PAMAHIIN SA PATAY, LIBING, LAMAY AT BUROL: MGA BAWAL AT DI PWEDE KAUGALIAN PANINIWALA

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ang mga tradisyon ng lamay ay napakaimportante para sa mga Pilipino. Sa ibang lamay, naghuhulog ng pera ang mga pinoy sa mga kahon, lata ng biskwit o kristal na lagayan malapit o sa kabaong mismo. Mayroong pasugalan, inuman, at kantahan ang iba, depende sa paniniwala ng namatayan. Samantala, kapag dumating na ang araw ng libing, hindi nililibing ang patay hangga’t di dumadating ang lahat ng mga kaanak.


Bilang mga Katoliko, ang mga Pilipino ay ginagamit ang relehiyosong pagtingin tungkol sa kamatayan at ginagawa ang kanilang lamay base sa tradisyong Katoliko.

Ang karaniwang takbo ng mga ritwal ng patay at selebrasyon sa probinsya kung saan hindi pa sikat ang mga “funeral parlor” ay lamay, padasal, libing, pa-siyam, ika 40 na araw at waksi (anibersaryo ng pagkamatay, o tinatawag ding babang luksa). Ngunit maraming mga aspeto na nasa nakaugaliang pamahiin sa patay ng mga Pinoy ay binubuo ng mga Kultural na paniniwala at tradisyon na eksklusibo lamang sa rehiyon ng bansa.

Para sa mga Katolikong Pinoy, may 24 oras na lamay o vigil na isinasagawa sa bahay ng namatay sa bisperas ng libing. Kailangan  samahan ang katawan ng namatay ay sa sementeryo matapos ng seremonya ng lahat ng kaanak. Nasa tradisyon na maglalakad ang mga nagdadalamhati sa likod ng kabaong.

Mga Lamay o Vigil sa Pilipinas
Ang mga lamay ay karaniwang ginaganap mula tatlo hanggang pitong araw. Ang mga lamay sa probinsya ay kadalasang ginaganap sa bahay, habang ang mga nasa syudad naman ay nilalagay ang kanilang patay sa mga funer homes. Maliban sa pagpapakalat ng balita tungkol sa pagkamatay gamit lang ng verbal, isinusulat din ito sa mga dyaryo.

Kapag may namatay, importanteng bigyan ng basbas ng pari ang patay para masigurong ang patay ay aakyat sa langit. Para sa lamay, ang katawan ng namatay ay inihahanda at inilalagay sa bahay. Ang mga kapamilya ay hindi nagtatrabaho o walang ginagawa sa panahong ito. Ang lamay ay maaaring magtagal mula tatlo hanggang pitong araw, na nagbibigay panahon sa mga kaibigan at pamilya na maayos na makapag paalam. Ang mga pinoy ay hindi kine cremate and katawan ng namatay; kailangang buo pa din ang katawan nila para mag resurrect muli.

Ang selebrasyon sa lamay ng isang namatay ay tinuturing na nakakainsulto o hindi nararapat para sa ilang mga kultura, ngunit sa Pilipinas lalo na sa probinsiya ay nakaugalingan na at pinapasa sa mga henerasyon kasabay ng mga ritwal at paniniwala. Ang pagtangis at hinagpis ay nadyan pa din, ngunit isang masaya at mainit na pagsalubong ang mararamdaman sa paligid upang tulungan ang namatay sa kanyang paglalakbay papunta sa kabilang buhay. Itinuturing ng mga Pinoy ang pagkamatay ng kapamilya bilang oportunidad para mas patibayin pa ang ugnayan ng pamilya. Ang mga matagal nang hindi nakikitang kamag-anak, kaibigan at mga kapamilya na nasa abroad ay magsasama sama upang magbigay galang at bigyang galang ang relasyon nila sa namatay.

Ang mga “vigil” ay isinasagawa buong gabi hanggang libing ng patay para may kasama ang patay. Ang mga tao ay karaniwang nagpapalipas oras sa vigil sa pamamagitan ng kainan, inuman, sugal o pakikipag-usap. Sa buong panahon ng lamay, ang pinakamalapit na kapamilya ay inaasahang umupo sa tabi ng katawan para magtanggap ng abuloy mula sa mga bisita. Bilang ganti, ang mga kapamilya ay inaasahang maghanda ng pagkain at maiinom para sa kanilang mga bisita.


