Ito ang tanong na gustong iwasan ng mga magulang mula sa kanilang mga maliliit na anak.
Ang putting-buhok, mataba at balbas-saradong lalaki na naglalakbay buong gabi, may dalang walong reindeer at nagdadala ng regalo sa mga mababait na bata, “ito ay isang sinungaling!”
Ang araw na si Santa ay hindi na nag e exist sa isang bahay ay maaaring maging emosyonal para sa isang bata. Sa halip na katakutan ang mangyayari, maging handa sa mga simpleng tip na ito.
Sundan ang iyong anak
Walang perpektong edad o oras. Tantiyahin ang kahandaan ng iyong anak. Malaki ang posibilidad na ang mga kaibigan niya sa paaralan ang magsasabi sa kanya nito. Mag-uumpisang gumawa ng lohikal na eksplenasyon ang mga bata. “Paanong nakakapaglakbay si Santa sa buong mundo sa isang gabi? Na may magkaibang time zones?” Mga multiple sightings ni Santa sa mga mall at grocery store ay nagdudulot ng mga tanong. May mga bata ding huhulihin ang kanilang mga magulang sa akto ng paglagay ng mga regalo sa ilalim ng puno.
Sa ano mang sitwasyon, importantent akuin at purihin ang pag-iisip ng iyong anak. Ang kanilang kakayahang magkaroon ng mga lohikal na inference ay tanda ng kanilang pagka mature.
Ipaliwanag ang kasaysayan ni Santa Claus at iba’t-ibang mga tradisyon.
Ipaintindi na si Santa ay hindi iisang tao. Pagdiskusyunan kung paano nagdiriwang ang ibang parte ng mundo ng Pasko.
Pasko at iba’t-ibang interpretasyon ni Santa.
Sa Netherlands, Sinterklaas ay isang payat na lalaking sumasakay sa putting kabayo. Si Sinterklass ay dumadating kapag Dec. 5 na araw.
Ang kanyang pagpasok ay sa pintuan kung saan siya ay namimigay ng kendi. Ang mga katulong ni Sinterklaas na si Zwarte Pieten ay siyang nakatokang magdala ng mga regalo sa gabi.
Ipaalala ang mga moral values ng Pasko.
Si Santa ay nagtuturo sa mga bata na maniwala sa pag-asa at pananampalataya. Hikayatin silang isapuso ang panahon ng pagbibigay at paggawa ng mabuti sa kapwa.
Gumawa ng mga bagong tradisyon
Kung may mga nakababatang kapatid, payagan ang iyong anak na tumulong sa pagbalot ng mga regalo, punuin ang mga medyas at kainin ang mga kending iniwan para kay Santa. Sa ganitong paraan, sila ay nakakatulong sa pagpapatuloy ng alaala ni Santa Claus.
Huwag Sabihin!
Inirerekomenda ng mga psychologist na maglagay ng mga boundaris sa kung paano mo ididiskusyon ang tungkol kay Santa Claus sa iyong anak kapag nakapaligid ang ibang mga batang naniniwala pa din sa tradisyong ito. Lahat ng mga bata ay may sari-sariling oras na maging handa para malaman ang katotohanan tungkol kay Santa. Ipaalala sa kanila ang kanilang pananampalataya at paniniwala kay Santay Claus at ang kahalagahan na hindi ikalat ang impormasyong ito sa mga kaklase o kaibigan.