Ano ang sumpa?
Ngayon ay tignan natin kung ano ang ibig sabihin ng sumpa. Bibigyan ko ng kahulugan ang sumpa gamit ang mga pangunahing prinsipyo ukol dito. Ipapahayag ko ang mga kaisipan sa likod ng sumpa – ano ang tumutulak sa atin na gumawa sumpa at kung paano natin masasangga ang sumpa gamit ang mga kaalaman ukol dito. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa sumpa ay makakatulong sa atin na basagin ang alinmang sumpa na darating.
Karamihan sa mga tao ay walang alam kung anu-ano ang mga negatibong epekto ng pagsumpa nila sa kanilang kapwa tao. At hindi lang yan, si Hesus ay nagsabi na may malakas na kapangyarihan at awtoridad ang lahat ng salita na lumalabas sa ating mga bibig. Samakatuwid, ang mga salitang iminumungkahi natin na may kasamang galit o pagkamunghi, pati na rin, ang mga tsismis ay pwedeng ituring na sumpa.
Ang mga sumusunod ay mga uri ng sumpa:
1. Ang sumpa ng kaguluhan: ang sumpa na ito ay nakapagdadala ng madalas na malas o maging kamatayan. Kung ang mga bagay-bagay sa iyong paligid ay nakakapanghinalang nagiging malas lahat, malaki ang posibilidad na ikaw ay nabiktima na ng sumpa nato.
2. Ang sumpa ng pagkakatali: ang sumpa na ito ay nakakawala ng kakayahang makapag isip ng tama sa mga pangyayari. Kung napapansin mo na sa sarili mo na parang nawawalan ka ng abilidad na umaksyon at makapag-isip ng tamang gawin hindi tulad ng dati, siguro ay nahulog ka na sa sumpa ng pagkakatali.
3. Ang aral: may ibang tao na gustong-gustong magkaroon nga hustisya na handa silang gumamit ng sumpa. Madalas ang sumpa na ito ay kapantay lamang ng ginawang hindi mabuti ng isang tao.
Ano mabisang pangontra sa Sumpa?
Ang isang teorya ay ang sumpa ay nagpapalabas ng demonyo. May isang teorya na nagsasaad na ang kapangyarihan ng sumpa ay nagmula sa mga demonyo. Lumalabas ang demonyo dahil sa pagsusumpa. Pwede nating mabigyan ng awtoridad na makapanakit ang mga demonyo sa pamamagitan ng pagbigkas natin ng mga masasamang bagay o kahit yung mga negatibong salitang nasabi lamang natin bigla dala ng bugso ng damdamin kahit wala naman tayong intensiyon na makapanakit.
Kapag nasabi na natin ang mga masasama o mga negatibong salita, ang mga demonyo ay ating napapahintulutan na gawin ang lahat ng ating nasabi o sasabihin pa (hanggan sabihin natin na tapos na o tigilan na ang sumpa).
Kung ang tao na ating isinumpa ay maiging na protektahan (nasa kanlungan siya ng Panginoon), pwedeng maisakatuparan ng isang demonyo ang sumpa sa ibang inosenteng tao o kahit pa sa mismong tao na sumumpa nito. Samakatuwid, pwedeng bubalik ang sumpa patungo sa taong sumumpa nito. Ang suhestyon ko ay, manalangin ka bawat araw na bigyan ka ng maiging proteksyon na ikanlong ka ng Panginoon sa kanyang mga bisig
Ang isang pang teorya o kaisipan ay ang espiritu ng mga tao ay pwedeng lumikha ng masamang kapangyarihan sa papagitan ng malalim na pagiisip ng mga negatibo, kamuhi-muhi at kasuklam-suklam na mga kaisipan na makapaglikha ng masama, mapanira at nakamamatay na enerhiya. Ang teoryang ito ay seryosong maipapakaloob sa imahe ng Panginoon at ang ipinagkaloob niyang kapangyarihan sa atin na makapag-likha at tungkulin natin na mag-ingat sa ating iniisip, imahinasyon at ating dinarama at kung ano ang mga salitang ating iminumungkahi.
Ang sumpa ay isang seryosong bagay. Kahit sa lahat ng bagay isama natin palagi ang Panginoon at panalangin. Ito lamang an gating panangga sa mundong misteryoso.