Pinoy na Libing
Matapos ang lamay, may prusisyon na nangyayari, may misa na binibigay at libing. May rosaryo na nilalagay sa kamay ng bangkay bago ibababa ang kabaong sa lupa, ang kabaong ay bubuksan para sa huling paalam. May mga pinoy na sinisira ang rosaryo para mapigilan ang isa pang patay sa pamilya, at ang mga bata ay nagsusuot ng pula para hindi sila susundan ng espiritu ng patay.

Bilang batas, bukas ang kabaong at normal lang na hawakan ang katawan ng namatay. Hindi naniniwala ang mga Pinoy sa cremation at dapat buo ang katawan ng patay. May mga rosary sessions na ginagawa bawat gabi sa loob ng tatlumpung araw para tulungang sumalangit ang kaluluwa ng namatay. Ang mga padasal na ito ay nangyayari sa bahay ng namatay at isa pa itong panahon para magbigay galang ang mga kaanak at kaibigan sa namatay. Sa panahong ito hanggang sa buong panahon ng bisitasyon at lamay, itinuturin na bastos ang magpakita ng emosyon na hindi malungkot at seryoso.

Ang mga dekorasyon sa lamay – tulad ng kabaong at bulaklak – ay napaka detalyado dahil itinuturing na ang nangyayari sa lamay ay representasyon ng buhay ng patay. Ang libing naman ay isang mahabang prosesyon na naglalakad (dahil ang mga bayan ay maliit naman kaya malapit lang ang sementeryo), kung saan ang mga nakikiramay ay kumakanta ng bahagi ng dasal hanggang sa sementeryo. Ang prosesyon ay kukuha ng hindi direktang ruta papuntang sementeryo at iikot sa bayan para bigyang pagkakataon ang maraming tao na magbigay galang sa huling pagkakataon.


Matapos ang Libing
Matapos ang libing, siyam na araw ng pagdarasal ang inaalay sa patay ang mangyayari. Ang gurpo-grupong pagdadasal na ito ay tumutulong sa patay na makapasok sa langit. Ang ika apat at ika siyam na araw ay tinatawag na oras kung saan ang kaluluwa ng namatay ay babalik. May alay na pagkain sa labas ng pinto ng bahay sa panahong ito para sa espiritu ng patay. Ang ika 40 na araw matapos mamatay ang tao ay ipinagdiriwang dahil sa araw na iyon siya sinasabing papasok sa langit. Isang taon matapos mamatay, may isang panghuling seremonyas na tinatawag na ‘waksi’ ang ginaganap.

Sa isang waksi, ang pamilya ay naghahanda ng kainan kasama ng mga bisita at nagdadasal para sa patay.

Sa loob ng isang taon o higit pa, ang nagluluksang pamilya ay nagsusuot ng itim. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng itim na ribbon sa kanilang braso, at ang mga babae ay nakaitim na kasuotan. Karaniwan ang mga babaeng nawawalan ng anak ay nagsusuot ng itim sa buong buhay nila. Tradisyon sa pamilya na laging bisitahin ang libingan, lalo na sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay. Nililinis ang libingan, nilalagyan ng bulaklak at kandila na sinisindihan nang may kasamang dasal. May pagkain ding hinahanda sa panahong ito.

Marami din sa atin ay may mga paniniwala o tinatawag na pamahiin at minsan natatawa na lamang tayo sa mga pamahiing ito, lalo na kung iisipin natin kung ano nga ba ang tunay na katuturan at kung ano ang saysay bakit natin ito ginagawa. Pero sabi nga nila wala naman sigurong masama kung atin nga naman itong susundin, basta ang pinaka mahalaga ay ligtas ang lahat.

 

Narito ang mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay, ayon sa asal ng mga kaanak, asal ng mga bisita, sa araw ng libing, at pagkagaling sa libing:

Gawain ng mga Kaanak ng Namatay

1.     Huwag kumain ng mga gulay na gumagapang, gaya ng ampalaya, kalabasa, at iba pa, dahil baka may susunod isa sa inyo.

2.      Masamang mangisda kapag mayroong namatay sa inyong tahanan, dahil maaaring may sasama isa sa inyong mag-anak.

3.     Masama magwalis hangga’t hindi pa naililibing ang patay, maaari may malalagas sa miyembro ng pamilya.

4.     Magsiga sa harap ng bahay ng namatay para maging gabay nito sa pag-akyat sa langit.

5.     Kapag nagliligpit ng mga plato, bawal itong pagpatong patungin, dahil baka magkakasunod sunod ang mamamatay.

6.     Palipasin ang tatlong araw bago maligo kapag may namatay, upang di dalawin ng patay.


Sa mga Kaanak tuwing Burol at Lamay

7.     Masamang mag-katay ng manok habang may nakaburol sa inyong tahanan sapagkat malamang na may sumunod na mamatay sa inyong pamilya.

