Chikinini o Kissmark: Paano Mawala, Matago, at Mabilisang Matanggal?

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Ano ang Kissmark? Ang kissmark o tsikinini ay isang kulay pulang marka sa balat na kung tawagin sa Ingles ay "Hickey".

Madalas ito nakikita sa may mga asawang tao o di kaya sa isang may kasintahan na. Mapababae man o lalaki ay maaring magkakaroon nito. Kapag sinabing kissmark, o kilala din sa tawag na chikinini, nakakahiya at walang sinumang tao ang may gustong ipakita ito. Paano na lang kung ikaw ay pupunta sa isang pagdiriwang ng mga kaibigan, pamilya o ka-opisina at meron ka nito na maaring makita ng mga kasamahan mo sa party? Pano ito matanggal o matago ng mabilisan?

Narito ang mga iba't ibang paraan sa agarang pagtanggal ng Tsikinini:

Palamigin ang Tsikinini - Lagyan agad ng tela na may yelo o icepack ang bahaging may chikinini. Siguraduhing nasa dalawampung minuto o 20 minutes ang tagal ng pagkakalagay. Maari ding gamitin ang malamig na kutsara, pero kailangang nakababad at kutsara sa loob ng freezer upang sobrang lamig. Kailangang may konting diin sa pagkakalapat ng kutsara sa balat para maging epektibo. Kung hindi na matiis ang sobrang lamig at hindi na komportable tanggalin ang yelo o kutsara sa parteng may kissmark ng ilang saglit at ibalik din pagkatapos. Makikita ang pagbabago ng kissmark ng ilang minuto.



Gumamit ng Toothbrush - Gumamit ng bagong toothbrush o suklay at gamitin sa parte ng may Chikinini. Dahan dahang kayurin gamit ang sipilyo o suklay gawin ito sa loob ng labinglimang minuto o 15 minutes, hanggang sa kumalat ang pamumula at hindi na mahalata ang tsikinini. Huwag lakasan ang pagkayod sa balat dahil maari itong lumala. Pagkatapos ng labinglimang minuto lagyan ng yelo ayon sa nakasulat sa pinakauna. Maaring mawala ang tsikinini o may kaunting bakat na lamang depende kung gaano kalalim ang iyong kissmark.



Gumamit ng Barya - Ang paraang ito ay ang pinakamasakit ngunit mawawala ng tuluyan ang chikinini. Unang hakbang, unatin ang balat sa parteng may kissmark. Sunod na hakbang, gamit ang barya buong lakas na kuskusin ang balat at ikalat ang namumulang tsikinini. Ngunit siguraduhing hindi mabali ang mga buto at hindi masugatan o kaya dumugo ang balat. Ayon sa paniniwala ng iba kaya mabilis ang pagtanggal sa pamamagitan ng pagkaskas ng balat tinatanggal nito ang namumuong dugo at nakalabas sa capillaries o pinamaliit na ugat na dinadaluyan ng dugo. Magkakaroon ng pamumula ngunit mabilis itong mawala kaysa sa tsikinini.



Gumamit ng toothpaste - Pahiran ng toothpaste ang parte na may kissmark, ibabad ito ng ilang minuto. Tanggalin lamang ang toothpaste kung hindi kana makaramdam ng pangingirot o paghapdi ng balat. Sa pagtanggal ng toothpaste gumamit ng basang tela. Mas maiging ulit ulitin ang paglagay ng toothpaste at Mag antay ng bente-kwatro oras o 24 hours para sa resulta. Mas mainam kung pahiran kaagad ang chikinini, huwag hayaang patagalin.



Gumamit ng Kamay - Gamit ang kamay masahiin ang parte ng balat na may tsikinini. Nakakatulong ito upang kumalat ang dugo o makapag-circulate. Maiiwasan ang matinding pamumula ng chikinini. Ilagay ang dalawang daliri sa lugar kung saan may kissmark o tsikinini at hagudin ng dahan dahan sa parehong direksyon pababa. Pagkalipas ng ilang minuto imasahe naman ito ng pahalang. May mga paraan din ng pagtago ng chikinini.

Make-up - Pahiran ang bahagi ng may tsikinini ng make-up, mainam gamitin ang kulay berdeng tinted na concealer. Ang unang hakbang na gagawin ay gumamit ng manipis na brush at gamitin ang kulay dilaw na corrector sa loob ng chikini, pagkatapos patungan ito ng green na corrector upang maitago ang unang pinahid. Pagkatapos maglagay ng pulbo o mas kilala sa foundation, magandang gamitin ang kulay na mas matingakad kesa sa kulay mo. Pagkatapos lagyan ng concealer ulit kapag halata pa ang pamumula nito. Ang concealer o corrector ay isang uri ng make-up kung saan ginagamit ng isang tao upang itago ang pangingitim ng mata o eyebug o mukha, peklat sa mukha o ano pang pangit sa kanilang mukha upang hindi halata.



Pananamit - Kapag malamig ang panahon mas madaling takpan ito dahil pwede kang magsuot ng turtleneck, may kwelyong damit, scarf, jacket, o damit na nababagay sa panahon. Subukang magsuot ng damit na may disenyong mas mapapansin ang bandang dibdib kesa sa leeg. Iwasang magsuot ng damit na may disenyo banda sa may chikinini na aagaw ng pansin. Huwag magsuot ng turtleneck lalo na kung tag-init dahil mas nakakaagaw ito ng pansin. Subukang maglagay ng mga palamuti kagaya ng kwentas/ kwintas. Maari ding itago sa pamamagitan ng buhok, subukang ilugay na natatakpan ang kissmark.



Anirca Salve - Ang Anica Salve ay isang uri ng herbal kung saan nakakatulong ito upang mabawasan ang pamamaga ng kissmark at hindi sobrang pula. Nakakatulong din ito upang magsirkula ang dugong namuo. Ang herbal na ito ay hindi aprobado ng mga siyentipiko na nagpapabawas ng pamamaga o pamumula. Ayon sa iba ang Witch Hazel ay nakakatulong din upang mabawasan ang pamumula ng tsikinini. Vitamin K- Ipunas ang vitamin K sa chikinini o hickey, nakakatulong ito sa pagsisip ng dugo na nakatigil sa iisang lugar na naging sanhi ng chikinini.

Paggamit ng Mainit -Nagtataka kayo kung bakit mainit ang ilalagay, samantala sa unang binaggit ay kailangang malamig na malamig. Mainit na ang ilalagay kapag ilang araw na ang tsikinini. Gumamit ng bimpo at ilublob ito sa may mainit na palanggan at pigain, pagkatapos ilagay sa parte ng balat na may chikinini ng mga ilang minuto. Maya't maya basain ang bimpo sa mainit na tubig. Maaring gumamit ng heat patch na nabibili sa pharmacy o botika, mura at mas mabilis gamitin.

Mag-antay - Kung wala kang oras sa mga punas punas, pahid pahid ng kung anu ano, pabayaan na lamang ito dahil makalipas ang ilang mga araw o linggo kusa itong mawawala. Maging pasensya at subukang itago na lang hanggang sa ito ay maglaho.

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.