PAANO MAGTANGGAL O MAGSHAVE NG BUHOK, BALAHIBO SA BRASO AT BINTI, shave leg hairs arms

Jennifer Magsaysay
is a Nurse / Beauty Consultant in Canada

Ang pagtanggal ng balahibo sa braso (arms) at binti (legs) ay pangkaraniwang ginagawa mapalalaki man o babae. Ang pag-shave ay wala sa edad, ibig sabihin kung ikaw ay nagdadalaga o nagbibinata na at nakikita mong kailangan mo na tanggalin ang mga buhok mo sa binti at braso , kailangan mo na ito tanggalin. Kapag first time mo pa lang magshave mas makakatulong kung magsabi sa magulang upang mapayuhan ka nila. Mga 3 beses sa isang linggo ang pag-alis ng balahibo sa arms at legs o depende sa pagtubo nito. Maliban sa pagshave may tinatawag din tayong wax removal. Ang kaibahan ng pagshave ay natatanggal ang balahibo hanggang ibabaw lamang ng balat samantala ang wax removal naman ay hanggang sa pinaka-ugat ng buhok o “hair follicle”, yan din ang dahilan kung bakit matagal ang pagtubo ng buhok ulit na umaabot ng 2-3 linggo. Ang pagshave ay murang paraan ng pagtanggal pero ang hair wax ay mahal. Kailangan maging maingat sa pagbili ng “hair removal kit” dahil maraming brand na hindi nakakatanggal ng buhok, o mas maiging pumunta sa salon para makasigurado. May mga nagsasabi na ang palaging pagwax ay hindi maganda dahil nakakamatay ito ng hair follicle at pagtubo ng iilang buhok na lamang pero hindi pa ito napapatunayan.



MGA DAPAT TANDAAN


· Tamang pang-ahit o razor – May mga iba’t ibang kulay at hugis ang pang-ahit. Tingnan mabuti kung hindi mahirap gamitin ang razor na bibilhin, pero hindi ka basta basta makakabili ng perfect razor sa unang pagpili mo. Humanap ng pang-ahit na may “moisturizing strips” at mayaman sa acai berry at jojoba extract para sa karagdagang benepisyo. Marami kang pang-ahit na masasayang bago mo Makita ang hinahanap at fit para sayo na pang-ahit.

· Bawal ipagamit sa iba – Huwag na huwag mong ipagamit sa iba ang razor mo, kahit sa kapatid mo man o sa mga magulang mo upang makaiwas sa impeksiyon (infection) sa balat.

· Shaving creams – Maraming pagpipilian pagdating sa shaving cream,meron shaving gel, cream at foam, may para din sa babae at lalaki. Tiyakin mabuti na ang nabili mo ay para sa kasarian mo. May mga shaving cream na mukhang gel ang itsura pero kapag nilagay mo na ay nagiging creamy o milky ito. Ang shaving gel ay mas maganda o substantial kesa sa shaving foam, dahil madulas ito at naiiwasang masugatan ang balat at mas lumalambot ang balahibo. Ang shaving cream naman ay may lotion kung saan nakakapagpalambot o moisturize ito ng balat.

· Gaano kadalas magshave – Walang masama magtanggal ng buhok sa arms at legs araw-araw, may ibang tao nagtatanggal 2-3 beses sa isang lingo, meron araw-araw, may mga isang beses naman sa isang lingo. Depende sa pagtubo ng mga balahibo mo, ikaw din mismo nakakaalam kung kaano kadalas.


MGA GAMIT NA KAILANGANIN


1. Malinis na razor o pang-ahit


2. Shaving cream


3. Malinis ng towel o bimpo


5 PARAAN SA PAGTANGGAL NG BALAHIBO SA BINTI AT BRASO


1. Maligo – Mas mabilis sa paglinis kapag sinabay mo sa iyong pagligo ang pagshave ng braso at binti. Maghanda ng maligamgam na tubig para pampaligo, upang magbukas ang maliliit na butas (pores) ng ating balat at lumambot ang buhok o balahibo.


2. Pag-lagay ng cream – Maglagay ng conditioner , shampoo o cream sa iyong braso hanggang sa iyong balikat. Lagyan ulit ng shaving cream at braso na gustong ahitin.


3. Pagshave ng braso o arms


· Iunat ang braso ng maayos at simulang ahitin ang bisig ng dahan dahan, mula sa iyong kamay hanggang sa braso. Ikutin ang braso at dahan-dahang ahitin banda sa pulso, sa kabila at ilalim ng naunang naahit. Magsimula sa pulso hanggang sa iyong siko.

