PAANO MAGPAGANDA NG KUKO O PAG-MANICURE NG NAILS, CUTICLE, Pedicure and grooming, cutters

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Malaki ang maitutulong sa pagpapaayos ng kamay sa ating personalidad lalong lalo na sa mga babae. Personal grooming is a form of personal hygiene. It is not just that personal touch that you have while speaking but it can be your body accent and how you carry on your own.Personal grooming is very important for a positive self-image.


May mga paraan na madali lang at hindi na kailangan pumunta na Salon para gumastos at magpamanicure, dahil mismo tayo ay kayang-kaya natin gawin ito.

Bago magsimula sa pag manicure kailangan mo ng komportableng lugar kung saan kasya ang mga kagamitan at ang kamay. Siguraduhing maliwanag ang lugar, walang alikabok at walang balahibo ng aso, pusa o kahit na anung hayop. Ang pagkakaroon ng musika sa paligid ay mas maigi din.


MGA KAGAMITAN NA DAPAT IHANDA

· Nail polish remover or aceton

· Cotton balls or bulak

· Cuticle trimmer or nipper

· Nail buffer

· Nail clipper or nail cutter

· Nail file

· Cuticle cream or cuticle remover

· Nail brush

· Pusher

· Nail polish

· Top coat or colorless cutics


6 na madaling hakbang o gagawin sa pag-manicure

1. Pagtanggal ng lumang cutex o nail polish – Ang pagtanggal ng kulay o dumi sa kuko ay mapapabilis kapag gumamit ka ng aceton o nail polish remover at cotton balls o bulak. Mag-ingat sa paggamit ng aceton lalo na sa mga taong mahina ang resistensiya, dahil pwedeng mangati ang mata, pagkaramdam ng hilo, paninikip ng hininga, at pagsakit ng ulo.


2. Paggupit at paghugis ng kuko – Sa paggupit ng kuko kailangan ng matalas na nail cutter, lagi tandaan huwag gumamit ng mapurol dahil nakakasira ito ng kuko. Gupitin ang kuko sa katamtamang haba lamang, iwasan ang paggupit ng sagad. Pagkatapos magupit ang kuko sa nais na haba, gumamit ng nail file sa pagpapahugis ng kuko. Isang direksyon lamang, pataas at pababa sa kabilang gilid ng kuko hanggang sa maging pabilog,parisukat o pahaba (kung anu ang nais). Sa panahon ngayon nauso ang medyo pantay ang dulo ng kuko.


3. Pagpapakintab ng kuko – Sa pagpapakintab naman ginagamitan ang nail buffer sa kuko. Sa unang side ng nail buffer na magaspang dahan-dahan sa pagkiskis ng kuko sa magkabilang gilid. Ilipat ang nail buffer sa kabilang side nito na medyo magaspang at gawin ang naunang proseso. Hanggang sa pangatlong side at sa panghuling side ng nail buffer kung saan malambot na. Pero hindi naman ito kailangan talaga, para sa mga hindi kayang bumili.


4. Pagbabad ng kuko – Sa isang maliit na palanggana maglagay ng maligamgam na tubig at sabon, ibabad ang kuko ng ilang minuto upang matanggal ang dumi o alikabok sa kamay sa pagpahugis at pagpakintab ng kuko. Nakakatulong ito upang matanggal ang dead skin o patay na balat. Nakakapagpalambot din ito ng cuticle (patay na balat sa kuko).


5. Paglinis ng kuko - Patuyuin mabuti ang kuko bago lagyan ng cuticle cream sa kuko, kapag wala kayong cuticle cream, maari kayong gumamit ng cuticle remover.Gumamit ng pusher para linisin ang kuko, iwasan na matanggal ang cuticle sa kuko upang maiwasan ang infection at pagkasugat nito. Gumamit ng nail brush para malinis ang kuko at patuyuin mabuti.


6. Paglagay ng kulay o cutics sa kuko – Bago buksan ang kutex ay i-shake ito upang mahalo mabuti.

· Maglagay ng colorless (walang kulay) na cutics sa kuko upang tumagal ang cutics at maiwasan na mamantsahan ang kuko ng may kulay na cutics.


