Mga ibat-ibang pamahiin tungkol sa pag-bubuntis.
Kung buntis ka, malamang na ibat-ibang paniniwala at tradisyon o yung mga tinatawag nating pamahiin ang pilit pinapagawa sayo ng mga matatanda. May mga pinoy na sobrang panatiko sa pagsunod sa mga yan habang pinagtatawanan naman ng iba ang ideya na sundin ang mga pamahiin.
Kung gusto mong malaman ang ilan sa mga yan, heto ang ilan sa mga pangunahing pamahiin tungkol sa pagbubuntis:
- Hindi mo daw dapat ipagsabi sa kahit kanino na buntis ka sa loob ng tatlong buwan. Kung hindi mo naman alam na buntis ka, mas okay na daw yun kesa maikwento mo pa.
- Lalaki daw ang ipapanganak mo kung nahihirapan ka lagi sa kanang parte ng tyan mo, kapag gusto mo ng tuyong pagkain, o mahilig kang manood ng mga palabas na panglalaki. Babae naman daw kapag yung kaliwang parte ng tyan mo naman ang sumasakit at nahihilig ka sa pagkanta o pagsayaw.
- Dapat mong panatilihing nakabukas palagi ang bintana at pinto saa panahon ng panganganak para maging maluwag ang paglabas ng bata at para maging magaan ang pakiramdam. Mukang totoo naman yan kasi kailangan naman talagang komportable ang babae sa panganganak.
- Hindi daw dapat panoorin o makita man lang ng asawang lalaki ang panganganak ng babae dahil paglaki ng bata, magkakaron ng problema ang bata sa paningin niya o pagkurap.
- Kailangan daw na iwasan ng babae na tumanggap ng kahit na sino na gustong maging ninang o ninong ng bata habang hindi pa ito lumalabas sa tyan. Hindi din dapat umupo malapit sa pinto o tumayo sa pinto ang sinumang bibisita sa buntis. Kasi kapag nangyari yan, mahihiapan daw ang buntis sa panganganak at matatagalan bago lumabas ang bata.
- Kapag daw tinanong mo ang babae kung ano ang kasarian ng anak niya, kung babae ba o lalaki, mamumula ang mukha niya kung babae ang sanggol.
- Kung kukunan mo ng larawan ang isang buntis, baka magpa aborsyon saya o mahihirapan siya sa panganganak.
- Hindi dapat magpagupit ang babae kahit maikli habang buntis siya, dahil baka mapanot o makalbo ang bata.
- Bawal na bawal umiyak ang isang buntis. Pwedeng totoo dahil may makasayantipikong paliwanag din yan. Ang sinasabi ng mga pamahiin eh na baka daw paglaki ng bata, magiging masyado siyang sensitibo o balat-sibuyas. At habang bata pa siya, mahihirapan kang patahanin siya dahil magiging sobrang iyakin ang bata.
Napakadaming pamahiin na nasasayo ang pasya kung susundin mo o hindi. Ang mahalaga eh maging maayos ang pagbubuntis lalo na sa kritikal na mga sitwasyon ng panganganak.
Ano karaniwang pagkain ng naglilihi? Ano ligtas na pagkain?
- Hindi mo daw dapat kainin ang pagkain ng buntis o ang natira niyang pagkain. Kapag ginawa mo daw iyan, aantukin ka sa buong maghapon at makakaramdam ka na parang naglilihi gaya ng pagsusuka o pagkasikmura.
- Dapat daw iwasan ng mga buntis ang pagkain ng mga laman-dagat na may shell gaya ng talaba, talangka, tahong o tulya. Madulas ang mga ito kaya pinaniniwalaang kung kakain ka ng mga shells, baka madulas ka at makakasama iyan sa bata.
- Kailangang ubusin ng babae ang lahat ng nasa plato niya para walang maiwan na kahit ano sa sinapupunan niya kapag nagbuntis siya.
- Kung bagong panganak ka, dapat mong iwasan ang mga pagkain na makakati sa bibig o lalamunan gaya ng ube, gabi, tugui at niyog sa loob ng tatlong linggo para mabalik sa normal ang mga lamang loob ng babae.
- Lalaki daw ang ipapanganak mo kapag gusto mo ng tuyong pagkain