong sa darating na taon, ang mga responsibilidad at tungkulin ang dapat unahin at susunod ay pahinga at paglilibang.

Horoscope sa Karera ngayong 2018 para sa Taurus

Ngayong taong 2018 ay nangangailangan ng maparaang pagpaplano at matinding pag pokus sa larangan ng karera. Ang Mars at Saturn ay nakaposisyong positibo para gabayan ka sa pag-unlad ng iyong karera. Subalit may problemang nakaabang sa iyong relasyon sa otoridad at mga kasamahan. Magkakaroon ng parang giyera sa aspetong ito, dahil karamihan ay hindi matutuwa sa iyong pag-unlad. Ayon sa mga baraha ay may naka ambang na pagkabigo, ngunit kakailanganin mong baguhin ang iyong proseso pagdating sa propesyonal mong karera. Iwasan ang mga komprontasyon dahil baka bumalik ito sa’yo anumang oras. Ilabas ang pagkamalikhain at ipresenta ang sarili sa isang mas katanggap tanggap at positibong paraan sa loob ng opisina at maaayos ang paligid na ito. Sa katapusan ng taon, maghanda sa mahalagang paglipat.


Pag-Ibig At Pagpapakasal Na Horoscope Para Sa Taurus Ngayong 2018

Ang pag-ibig ay nasa kalagitnaan ng iyong buhay ngayon 2018. Ang iyong kasalukuyang relasyon ay magkakaroon ng mabuting pag-asa sa ngayon. Ang Mars at ang Araw ay nasa posisyon na gagabay sa iyong buhay pag-ibig buong taon at mag-uudyok sa’yong gumawa ng assertive na desisyon. Iyong mga namomroblema sa kanilang relasyon ay matututong manindigan kung sino ang pananatilihin mo sa buhay mo at kung sino ang hindi. Mahinahong gumalaw pagdating sa buhay pag-ibig mo dahil magkakaroon ng mga antala at hadlang sa iyong mga layunin paminsan minsan. Subukang magtakda ng limitasyon o hangganan pagdating sa mga relasyon dahil may ibang hahadlang sa iyong daan. Ang mga singl naman ay maaaring pumasok sa isang totoong pakikipagkaibigan na kalauna’y mauuwi sa totoo at tapat na pag-ibig sa pagtagal ng taon. May mga senswal at emosyonal na sandaling aasahan sa pagtatapos ng taon. Kalimutan ang nakaraan at gamitin ang panahon para ayusin ang hindi pinagkakasunduan ng iyong partner at sabay na maglakbay sa isang positibong daan.


Horoscope Pinansyal ngayong 2018 para sa Taurus

Sa taong 2018, ang iyong pinansyal at pagtingin ay sobrang magbabago para sa mas mabuti. Ikaw ay makakapag invest ng mabuti sa pangmatagalang plano at babawasan ang sobrang gastos. May mga hindi inaasahang gastos na darating sa’yo ngunit ito ay medikal na gastos para sa mahal sa buhay. Habang posible, subukang limitahan ang bawas sa iyong pinansyal na katayuan ng sarili mong pera. Dumikit sa iyong layunin at hindi ka masasaktan pinansyal sa buong taon. Baguhin ang pokus ng iyong pinansyal na pangako o commitment at seryosong planuhin ang iyong pera. Ang pagpapaunlad ng kasiguraduhang pinansyal para sa hinaharap mo ay magbibigay sa’yo ng panatag na loob at lakas para harapin ang hinaharap ng maayos.


Payo para sa Taurus sa 2018

Ang mataas na lebel ng enerhiya para sa taon ay maaaring magpain sa iyo na maging mapag labis, kaya umiwas sa temptasyon. I pokus ang enerhiya patungo sa mas nakakatulong na gawain. Bumuo ng malakas na pundasyon sa iyong paligid para ikaw at ang iyong kinabukasan ay hindi masira. Panatilihin ang magagandang relasyon malapit sa iyo. Ang Saturn ay magdadala ng pagkabagot paminsan minsan, magpatuloy lang. May mga negatibong aaligid ngunit panatilihing masayahin at positibo ang pananaw. Gawing stepping stone ang pagkabigo. Ang iyong kalooban ay mangangailangan ng maraming pagpapasaya sa sarili para mas gumanda ang tingin sa buhay.


Horoscope Pangkalusugan sa 2018 para sa Taurus

Mula sa umpisa hanggang kalagitnaan ng taon, ang lebel ng enerhiya at stamina ng Taurus ay magiging maganda. Kakayanin mong komprontahin ang mga hirap sa propesyunal at personal mong buhay ng walang hirap. Ngunit ikaw ay pinapayuhang dumikit sa isang laro para mapanatili ang iyong kalusugan. Iwasan ang masasamang ugalipagdating sa pagkain, baguhin ang diyeta mo, at pumasok sa isang programang pang detox para mas lumakas ang kalusugan. May mga isyung tungkol sa digestion at nervous system mo na magpaparamdam paminsan minsan. Ang panghuling hati ng taon ay nakakapagod para sa mga Taurus. Magpahinga ng husto at mag relax para hindi ka mawalan ng enerhiya.


Pamilya at Pamumuhay sa 2018

Ang bahay at pamilya ay makakaranas ng hirap sa simula ng taong 2018. Ngunit pagdating ng Agosto mas bubuti na ito dahil ang Jupiter ay papasok sa iyong ika apat na bahay. Ang pagbili o pagbenta ng lupa at bahay ay nasa bara ng ibang Taurus. May ilang magpapa renovate o pagbabago sa kanilang mga bahay. Kapayapaan at pagkakaisa ang mamamayani sa loob ng bahay. Kapag nabigo ang pamilya, kaibigan ang makakatulong sa iyo. Sa pangkalahatan ay kabutihan ang makikita sa pamamahay mo sa ikalawang hati ng taon.


Taurus – Taunang Edukasyon para sa 2018

Pagdating sa edukasyon at academics, ang taong 2018 ay isang magandang taon para sa maraming Taurus. Ang transit ng mga planeta at ang pagkaka align nila ay perpekto para sila ay manguna sa kanilang akademikong sitwasyon. Para sa mga taong nasa paligsahang mga exams ay magtatagumpay din. Ngunit maaaring mahirapan ang mga humahangad ng mas mataas pa na edukasyon. Maaari silang sumubok muli sa pangalawang hati ng taon.


Horoscope sa Paglalakbay ngayong 2018 para sa Taurus

Wala masyadong paglalakbay ang nasa bara ng mga Taurus ngayong taon. Kahit na hindi na ikokonsidera ang mga mahahabang overseas na paglalakbay, ang mga maikling lakbay para mag relax o para sa negosyo otrabaho ay maaaring dumating para sa iba. Maging maingat kapag naglalakbay at obserbahang mabuti ang iyong pera at kalusugan.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.