Ano mga Pamahiin sa pagsapit ng Bagong Taon? Paano pagsalubong para buwenasin o swertehin?

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Paano sasalubungin ang bagong taon para swertehin?

Nakaugalian na ng mga Pilipino ang natatanging pagsalubong sa paparating na bagong taon. Taun-taon, siguradong hindi mawawala ang sandamakmak na handa sa hapag kainan. Tiyak na puno ang hapag kainan sa mga iba’t ibang pagkain na pagsasaluhan sa gabi bago ang unang araw ng taon.

Kasabay ng pagdiriwang na ito, hindi mawawala ang mga nakagisnang paniniwala ng mga Pinoy. Maraming mga pamahiin ay namana ng mga Pilipino sa mga dayuhan tulad ng mga Kastila at Tsino, na kilala sa pagiging mapamahiin. Narito ang iilang mga pamahiin na pampalayas at pagpapalapit sa mga grasya, buwenas sa isang pamilya at tahanan.


Ano mga dapat gawin pagsapit ng alas dose hating gabi ng Bagong Taon?

1. Kapag tumunog na ang ika-12:00 ng hating gabi bilang hudyat ng Bagong Taon, buksan ang lahat ng mga pinto, bintana at aparador para pumasok ang suwerte na dala ng bagong taon.

2. Lumundag ang mga bata o mga pandak, upang tumangkad o madagdagan ang iyong height.

3. Katulad ng ibang bansa ay may putukan, sigawan o kalampagan ng gamit. Pinaniniwalaan na panakot raw ito at pinaaalis ang mga masasamang espirito.


Pera: Pamahiin kaugnay sa salapi

1. Iwasan ang gumastos ng kahit isang pera sa araw ng Bagong Taon. Kung bibili ka, malamang magiging gastador ka sa buong taon. Bilin na lahat ng alam niyong gagamitin bago magbagong taon.

2. ‘Wag magbabayad ng utang sa bagong taon, dahil hindi mo maiiwasan ang laging may utang.

3. Masama para sa isang tindahan ang nagpautang kung araw ng Bagong Taon dahil hindi ito magkakaroon ng magandang kita o bentahan sa buong taon. Sa halip, maaaring puro utang lamang ang mangyayari.

4. Kapag naghahanap ka ng magandang kapalaran sa buong taon, lagyan ng pera ang inyong bulsa pagsapit ng Bagong Taon.

5. Maglagay ng maraming barya sa bulsa at alugin pagsapit ng alas dose ng gabi.

6. Magbilang ng perang papel sa harapan ng pintuan. Ang pagbilang ay papasok para raw maraming perang darating sa inyo. Gawin ito pagtugtog ng alas dose ng gabi.


Sa Loob ng Bahay: Pamahiin kaugnay ng mga gamit sa bahay

1. Mamalasin raw sa buhay kapag naglabas ng ano mang kasangkapan sa iyong tahanan sa araw ng Bagong Taon.

2. Sa maraming probinsya sa Piliinas, nakaugalian na paniniwala ng mga tao na bago sumapit ang Bagong Taon, kailangang kumpleto ang kanilang tahanan sa tubig, asin at bigas upang maging sagana at maunlad ang kanilang kabuhayan sa buong taon. Punuin ang lalagyan ng bigas, asukal at asin at mga lalagyang ginagagamit sa araw-araw na pangangailangan, upang maging sagana raw sa buong taon.

3. ‘Wag na wag raw magwawalis sa umaga ng Bagong Taon. Kasi para mo na rin itinataboy ang magandang kapalaran. Mas mainam ang pagwalis sa dakong hapon.

4. Mamalasin kayo sa buhay kung maglalaba ng damit o maghuhugas ng pinggan sa araw ng Bagong Taon. Maaaring gumamit na lang ng paper plates o kumain sa labas, para maiwasan maghugas ng pinggan.


Pag-uugali: Pamahiin kaugnay ng mga asal

1. Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo o nakasimangot sa araw ng Bagong Taon upang maging maayos ang inyong kalooban sa buong taon.

2. Suswertehin sa buong taon kapag sa araw ng Bagong Taon ay babati ka ng “Happy New Year” o “Manigong Bagong Taon” sa sino makakasalubong na tao.

3. Kapag dadalaw ka sa ibang bahay sa araw ng Bagong Taon, kelangang magdala ka ng kahit anong regalo sa inyong dadalawin para buwenasin sa buong taon.


Pagkain: Pamahiin ukol sa paghanda ng tsibog / chibog

1. Suwerte raw kapag salu-salong kumain ang pamilya tuwing Media Noche, dahil sumasagisag ito ng matibay na pagkakaisa buong taon.

2. Maghanda rin ng 12 ibat-ibang bilog na prutas (12 round fruits). Kaya sa tuwing panahon ng kapaskuhan ay mabenta ang mga pamilihan sa dami ng klase ng mga bilog na prutas. Bakit kamo labing dalawa? Dahil may 12 buwan sa isang taon. Nangangahulugan na masagana at maunlad sa loob ng isang taon.

3. Mga bilog na pagkain – Magluto at kumain ng mga bilog na pagkain tulad ng meat balls. Kilala rin ang mga bilog na prutas tuwing sasapit ang bagong taon.

4. Kapag ganitong malaking okasyon, kalimitan hindi nawawala ang spaghetti, dahil simbolo ito ng hahaba pa ang iyong buhay.


Kasuotan: Pamahiin ukol sa pagdamit

1. Magdamit ng may disenyong bilog-bilog o ‘Polka dots’. Ang bilog ay nangangahulugan ng pera. Nagbibigay raw ito ng suwerte sa buong taon.

2. Magsuot ng bagong damit para buwenasin dahil nagpapahayag ito ng magagandang darating sa iyong buhay buong taon.

3. Maging malinis din ang katawan sa unang araw ng taon para swertehin o dumating ang bwenas sa buong taong.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.