8.     Kapag may brown na paruparo sa lamay, ibig sabihin dumadalaw ang taong nakaburol.  

9.     Maglagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong ng namatay kung ang sanhi ay krimen, upang matahimik ang kaluluwa ng patay.

10.   Pagtapon ng asin o bigas sa buong kabahayan ng namatayan upang itaboy ang espirito.

11.  Huwag sumilip sa kabaong ang taong may sugat dahil maaari hindi gumaling ito. 

12.  Kapag mayroong puting paru-paro sa inyong tahanan habang mayroong nakaburol, ibig sabihin ay malinis ang kaluluwa ng taong namatay.

13.   Bawal ihakbang sa ataul ang lahat ng mga bata habang nakaburol para maiwasan managinip ng masama at hindi dalawin ng multo.

14.   Bawal mag suot ng pula. – Ang kulay pula ay nangangahulugan na masaya kaya bawal itong isuot habang nagluluksa.

15.  Sa unang abuloy, ipagpag ang pera sa pintuan upang dumagsa pa ang magbibigay.

16.   Ibulong sa patay ang nais mangyari sa buhay o humiling dahil dinadala nito ang mga kahilingan sa langit. May posibilidad na matutupad ito.

17.   Maglagay ng pera sa kamay ng namatay, at pagkatapos kunin na lamang ito bago ilibing. Dahil ito ay magdadala ng swerte sa usaping pinansyal.

18.   Iwasang mapatakan ng luha ang kabaong, dahil maaaring mahirapan ang kaluluwa ng patay na umakyat sa langit.

19.  Ayon sa paniniwala ng iba, kinakailangan may sariling upuan ang naiwang asawa ng namatay, at bawal ito upuan ng iba lalo na kung may asawa dahil baka ang asawa ng umupo ang susunod na mamatay.

20.  Habang may burol, takpan ang lahat ng salamin sa bahay upang hindi magpakita ang nakaburol.

21.   Huwag suminga sa lamay, baka dalawin ka ng espiritu ng namatay.


Sa mga Bisita o Dadalaw sa Lamay o Burol

22.  Masama ang magdala ng pagkain na galing sa burol dahil maaaring may mamamatay isa sa miyembro ng pamilya.

23.  Bawal tumingin ang mga buntis sa kabaong, baka raw maisama sa hukay ang bata na nasa sinapupunan.

24.  Kainin ang mga pagkain na inihahanda sa lamay, dahil ito ay magdadala ng swerte.

25.  Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging magnanakaw habambuhay.

26.  Huwag magpasalamat oras na may nakikiramay sa’yo, dahil maaaring nangangahulugan ito na ikaw ay nagagalak sa pagkamatay ng mahal sa buhay.

27.   Bawal magpaalam ang mga taong nakikiramay sa patay, dahil baka sumunod ang espiritu ng namatay.

28.   Bawal ihatid sa labas ang nakikiramay, malas daw.

Libing ng mga Pilipino

29.   Kailangan ihakbang lahat ng bata sa kabaong bago ipasok sa libingan ang kabaong, upang hindi magkasakit ang mga bata.

30.   Ihakbang ang kahit na anong uri ng alagang hayop ng taong namatay sa kabaong bago ilibing upang tumahimik ang kaluluwa ng patay.

31.   Iwasang mauntog ang kabaong oras na inilalabas ng bahay para hindi mahirapan ang kaluluwa ng namatay.

32.   Kapag nasa kalsada, iwasang unahan ang karo ng patay habang naglalakad o nasa sasakyan, dahil baka ikaw ay susunod dito. Kung nagmamadali maiging maghagis ng mga barya sa kabaong upang matanggal ang malas.


Pagkagaling sa Libing

33.   Magpalit agad ng damit pagkagaling sa burol o pakikipaglibing upang hindi sumunod ang kaluluwa ng patay.

34.   May iilang naniniwala na pagkatapos ilibing ang patay, sinisira kaagad ang ginamit na rosaryo, upang wala ng sumunod sa patay.

35.   Magpalipad ng puting lobo sa oras ng libing, upang makarating agad sa langit ang espiritu ng namatay.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.