Pwera Usog: Paano malalaman kung ang sanggol, baby o bata ay na-usog? Laway sa noo o tiyan, Pangontra

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano ang tinatawag na Usog o Puwera Usog?

Ang usog o balis ay isang Pinoy na paniniwala kung saan ang isang sakit o problemang sikolohikal ay dahil sa isang pagbati mula sa isang estranghero o ng isang masamang sumpa galing sa titig. Ito ay nakakaapekto sa mga inosenteng bata, kadalasang sanggol, baby o maliit na bata na binate ng isang bisita o estranghero.



Sa ilang mga limitadong lugar, sinasabing ang kondisyong ito ay dinudulot ng isang estranghero na may masamang matang umaaligid. Ito ay maaaring impluwensya ng pagdating ng mga Kastila na naniniwala sa mal de ojo na superstition. Ito yung kapag nasa ibang lugar ang isang tao, merong babati sayo tapos bigla na lang sasakit katawan o tiyan mo pag uwi mo sa bahay. Ang iba pang sintomas ay lalagnatin ka o masusuka ka na para kang sinisikmura. Ngunit di umeepekto ang kahit anong gamot. Minsan naman pwedeng kamag-anak o kaibigan na nakaka-usog. Tapos kapag nausog ka nila lalawayan nila tyan mo para mawala na ang sakit.


Na-usog ka na ba?


Kapag naapektuhan, ang sanggol o iyong anak, ay nilalagnat at minsan ay kinukumbulsyon. Sabi nila, ang bata ay magagamot sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang damit sa mainit na tubig at pakuluan ito. Sa maraming lugar, para malabanan ang epekto ng usog, ang estranghero o bagong dating ay kailangang lawayan ang tiyan ng sanggol, balikat o noo bago umalis ng bahay. Ang bagong dating ay aalis habang sinasabing: “Pwera usog… puwera usog…” ang laway ay nilalagay muna sa daliri bago ipahid sa tiyan o noo. Ang estranghero ay hindi pwedeng dilaan ang bata. Ang paniniwala ay na ang estranghero o bisita ay pinapakiusapang ipahid ang kanyang daliring may laway sa katawan ng sanggol, sa braso o sap aa (lawayan ito) para maiwasang mausog o mapangunahan ang bata.


Posibleng siyentipikong paliwanag: Totoo ba ang usog o nabalis?


Ang usog ay hindi ma tinatanggap ng medisina. Ngunit may isang teorya na nakakapagpaliwanag sa usog sa bagay ng child distress na nagreresulta sa mas malaking kahinaan sa mga sakit. May mga obserbasyon na ang isang estranghero (o bagong dating o bumibisitang kamag-anak) lalo na ang isang may malakas na personalidad (malaking tao, maingay, may malakas na amoy, dominante, atbp.) ay makakaapekto sa sanggol. Kaya ang bata ay sinasabing nao-overpowered o nauusog at natatakot, nilalagnak, nagkakasakit, atbp.


Ano mabisang gamot panlaban o pangontra sa Usog?


Sa usog, ang paghihirap ng bata ay resulta ng hindi pag adapt ng bata sa pagbabago. Sa aspeto ng medisina, ito ang resulta ng pagbabago sa normalidad o homeostasis sa pisikal o sikolohikal na stimula na dala ng estranghero. Technically, ang kondisyong ito ay nagreresulta mula sa child-environment interaction na nagreresulta sa batang makakaranas ng masakit na discrepancy, totoo man o na imagine lang, sa gitna ng pangangailangan ng sitwasyon sa isang banda at ang kanilang social, biological o sikolohikal na pangangailangan sa isa pa. Ang stressful na stimula sa bata ay maaaring mental (maingay o matinis na boses ng estranghero na nakakasakit sa eardrum ng bata na nakakairita sa nasal nerves ng sanggol), o pisikal (ang estranghero ay may mabigat na kamay o masyadong malaki).

Ang inaakto ng estranghero na paglagay ng kanyang daliri na may laway sa kamay, paa o ano mang parte ng katawan ng bata ay gagawing mas pamilyar sya sa bata at makakabawas o magtatanggal ng stress. At habang paulit-ulit na magsabing “Pwera usog… pwera usog…” ang estranghero, ang bata ay mas napapanatag at napaparamdam na wala sya dapat ipag-alala. Sinasabing ang usog ay nalalabanan dahil ang bata ay napipigilang mapailalim sa sakit dahil ang bata ay hindi na nahihirapan. Ang mga bata o matatanda na mahiyain o may mahinang personalidad ay mas malaki ang posibilidad na mapasailalim sa usog ayon sa mga obserbasyon o teorya. May mga nakaobserba din na minsan, kahit ang pagpuri sa mahiyaing bata ng isang bumibisitang kamag-anak ay nakakadulot ng usog.

Ang laway ng estranghero, basta sya ay malusog at maingat sa kanyang oral na kalinisan, ay kadalasang malinis at may sapat na antimicrobial compounds tulad ng lactoferrin, lactoperoxidase at secretory immunoglobulin A na nakakatulong mabawasan ang mga pathogens mula sa bata at nakakaprotekta sa bata sa mga impeksyon.


Nabati ng matanda

Ang usog din, kahit hindi kadalasan, na nakakaapekto sa mga matatanda, at maaaring magdulot ng pagsusuka at sakit ng tiyan imbes na lagnat. Ayon sa kasabihan, ito ay mapipigilan sa pamamagitan ng pagpigil sa isang estranghero o bisita sa pagbati sa tao.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.