PAANO MAGLINIS AT PAGANDA NG KUKO SA PAA? PEDICURE AT FOOTSPA

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

May mga tao na nakahiligan ng pumunta sa salon para magpaayos ng kanilang kuko, kailangan ng mahabang oras sa pagpunta ng salon at higit sa lahat gagastos kapa sa pagpalinis ng kuko mo. May paraan para makatipid, kailangan lang natin matutunan ang tamang paraan ng pagpedicure ng ating sariling kuko. Pwera sa makatipid tayo, kahit anung oras natin gustuhing maglinis ng kuko ay hindi problema, walang oras na hinahabol gaya ng “baka sarado na ang parlor” lalo na paggaling sa trabaho.

MGA KAGAMITAN

· Palanggana

· Soaking salt, bubble bath o sabon

· Bimpo

· Cotton or bulak

· Aceton

· Cuticle remover

· Nail file

· Nail cutter

· Nipper

· Pusher

· Pumice stone or foot scrubber

· Foot cream

· Nail polish or cutics

· Clear top (color less)

· Cuticle oil

· Lotion


MGA DAPAT GAWIN SA PAG-PEDICURE

1. Pagtanggal ng lumang cutics – Bago pagandahin ang kuko sa paa, tanggalin muna ang lumang cutics gamit ang aceton. Mahalagang matanggal ang lumang cutics para maiwasan ang pagkasira ng kuko.


2. Pagbabad ng paa – Maghanda ng palanggana na may sabon at soaking salt. Ibabad ang paa ng 10 minuto para lumambot ang paa at kalyo sa paa.


3. Pagtanggal ng patay na balat (dead skin) – Tanggalin ang isang sa pagkababad mula sa palanggana at punasan ng bimpo. Gamit ang prumice stone o foot scrubber tanggalin ang kalyo ng paa sa bandang sakong. Hindi masama na kuskusin ng konting lakas ang sakong dahil sobrang kapal naman ang balat nito. Pagkatapos sa sakong, kuskusin naman ang buong talampakan ng paa. Kapag natanggal na ang kalyo at patay ng balat sa paa, tanggalin naman ang isang paa at ulitin ang ginawa sa kabilang paa. Siguraduhing banlawan ng mabuti ang paa para maging malinis. Iwasang gumamit ng kahit na anung kayuran gaya ng kayuran ng keso at iba pa, dahil maaring masugatan ang paa at matetano. Punasan ng bimpo ang paa at kapag nasiguradong tuyo na, punasan ng foot cream o lotion at imasahe ng mabuti.


4. Pagputol at pagpahugis ng kuko – Gamit ang matalas na nail cutter putulin ang kuko, panatilihing nasa katamtamang haba ang kuko sa paa o mas mahaba pa ayon sa gusto mo. Iwasan isagad ang pagkakaputol ng kuko at huwag sobrang bilog ang pagputol para hindi aabot sa “ingrown” ng kuko. Maganda din tingnan sa kuko at iwas sa “ingrown” ang medyo hugis parisukat. Kunin ang nail file at hugisin ang kuko upang matanggal ang talas sa dulo ng kuko at para hindi mabilis masira.


5. Pagtanggal ng cuticles o balat sa kuko – Lagyan ng cuticle remover ang kuko, gamit ang pusher dahan-dahan sa pagpalabas ng balat sa kuko at gamit ang nipper tanggalin ng dahan dahan ang cuticle sa kuko. Lagyan ng cuticle oil ang balat ng kuko kapag nataggal na ang lahat ng cuticle pero iwasang masugatan ito. Ang pagtanggal ng balat sa kuko o cuticle ay opsyon lamang, depende sa iyong nakasanayang gawin.


6. Paglagay ng cutics o nail polish

· Lagyan muna ng cutics (color less) ang kuko para hindi manila nilaw ang kulay ng kuko sa paa at para dumikit mabuti ang cutics na nais gamitin. Dahil mahirap paghiwalayin ang kuko sa paa, gumamit ng toe separator. Kapag walang toe separator maaring gumamit ng tissue o cotton pero siguiraduhin maayos ang pagkakalagay.


· Kapag sigurado ng tuyo ang kuko, alugin ang bote ng cutics (may kulay) at ilagay sa kuko,kailangan alugin ang bote bago gamitin para hindi bumula. Simulan sa gitna ang pagkulay mula sa balat ng kuko pataas. Iwasan ang paulit-ulit na pagpapahid ng cutics.


· Gumamit ng pusher o orange stick sa pagtanggal ng kalat na cutics sa balat ng kuko at para presentable tingnan. Kapag siguradong tuyo na ang cutics, ulitin ang pagkakalagay ng cutics (2nd coat).


· Mag-antay na matuyo ang cutics ng mga 10-15 minuto sa paa at ipatong ang clear top o color less, para mas lalong makintab tingnan at matagal masira ang kuko. Iwasang dumikit sa kahit na anumang bagay ang kuko para hindi masira ang ganda ng paa.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Personal grooming is a form of personal hygiene. It is not just that personal touch that you have while speaking but it can be your body accent and how you carry on your own. Personal grooming is very important for a positive self-image. The very first look of an individual gives an idea how well maintained and well-dignified that person is and what kind of personality he possess. Being beautiful often means simply being neat, clean and well-groomed. A beautiful body is a clean body, with unblemished skin, lice or dandruff-free hair. The leading thing is always to look clean up. This could be the basic step of your grooming. Have got your nails neatly manicured. Maintain ears along with body clean up.
• Wear right clothes for the right occasion. Wearing appropriate clothes is good personal grooming.
• Apply deodorant or body spray every morning and keep a container with yourself in case you need it. Do not spray yourself with too much perfume or aftershaves. A subtle fragrance is more pleasing to the senses than the overwhelming ones.
• Skin care is another such aspect that you must take care of. Most of the women do not have the soft and smooth skin that is desired. Follow the proper skin care regime so that your skin is moisturized and has a natural glow. Use sunscreen when you go out of doors and drink enough water to keep your body fluids in balance.
• Shampoo your hair often and keep it healthy and shiny. Cut and trim your hair regularly, including nose hairs. Your hair cut and style should complement directly to your facial features and shapes. The cut should also be according to the profession you are pursuing. Air dry is better than towel dry. Keep dirt off brushed and combs.
• Keep your finger nails neat and clean. Avoid painting them with dark or bright colors unless it is a special occasion.
• Always be simple and neatly dressed to impress others. Avoid using showy toenail colors which are too shiny or catchy.
• Avoid wearing clothes that are stained, look crumpled or smell of body odors.
• And at last but not the least, eat a proper balanced and healthy diet. And exercise regularly. Eat fresh fruits and vegetables to the maximum and fast food to the minimum.
Simple dress and good manners reflect you are confident, reliable and considerate. Personal grooming additionally involves how you eat. Dining etiquette is important. Put the napkin on the lap rather than your scruff of the neck. Make minimum noise with the utensils if you are eating. Sleep and exercises also help in keeping your skin looking perfectly groomed.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.