· Pagkatapos maahit ang taas at baba ng braso, simulan ahitin naman ang bandang itaas ng iyong siko. Baluktutin ang siko patungo sa’yong ulo, kailanganin mo ng salamin upang makita mo ang inaahitan.

· Iangat ang kamay at ahitin ang itaas ng braso hanggang sa likuran ng bahagi nito o bandang itaas ng siko, kailangan mo pa din itong tingnan sa salamin.

· Ahitin ang lahat na parte ng braso, siguraduhing walang nakaligtaan upang pantay ito tingnan. Ulitin ang ginawa sa kabilang braso.


4. Pagshave ng binti o legs


· Pagdating sa binti kailangan mo ng magandang apakan o tuntungan na komportable kang ahitin ang binti, piliin ang patungan na hindi umuuga.

· Masimula umahit mula sa bukung-buko o ankles hanggang sa taas hita o binti, depende sa gusto mo. Dahan-dahan din dapat ang pag-ahit mo dito.

· Pagkatapos maahit ang buong binti at hita, ulitin ang pag-ahit sa parte na may mga buto dahil posibleng hindi naahit ng mabuti o siguraduhing walang nakaligtaan gaya ng sa braso. Ulitin ang proseso ng pag-ahit sa kabilang paa.


5. Pagbanlaw – Pagkatapos ang pag-ahit banlawan mabuti ang katawan lalong lalo na sa braso at binti na nilagyan ng shaving cream. Pagkatapos maligo maglagay ng lotion para lumambot ang balat.


MGA PAALALA


1. Siguraduhin na malinis ang razor o pnga-ahit bago gamitin, huwag gamitin kapag kinakalawang na.


2. Oras na tapos mo ng gamitin ang pang-ahit, patayuin ito na nasa bandang itaas ang “blade”. Nakakatulong ito sa pagpapabilis na pagtuyo at maiwasan ang kalawang.


3. Laging ilagay an gang pang-ahit sa malinis na pwesto pagkatapos gamitin. Itabi din ito mabuti sa hindi naaabot ng mga bata.


Personal grooming is a form of personal hygiene. It is not just that personal touch that you have while speaking but it can be your body accent and how you carry on your own. The very first look of an individual gives an idea how well maintained and well-dignified that person is and what kind of personality he possess. Being beautiful often means simply being neat, clean and well-groomed. A beautiful body is a clean body, with unblemished skin, lice or dandruff-free hair. The leading thing is always to look clean up. This could be the basic step of your grooming. Have got your nails neatly manicured. Maintain ears along with body clean up.


• Wear right clothes for the right occasion. Wearing appropriate clothes is good personal grooming.
• Apply deodorant or body spray every morning and keep a container with yourself in case you need it. Do not spray yourself with too much perfume or aftershaves. A subtle fragrance is more pleasing to the senses than the overwhelming ones.


• Skin care is another such aspect that you must take care of. Most of the women do not have the soft and smooth skin that is desired. Follow the proper skin care regime so that your skin is moisturized and has a natural glow. Use sunscreen when you go out of doors and drink enough water to keep your body fluids in balance. • Shampoo your hair often and keep it healthy and shiny. Cut and trim your hair regularly, including nose hairs. Your hair cut and style should complement directly to your facial features and shapes. The cut should also be according to the profession you are pursuing. Air dry is better than towel dry.


• Keep your finger nails neat and clean. Avoid painting them with dark or bright colors unless it is a special occasion.


• Always be simple and neatly dressed to impress others. Avoid using showy toenail colors which are too shiny or catchy.• Avoid wearing clothes that are stained, look crumpled or smell of body odors.


• And at last but not the least, eat a proper balanced and healthy diet. And exercise regularly. Eat fresh fruits and vegetables to the maximum and fast food to the minimum.


Simple dress and good manners reflect you are confident, reliable and considerate. Personal grooming additionally involves how you eat. Dining etiquette is important. Put the napkin on the lap rather than your scruff of the neck. Make minimum noise with the utensils if you are eating. Sleep and exercises also help in keeping your skin looking perfectly groomed.



About the author

Jennifer Magsaysay

I consider myself open minded and straightforward. I'm not afraid to tell people what I think because I feel that being honest with others is better. I care about people and try to help others as much as I can in any way. I love meeting people from around the world and learn new things. I love animals. I love to travel !! My weakness would be that I get disappointed quickly when things don’t go my way.
Profession: Nurse / Beauty Consultant
Canada , Greater Toronto Area , Toronto

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.