Ang taong 2018 ay magdadala ng iba’t ibang oportunidad para sa mga Virgo. Kahit na ikaw ay makakaranas ng napakaraming harang na parating, makakaiwas ka at hindi ka masasaktan pagkatapos ng taon. Ang ilan sa inyo ay magdadanas ng seryosong harang sa mga relasyon habang ang iba naman ay makakatiis. Tutulungan ka ng Mars sa iyong ginagawa buong taon at tutulungan kang marating ang iyong mga layunin dahil sa napakalakas na lebel ng enerhiya nito. Magkakaroon ng mas mabuting efficiency sa parte mo habang lumilipas ang mga buwan. Ang Jupiter ay susuporta sa iyong personal na buhay at magpapabuti ng mga ugnayang inter-personal. Hindi ka makakaabante ng mag-isa, sa halip ay kailangan mong bumuo ng mga ugnayan sa mga taong malalapit at importante sa’yo pata maging matagumpay ka ngayong taon, Virgo.
Horoscope sa Karera ng Virgo ngayong 2018
Ang mga Virgo ay mahihirapan sa larangan ng karera sa taong 2018. Magkakaroon ng malagiang paglipat at pagbabago, ang kanilang pangkalahatang pagganap ay bababa kumpara sa mga nakaraang taon. Tiyaga at pagiging flexible sa mga relasyon sa trabaho ang magbibigay ng kaayusan sa pangmatagalan. Huwag pabayaan ang mga bagay bagay, sa halip, mas kakailanganin ka ng negosyo o serbisyo. Ibigay ang iyong makakaya at makakakita ka ng resulta. Sa huling quarter ng taon, magkakaroon ng pagkalma sa iyong pinagtatrabahuhan. Huwag makampante sa mga pangakong mapapako at mga negatibong kaibigan sa propesyunal na karera. May panganib na nakatago sa bawat sulok. Kailangang buksan mo ang iyong mga mata at tenga at maglakbay sa isang napaka severe na mundo buong taon. Sundin ang iyong instinct at umakto ng naaayos.
Pag-ibig at Kasalang horoscope ngayong 2018 para sa Virgo
Ang iyong buhay pag-ibig sa taong 2018 ay puno ng mga surpresa at emosyon. Ikaw ay mas makakadepende sa mapagkakatiwalaan at mapagmahal na relasyon sa ngayon. May mga bagong pagnanasa at senswal na pagbabago ang aasahan sa lovelife mo sa darating na taon. Ang mga kasal na ay mararanasan ang matiwasay na buhay sa panahong ito. May mga paminsan-minsang problema o di pagkakaunawaan na kailangang maresolba gamit ng maayos na komunikasyon at pag-uusap. Ang Mars at Venus ay tutulong sa mga single na mahanap ang kanilang perpektong partner sa panghabangbuhay. Ngunit sila ay pinapayuhan na maging handa sa mga pagbabago sa kanilang love life. Ang sobra sobrang indulgence o pagpapakasasa ay nakakasira sa relasyon, kaya kailangan ng balanseng approach para hindi masira ang relasyon. Ngunit may mga single naman na matatapos lang ang taon ng walang seryosong relasyon o positibong pagbabago sa kanilang buhay pag-ibig. Ang mga Virgo ay makakaasa ng estableng buhay pag-ibig sa bandang huli ng taon.
Pinansyal na horoscope para sa Virgo ngayong 2018
Sa taong 2018, ang pinansyal na pagkaestable ng mga Virgo ay bubuti. Ikaw ay mas magiging determinadong makakuha ng mga materyal na bagay na baka hindi mabigyan ng pokus ang pag-iipon. Ngunit, ang mga pangunahing pangangailangan mo sa buhay ay manghihingi ng mas malaking gastos kumpara sa mga nakaraang taon. Maging mas focused, ilagay ang lahat ng lakas sa pagpapabuti ng katayuang pinansyal mo. Sa paglalakbay mo sa buong taon, makakaranas ka ng praktikal na hiral, ngunit huwag tanggalin ang paningin sa layuning pinansyal mo. Huwag magpakasasa sa mga mamahaling bagay sa panahong ito. Gamitin ang iyong kakayahang mag analisa pagdating sap ag invest o pag-ipon. Magbigay ng kaunting lugar sa iyong budget at sundin ito ng mabuti. Mararating mo din ang katapusan ng taon ng may mabigat na kamay.
