Totoo bang umuubra ang mga Gayuma? Ginayuma liniligawan, lalake babae pikot

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Tulad ng kahit sinong nakabasa ng nobelang ‘Harry Potter’ alam na imposibleng gumawa o gayahin ang emosyon ng pag-ibig – kahit sa mundo ng mga salamangkero. Ngunit tulad ng pagkadiskubre ng kambal na Weasley, maaari kang maghalo at gumawa ng gayuma na nagdudulot sa kung sino man ang uminom nito na lubhang magkagusto sa taong nagbigay o nagpainom nito sa kanya.


Ang mga gayuma ay lubhang popular hindi lang sa mga kabataang babae sa eskwelahan ng Hogwarts ngunit pati na din sa ating mga kababaihan dito sa mundo. Ngunit paano nga kaya sa totoong buhay. Umuubra nga ba talaga ang mga gayuma?


May bisa nga ba ang mga gayuma?

Oo at hindi.

Imposibleng magaya ang emosyon ng pag-ibig dahil ito ay isang emosyonal at kognitibong proseso na nakabase sa nararanasan at naaalala ng isang tao. Walang siyentipikong gamot para dito. Ngunit napatunayan din na may mga partikular na kemikal na nakakadulot sa isang tao para makaramdam ng isang emosyonal na pakiramdam na katulad ng sa pag-ibig.

Pheromone

Ang kemikal na hormone na tinatawag na pheromone ay ginagayak ang parte ng ating utak na nagdadagdag ng ating pakiramdam ng pagkasabik at atraksyon. Base dito, may iilan-ilan na ring mga lana at pabangong nagawa na naglalaman ng mga pheromone na siyang nakakaakit sa ibang tao.

Muti

Kahit na ang mga gayuma ay kadalasang nakikita lamang sa mga libro na may mga mangkukulam at salamankero at kung sino-sino pang may alam sa salamangka at kapangyarihan, may mga tao sa totoong buhay na naniniwala sa mga bisa ng mga ito. Sa loob ng libo-libong taon sa maraming lugar sa buong mundo, lalo na sa mga kulturang may malakas na tradisyon sa kanilang mga tribo, ang paggamit ng salamangka ay isang napakadalas at napakatagal na na tradisyon.

Tulad na lang halimbawa sa bansang South Africa, may isang uri ng gamot sa isang tribo na tinatawag na Muti, na mula sa salitang Zulu na ang ibig sabihin ay ‘puno’, na hanggang ngayon ay ginagamit pa din sa kabila ng pagbatikos dito dahil sa hindi makataong sangkap ng gamot na ito.

Aphrodisiac

Ang mga aphrodisiac ay itinuturing na isang uri ng gayuma ng karamihan, at ipinangalan hango sa diyosa ng Pag-ibig ng mga Griyego na si Aphrodite. Ang mga pagkaing ito ay sinasabing nakakadagdag sa sensasyon ng pakikipagtalik, ngunit hindi din ito gawa ng mahika o kung ano mang uri ng salamangka kundi ng siyensya.

Ayon sa mga siyentipiko, may mga bagay tayong nakakain o nalalanghap na nagdudulot ng kemikal na pagbabago sa ating mga katawan na nagreresulta sa ating pagiging mas bukas sa maromansang mga gawain sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga neurotransmitter tulad ng endorphins na nakakabawas ng stress at nakakapagpasaya, at serotonin na nakakapagpabago ng ating modo.

Gayuma

Sa Pilipinas naman ay may tradisyunal na paniniwala sa mga gayuma, kung saan may mga partikular na dapat gawin ang isang tao para tuluyang magkagusto ang kanyang iniibig sa kanya. Ang mga inumin at gayumang ito ay lubhang popular lalo na sa bandang Visayas kung saan popular ang isla ng Siquijor para sa mga serbisyong may patungkol sa mga gayumang tulad nito pati na din sa pagkukulam. Ngunit sa huli ay wala ring naisagawang siyentipikong pag-aaral tungkol sa mga gayumang ito kaya walang patunay kung umuubra nga ba ang mga ito.



Sa huli, ang gayuma ay hindi napapatunayang umuubra para mahuli ang loob at puso ng taong iyong napupusuan para siya ay mapa sa’yo. Ngunit bakit ka nga ba naman mangangailangang gumamit pa ng gayuma o kung ano mang uri ng gamot kung maaari mo naman siyang makuha sa pamamagitan ng pagiging tapat at totoo sa iyong sarili, hindi ba?

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.