· Kapag natuyo na ang color less, ilagay ang unang cutics o nail polish (1st coat) sa kuko. Kailangang manipis ito upang hindi makapal tingnan. Antayin na matuyo ang cutics, iwasang ibilad sa araw at huwag itapat sa electric fan o bintilador para hindi magkaroon ng maliliit na parang bula (bubbles) ang cutics.


· Kapag tuyong-tuyo na ang nail polish, lagyan ulit ng cutics ang kuko (2nd coat). Isang direksyon lamang sa pagkulay ng kuko at ito ay pataas , iwasan ang pabalik-balik.


· Bago maglagay ng top coat (colorless) siguraduhing tuyo na ang cutics. Mahalaga ang paglagay ng colorless cutics dahil nakakapag patagal ito ng kintab at matagal masira ang nail polish sa iyong kuko.


Mga usong disenyo ng kuko


1. French tip – Isa sa mga madaling gawin sa pagdesinyo ng kuko ay ang French manicure o French tip. Napakasimple ngunit maganda at malinis tingnan sa kuko. Ito ang mga sumusunod na dapat gawin.


· Kapag malinis na ang kuko ay maglagay ng colorless cutics at antayin matuyo mabuti.


· Lagyan ang dulo ng kuko ng nail polish na kulay puti o kahit na anung nais na kulay. Kung nais na mas matingkad tingnan ang kulay, maglagay ulit ng puting cutics.


· Kapag tuyong-tuyo na maglagay ulit ng color less para mas lalong makintab tingnan.


2. Nail arts – Isa sa mga magagandang disenyo sa kuko ay ang nail arts. Maari kang makagawa ng disenyo na babagay sa party na pupuntahan mo, nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng iyong personalidad. Makakalikha ka ng disenyo ayon sa gusto mo, kailangan lang ng tiyaga sa paggawa. Para sa mga karagdagang kaalaman maaari mag-search sa internet ng mga nais na disenyo.


SUNOD: Paano maglinis ng Kuko?


The very first look of an individual gives an idea how well maintained and well-dignified that person is and what kind of personality he possess. Being beautiful often means simply being neat, clean and well-groomed. A beautiful body is a clean body, with unblemished skin, lice or dandruff-free hair. The leading thing is always to look clean up. This could be the basic step of your grooming. Have got your nails neatly manicured. Maintain ears along with body clean up.


• Wear right clothes for the right occasion. Wearing appropriate clothes is good personal grooming.
• Apply deodorant or body spray every morning and keep a container with yourself in case you need it. Do not spray yourself with too much perfume or aftershaves. A subtle fragrance is more pleasing to the senses than the overwhelming ones.


• Skin care is another such aspect that you must take care of. Most of the women do not have the soft and smooth skin that is desired. Follow the proper skin care regime so that your skin is moisturized and has a natural glow. Use sunscreen when you go out of doors and drink enough water to keep your body fluids in balance. • Shampoo your hair often and keep it healthy and shiny. Cut and trim your hair regularly, including nose hairs. Your hair cut and style should complement directly to your facial features and shapes. The cut should also be according to the profession you are pursuing. Air dry is better than towel dry.


• Keep your finger nails neat and clean. Avoid painting them with dark or bright colors unless it is a special occasion.


• Always be simple and neatly dressed to impress others. Avoid using showy toenail colors which are too shiny or catchy.• Avoid wearing clothes that are stained, look crumpled or smell of body odors.


• And at last but not the least, eat a proper balanced and healthy diet. And exercise regularly. Eat fresh fruits and vegetables to the maximum and fast food to the minimum.


Simple dress and good manners reflect you are confident, reliable and considerate. Personal grooming additionally involves how you eat. Dining etiquette is important. Put the napkin on the lap rather than your scruff of the neck. Make minimum noise with the utensils if you are eating. Sleep and exercises also help in keeping your skin looking perfectly groomed.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.