Payo sa Virgo ngayong 2018
Para sa taon, hindi magiging klaro ang buhay at malamang ay wala kang ideya kung saan ka papunta. Ngunit ikaw ay pinapayuhang maging sensitibo sa pangangailangan ng mga tao sa paligid mo para umunlad sa buhay. Kailangan mong baguhin ang iyong layunin o kahit ayusin sila para maging mas praktikal sa buhay. May pakiramdam ng insecurity na papasok paminsan-minsan ngunit magpakatatag ka. Tiyak na makikita mo din ang ilaw sa dulo ng tunnel. Tandaan na ito ay lilipas din at hindi tatagal. Ibigay ang lahat at tiyak na magkakaroon ng kabutihan sa iyong buhay. Ang mga Virgo ay pinapayuhang habulin ang ispiritwal, kawanggawa o panlipunang daanan para magbigay ng kapayapaan at armonya sa panahong ito.
Horoscope Pangkalusugan ngayong 2018 para sa Virgo
Sa 2018, ang mga Virgo ay magkakaroon ng malusog at masayang pangangatawan. Sila ay punung puno ng enerhiya na ang stress at sobrang pagod ay hindi sila kayang dapuan. Magkaroon ng positibong pagtingin, maging mapangahas at matapang kapag nakakaranas ng praktikal na hirap sa buhay. Ngunit, maglaan ng panahon para mag relax at magpahinga. Subukang pakawalan ang pagod at emosyon sa maliliit na beses. Kakailanganin mong magbigay ng enerhiya para matiis ang hirap ng taon pero asahan ang stability sa gitna ng taon. Tapos ikaw ay makakarewind na at mahaharap ang buhay na may bagong enerhiya at lakas. Iwasan ang komprontasyon at emosyonal na hirap at magkaroon ng positibong pagtingin sa buhay.
Pamilya at Pamumuhay sa 2018
Ang ika 4 na bahay ay pabor para sa mga Virgo ngayong 2018, kaya may kabutihang namamalagi sa aspetong ito. Ngunit kung ikaw ay mas magtutuon ng iyong atensyon sa propesyunal mong karera o commitment, tiyak na ang relasyon mo sa pamilya ay magkakalamat. Subukang ibalanse ang dalawa para na rin sa personal mong benepisyo. Gawin ang iyong tungkulin para sa iyong pamilya, pansinin man nila ito o hindi. Ngunit ikaw ay makakakuha ng suporta mula sa iyong mga magulang at kapatid buong taon. May kasiyahan dahil sa mga mabubuting pangyayari sa pamilya.
Virgo – Taunang Edukasyon sa 2018
Ang unang bahagi ng 2018 ay magiging pabor sa akademiks ng mga estudyanteng Virgo. Ikaw ay makakakuha ng magandang resulta sa iyong pag-aaral. Yung mga naghahangad ng matataas nap ag-aaral at makapasok sa banyagang unibersidad ay makukuha ito. Ngunit ang posisyon ng mga planeta ay nakalina para ang mga Virgo ay makakakuha lamang ng magandang resulta kapag pinaghihirapan ito at may commitment at hindi lang dahil sa swerte. Huwag gumawa ng padalos dalos na desisyon sa aspeto ng edukasyon sa darating na taon.
Horoscope sa paglalakbay ng Virgo sa 2018
Ang mga Virgo ay nakikitang maglalakbay ng malayo para mag relaks. Para sa iba, ang mga panandaliang paglalakbay dahil sa negosyo ay posible. Ang ilan sa inyo ay pwedeng maglalakbay para lumipat at magpapalit ng karera.