Paano tumangos ang pango na ilong? Paraan para mapaganda mapatangos

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Para sa halos lahat ng babae, lalo na sa mga modelo, artista, kilalang personalidad o kahit sa simpleng tao lang, ang pagkakaroon ng maganda, matangos at makinis na ilong ang isa sa pinaka mahalaga.

Paano tumangos ang pango na ilong Paraan para mapaganda mapatangos

Ang lakas naman kasi talaga ng dating at mas naakakataas ng kumpyansa kapag matangos ang ilong mo. Kaya nga yung iba na pango ang ilong, gumagastos sila ng libo-libo o milyon pa nga para lang mapatangos ang ilong nila sa mga plastic at cosmetic surgery. Kung hindi ka naman handang gumastos at mas gusto mo yung natural na paraan, wag kang mag-alala. Madami kang pwedeng gawin para mas maging presentable ang itsura mo kahit na di gaanong matangos ang ilong mo. May mga paraan naman para natural na patangusin ang ilong pero hindi yan mabilis. Subukan ang mga sumusunod:

- Gumamit ng make up o yung tinatawag na Contouring para mag muka itong matangos. Ito na yata ang pinakamabilis, madali at ligtas na paraan. Simple lang. Kailangan mo ng foundation na tutugma sa kulay ng balat mo o skintone. Tapos, dalawang foundation na mas dark sa skintone mo at isang powder na mas light naman sa skintone mo. Kailangan mo din ng brush at face sponge. Kung di ka pamilyar sa mga yan, magtanong sa sales lady o kahit na sinong bihasa sa pag mamake-up. Eto ang mga paraan

1. Ilagay ang foundation na kakulay ng balat o skintone mo sa ilong gamit ang sponge o ang mismong mga daliri mo kung wala naman.

2. Ilagay sa dalawang magkabilang gilid ng ilong mo ang mas dark na foundation mula taas hanggang baba. Nose lining ang tawag dyan. Yan ang magpapa tangos ng ilong mo. Gamit ang brush, bahagyang pantayin ito sa kulay ng foundation mo para hindi ito mahalata. Kung minsan, mas okay pa nga na gamitin ang mga daliri mo.

3. I apply naman ang foundation na mas light sa skintone mo. Pero wag mong hayaan na mawala ang highlight o yung linya na nanggaling sa mas dark na foundation.

4. Maglagay ng blush on sa cheekbones mo para mas lumutang ang contour sa ilong mo.

Kung gusto mo na mas makita ang aktwal na paraan, manood ng mga video ng nose contouring sa internet. Nakadepende ang ikalulutang ng tangos ng ilong mo sa gagamitin mong blush on. Dapat na tugma yan sa skin tone mo. Halimbawa, mas lulutang ang peach na blush on kapag mejo kayumanggi ang gagamit.

- Pisilin ang ilong ng dahan-dahan gamit ang mga daliri ng paitaas. Mga apat hanggang limang minuto mo itong gawin araw-araw. Makikita mo ang resulta sa loob ng isang buwan o higit pa. Bukod sa mapapatangos at mapapaganda niyan ang hubog ng ilong mo, makakatulong din yan para ma relax ang daluyan ng hangin sa ilong mo.

- Bumili ng mga Nose Up treatment na makikita sa mga beauty shops. Ang totoo, hindi ka makakasigurado kung hanggang kailan ang itatagal ng treatment na yan.

- Mag yoga exercise. Maniwala ka man o hindi, may naitutulong yan. Sa yoga, matututuhan mo ang malalim na paghinga gamit ang ilong na mas magpapaganda naman ng hubog ng ilong mo. Umupo sa komportableng sahig. Humingang malalim habang tinatakpan ang isang butas ng ilong mo at pinapadaloy ang hangin sa parte na walang takip. Sa loob ng tig-aapat na segundo, gawin ito ng salitan sa magkabilang butas. Gawin ito araw-araw ng may mahigit sa 10 ulit.

Ang pagpapatangos ng ilong ang isa sa pinaka mahirap at matagal na proseso pwera nalang kung magpapaplastic surgery ka. Pero maging maingat kasi baka maapektuhan naman niyan ang ibang bahagi ng mukha mo at maging mas komplikado pa. Maging mapaghintay at matiisin sa proseso na yan. Tandaan na mas maganda pa din kung papahalagahan mo ang natural mong ganda. Nakatulong sana sayo ang mga yan para mas magkaron ka ng kumpyansa sa ilong mo.



About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.