Mga Tip para sa Eyeliner: Paano Ito Ilagay

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Nais mo bang pabutihin ang iyong paraan ng paglalagay ng eyeliner? Baguhan ka man sa paglalagay ng eyeliner o nakakapaglagay ng winged-tip na estilo, ang mga paraan ng make up artist na ito ay makakatulong upang ikaw ay mahusay na makapaglagay ng eyeliner kahit sa unang subok.

Paano maglagay ng eyeliner sa mata pampaganda

Ang eyeliner ay hindi lang paraan upang maglagay ng kulay at gumawa ng pahayag; ito ay mainam ring instrumento upang bigyang hugis ang iyong mga mata. Hindi mo kailangang sumailalim sa operasyon upang magkaroon ng mga mata na mas malaki tingnan kung kaya mong gumamit ng eyeliner brush para sa hugis ng iyong mata.

Susi ang pagmamantsa kapag hindi mo kayang gumawa ng tuwid na linya. Kapag naglalagay ng eyeliner, hindi ito tungkol sa paglikha ng tuwid na linya gamit ang lapis, kundi pagpapabalik-balik gamit ang iyong brush hanggang sa maging makinis ang linya.


Kung mukha kang natulog ng 20 minuto lamang kagabi, ang pinakamatagal na daya upang magmukhang gising at malaki ang mga mata ay ang paglalagay ng eyeliner na may murang kayumangging kulay sa waterline (iyong nasa babang inner rim) ng iyong mga mata. Nakakatulong itong baguhin ang hitsura ng pagod at namumulang mata.

Paano ilalagay; Gamit ang iyong hintuturo, dahan-dahang hilahin pababa ang iyong takipmata sa ibaba upang ilabas ang iyong inner rim. Gamit ang lapis, dahan-dahang daanan ang iyong waterline, habang iniingatang hindi matusok ang sarili sa mata.


Hitsura ng Baguhan sa Eyeliner: May Kulay na Ibaba

Madali lang maglagay ng eyeliner na may ipinapahayag kahit hindi tuwid ang iyong kamay at wala kang ilang oras na pagsasanay. Ang kailangan lang para sa hitsurang ito ay isang matagalang gamit na eyeliner sa kulay na maliwanag ayon sa iyong kagustuhan. Ang mga matagalang gamit na eyeliner ay kadalasang twist-up na mga lapis, kaya’t hindi mo makokontrol ang talas ng dulo, na siyang humahadlang para makagawa ng tuwid na gilid. Gayunman, di tulad ng mga kohl na lapis, ang mga matagalang gamit na lapis ay magbibigay ng matapang na matte na kulay na tatagal nang ilang oras.


Paano ilalagay: Ilagay ang eyeliner sa iyong ibabang linya ng pilikmata mula sa loob hanggang sa labas na sulok, gamit ang maiiksing kudlit. Upang magkaroon ng nagkakaisang hitsura, maaari kang gumamit ng eyeshadow na mayroong kalapit na kulay sa iyong itaas na pilikmata, ngunit pumili ng dalawang shades na mas maliwanag. Basagin ang maliwanag na kulay sa pamamagitan ng paglalagay ng manipis na itim na linya sa iyong itaas na linya ng pilikmata at maglagay ng mascara.



About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.