NAGKAKATOTOO BA SUMPA? Tunay nga bang may bisa ang mga sumpa?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Karamihan ng mga tao sa mundo ay duda pagdating sa paniniwala sa kahit anong bagay man na konektado sa itim na mahika o mga sumpa. Ang karaniwan nilang ugali tungo dito ay ang pag-iisip na ‘Kung hindi ako maniniwala dito, hindi ito makakaapekto sa akin.’

Ano nga ba ang sumpa?

Ang sumpa ay ang kabaligtaran ng isang basbas. Kung ang basbas ay isang pagpapahayag ng magandang kapalaran dahil sa ang isang tao ay binasbasan sa pangalan ng Diyos at sa kanyang mga plano, ang sumpa naman ay ang pagpapahayag ng kamalasan o masamang kapalaran sa isang tao dahil siya ay sumasalungat sa itinakda o ipinlano ng Diyos. Kahit ang isang pari ay maaaring isumpa ang isang tao dahil sa paglabag sa utos ng Diyos. Sa paniniwala ng mga Kristiyano, ang taong may kapangyarihang magbasbas ay may kapangyarihan ding manumpa.


Bakit nanunumpa ang mga tao?

Ang panunumpa o pagsumpa sa mga tao ay matatagpuan hindi lang sa Kristiyanismo kundi sa halos lahat ng relihiyon sa buong mundo. Kahit na mag-iba iba man ang konteksto ng mga ito, iisa lang ang pagkakapareho: ang pagdeklara ng isang batas o pangako na mangyayari sa isang tao bunga ng kanyang pagsalungat o paglabag sa isang batas bilang parusa.


Umuubra ba ang mga sumpa?

Paminsan-minsan ay tunay ngang umuubra ang mga sumpa. Ngunit hindi sila nagkakabisa dahil sa salamangka o kung ano mang uri ng mahika ngunit dahil ito sa tinatawag na self-fulfilling prophecy. Ito ay dahil ang pag-iisip ng tao ay tunay na bukas sa mga suhestiyon, kaya hindi nakakagulat na ang taong naniniwalang sila ay isinumpa ay papatunayan ang kanilang paniniwala gamit ang tinatawag na ‘confirmation bias’. Halimbawa ay iisipin nilang: “natisod ako ngayong araw. Baka dahil ito sa sumpa.” Sa mga mas malalang kaso, may mga pagkakataong tuluyang nagkakasakit ang isang tao dahil sa kanilang paniniwalang sila ay isinumpa.

Sa makatuwid, ang self-fulfilling prophecy ay isang sikolohikal na pangyayari na kumbaga ay binubuhay o isinasabuhay natin ang mga kamalasang mangyayari sa atin dahil na din sa taimtim tayong naniniwalang mangyayari ang mga ito sa atin.

Maaari pa ngang mapatay ang mga taon ng sumpa kapag tunay na naniwala ang mga biktima na sila ay isinumpa para mamatay at hindi mabubuhay resulta ng tinatawag na nocebo effect.

Ang isang halimbawa nito ay ang katutubong seremonya sa Australia na tinatawag na Kurdaitcha o pagtuturo ng buto. Ang epekto ng sumpang ito ay nadadagdagan ng isang nakakatakot na awit o chant pagkatapos ay kinakausap na ang biktima na para bang siya ay mamamatay na kasabay ng pagkuwento sa kung paanong tinutusok ng buto ang kaluluwa ng biktima.

Kaya hindi nakakagulat na tanging ang paniniwala na din na ikaw ay gumaling na lamang ang tanging paraan para makawala sa mga sumpang tulad nito.



Ang mga paniniwala ang katutubong tradisyon na ito ay hindi na din bago sa bansang Pilipinas. Kilala ang isla ng Siquijor para sa mga mangkukulam na naglalagay ng sumpa para sa mga taong kumalaban sa iyo, at tumutulong ding pagalingin ka sa mga sumpang inilagay sa iyo ng kaaway mo. Wala man itong siyentipikong pruweba, hanggang ngayon ay marami pa ring Pilipino ang naniniwala dito. Kaya na rin marahil nagkakatotoo ang mga sumpa natin sa isa’t-isa.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.