Paano maiiwasan at mapipigilan ang pagputi ng buhok o Uban? Ano gamot at lunas sa pumuputing buhok?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang pagtubo ng puting buhok ay dumarating sa iba’t-ibang edad para sa lahat. Ang mga nasa edad 30 at 40 pataas ay karaniwang edad kung saan karamihan ng mga lalaki at babae ay tinutubuan ng putting buhok na mahirap nang itago.

Uban Paano maiwasan o mapigilian ang Uban o puting buhok, pumuputi gray hair

Sa puntong ito, marami ang mas gugustuhing gumamit ng maraming uri ng pangtina ng buhok. Kahit na ito ay maaaring gawin ng maraming tao, may mas magandang paraan pa para maayos ang kulay ng buhok. Ang paggamit ng bitaminang may B complex ay tutulong para mabalik ang kulay ng buhok.

Unang Hakbang

Bumili ng pang-araw araw na bitamina. May mga produktong may kombinasyon at naglalaman ng lahat ng 8 B complex na bitamina ang siyang inererekomenda sa karamihan. Maaaring pumili sa isang comprehensive na multivitamin at mineral o mas specifil na gamot na ginawa na may lahat ng B vitamins. Kung limitado naman ang iyong pera, piliin ang may purong B5 – pantothenic acid – dahil ito ay pangunang bitamina pangontra sa pagputi ng buhok. Ayon sa health section ng The Utah School of Computing “Ang maagang pagtubo ng puting buhok ay isang senyales ng kawalan ng pantothenic acid o ang hindi pag absorb dito ng katawan”.


Pangalawang Hakbang

Gamitin ito sa umaga, isang beses bawat araw. May mga B vitamins na may makapangyarihang epekto sa kung paano tunawin ang pagkain at inumin. Ang karagdagang influx ng nutrisyon sa iyong katawan ay hindi maganda para makatulog ka. Kung ito ang nangyayari sa’yo kapag iniinom mo ito kung gabi, siguraduhing inumin ito ng hindi bababa sa 4 na oras bago matulog.


Pangatlong Hakbang

Inumin ayon sa sinasabi sa label. Karamihan sa mga pills ay kailangang inumin ng buo kaya huwag baliin o durugin. Kung pipiliin mo naman ang chewable, soluble, powder, liquid o specialist na sublingual na produkto, siguraduhing inumin sila ayon sa inuutos. Kapag hindi mo nagawa ito, maaaring hind imaging kasing epektibo ang vitamin B sa iyong katawan.


Pang-apat na Hakbang

Kumain ng buong agahan at inumin ito agad matapos kumain. Ang pag-inom nito matapos kumain ay tumutulong sa bitamina para dumaan ito sa iyong digestive system at maipasok sa katawan ng mas mainam.


Panlimang Hakbang

Obserbahan ang iyong ihi. Ang sobrang pag-inom ng B vitamins ay mabilis na naisasalin kapag umiinom ka ng tubig. Karaniwan ding ang mga high-strength na mga produkto ay nakakabago ng kulay ng ihi. Ayon sa Harvard Medical School, “Ang mga B vitamins ay maaaring baguhin ang ihi sa mas fluorescent na yellow-green na kulay.” Kung ito ang nangyari, maaari mong palitan ang iyong damot sa mas mahinang gamot, pero siguraduhing may B5 pa din sa gamot na hindi bababa sa 100% na formula na sinasaad ng mga eksperto para maiwasan ang pagputi ng buhok.


Tigilan ang pagsigarilyo: Ang iyong pamumuhay ay may napakalaking impluwensya sa iyong kalusugan at kulay ng buhok. Ang pagsigarilyo ay may masamang epekto sa iyong katawan at nakakadagdag sa pagputi ng buhok. May pag-aaral na isinagawa na nagsasabing ang mga naninigarilyo ay may mataas na probabilidad na mawala ang kulay ng kanilang buhok kumpara sa mga hindi naninigarilyo.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.