Totoo ba may sumpong o kulang kulang kapag ipinanganak ng February?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ano Katangian, Kakaibang ugali ng mga ipinanganak ng Pebrero
Kung ipinanganak ka din ng Pebrero, baka minsan maisip mo kung ano ba yung mga katangian at kakaibang ugali ng mga taong ipinanganak sa buwan na to. Maraming di naniniwala na pwedeng maging pareho kaya sinasabi nila na kalokohan lang yan..

Totoo ba na may sumpong o kulang kulang kapag ipinanganak ng FebruaryTotoo naman, iba-iba ang katangian ng mga tao pero, may pagkakapareho ng mga katangian at ugali yung mga ipinanganak sa magkaparehong buwan. Napatunayan ng totoo yan. Eto ang listahan ng mga ugali at katangian mg mga ipinanganak ng Pebrero. Anong malay mo? Baka may makita ka na kagayang-kagaya ng sayo. Tignan mo to:


- Pagiging Orig o Kakaiba. Kadalasan na, ang mga ipinanganak ng Pebrero ang pinaka-orig sa lahat ng bagay. Sila yung mga taong totoo sa sarili. Mas gusto nila kapag sila ang nakakadiskubre sa isang bagay at natututo sa sariling karanasan. Ayaw nila ng dinidiktahan at yung parang sunud-sunuran sa gusto ng nakakarami. Halimbawa, ibang iba sila sa paraan ng pagdadamit. Baka yung gusto ng marami eh ayaw nila.



-Tapat at Prangka. Ang mga ipinanganak ng pebrero ang talagang pinaka tapat at prangka.Hindi sila takot na sabihin ang totoo kahit ano pang maging kapalit, Prangkahan nilang sasabihin sayo ang mali mo kahit wala sa tayming. Sila yung kadalasan ng maraming mabubuting kaibigan. Maraming ayaw sa prangka at deretsahan pero kung ang kaibigan mo ay ipinanganak ng pebrero, siguradong magiging totoong kaibigan sila sayo.


- Misteryoso. Kung minsan, ang hirap unawain kung anong iniiisip nila. Sobrang misteryoso nila. Para sa kanila, kapag mas malihim, mas gugustuhin ka ng iba. Syempre sila yung mga tapat pero para bang laging may kakaiba sa iniisip nila na nakakaakit naman. Magaling silang matago ng mga bagay tungkol sa sarili nila pero hindi naman dahil sa ayaw nilang malaman mo. Iniisip lang nila na baka hindi naman mahalaga kaya bakit hindi sarilin nalang.

Ano Katangian, Kakaibang ugali ng mga ipinanganak ng Pebrero

- Mapagimbento. Baka mapansin mo, ipinanganak ng pebrero yung mga mahuhusay na scientist. Hindi na bago yon kasi mahilig talagang gumawa ng mga bagong bagay ang mga taong ipinanganak sa buwang to. Ang gusto nila, yung mga bagay na hindi pa nagagawa o alam ng kahit na sino. Para mapaiba ba! Malamang na ganito ka din at baka di mo lang napapansin.


- May matinding determinasyon. Sila yung may matinding paninidigan sa isang bagay. Kapag sinabi nila, gagawin nila yon kahit mahirap kaya madalas na kainggitan sila ng ibang tao. Mahalagang katangian yon kung gusto mong maging masaya sa buhay. Sila din yung sobrang mapagmahal sa mga kapamilya at maasahang partner. Siguro eto na yung pinaka magandang katangian nila.


- Matulungin. Yung mga iniisip nila at pinaplano, hindi lang para sa kanila pero para din sa iba. Lagi silang alisto kung pano makakatulong sa iba, lalo na sa kaibigan.Parang ganito din naman yung ipinanganak sa ibang buwan. Kahit na sino pwedeng maging matulungin. Pero kakaiba yung mga ipinanganak ng pebrero. Sila yung pinaka matutulunging tao. Kung ganito ka din, hindi na yan nakakabigla.


Madaming nagsasabi na sila yung mga taong malayo sa realidad pero talaga namang kakaiba. Madami silang magagandang katangian na gustong gutso ng iba pero kung minsan, mas gusto nilang itago nalang. Baka pakiramdam mo ganyan ka din, o di mo palang napapansin. Lahat naman eh pwedeng maging kagaya nila, pero malamang na napansin mong yung mga ipinanganak ng Pebrero ang numero uno.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.