ANO ANG ALAMAT NG PILIPINAS? HALIMBAWA PABULA KATHA-KATHA LEGEND FOLKLORE

Nicole Bieyb Cuevas
is a Nurse in the Philippines

Noong pinaka-unang araw ng mundo, wala pang nagngangalang bansang Pilipinas. Mayroon lang mga munting mga kapuluan o isla. At nuong hindi pa rin kasama ang Pilipinas sa mundo may nakatira dito isang bardugala o dambuhala. Ang kuweba ng higante ay nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang 3 anak na babae na sina Minda, Lus at Bisaya.

Isang araw kinakailangang umalis ng amang dambuhala upang manghuli ng hayop o mang-aso sa ibang panig na pulo. Kinakailangan manatili ang tatlong babaeng magkakapatid kaya pinagbilin niya ang tatlo: "Huwag na wag kayong lilisan ng ating kweba". Ang bilin ng ama, "Manatili lamang kayo sa loob dahil may mga peligro at panganib sa labas. Abangan ninyo lang ako sa loob ng kweba".

Nang makaalis na ang amang higante, nagayos at nagimis ng kweba ang magkakapatid. Lininis nila ng mabuti para matuwa ang kanilang tatay. Ngunit hindi nila katulong sa paggawa si Minda, dahil hindi ito nakikinig at masunurin sa ama. Natuklasan nila na lumisan pala ng lungga si Minda at naglakwatsa sa may dagat. Hindi man lamang nagpaalam sa mga kapatid.

Aliw na aliw si Mindang naglalaro ng mga along nagtilamsikan sa dagat. Nagpasyal-pasyal siya at hindi niya napansin na malayong malayo na pala siya sa baybayin at pampang ng dagat. Habang siya ay naglalakad, isang napakalaking alon na masasabing bardagol ang kumain kay Minda. Humihiyaw siya habang tinatangay ng napakalaking alon sa gitna dagat.

"Tulungan ninyo ako!" Sigaw ni Minda. Narinig nina Luz at Bisaya ang sigaw ni Minda, dahil umabot ang sigaw sa loob ng kuweba. Huminto sa paggawa ang dalawa.

"Si Minda humihingi ng tulong!" sabi ni Luz na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.

"Oo nga, halika bilisan natin!" sabi ni Bisaya "Bakit kaya, ano yun?"

Dalian na tumakbo sila sa may baybayin dagat. Tingin dito, lingon doon. Nakita nila lumalanghap ng tubig ang kapatid.

"Ayun o, sa malayo" sigaw sabay turo ni Luz

"Hindi kabalo lumangoy si Minda ah" sabi ni Bisaya at tumakbo na naman ang dalawa. Sabay iyak ni Lus.

Madalian nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid, pati sila ay nahatak ng higanteng alon. Papaling-paling, tadyak, abot ng kamay, iyak, sigaw at walang tigil na kaway. Sa kasamaang palad ang tatlong dalaga ng dambuhala ay hindi na nakaahon.

Nang dumating ang higante nagtataka sya bakit walang sumalubong sa kanya. Dati rati ay nakasigaw sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo sa kuweba ni isa ay wala roon.

"Saan kaya nagpunta mga hija kong anak?" Tanong niya sa sarili "Saan na ba kayo Luz, Minda, Bisaya?"

Walang sagot. Tinanaw nya sa paligid, wala roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit na pulo, ni anino wala.

"Baka kaya may pumuntang tao at sapilitan sila dinampot?" sabi ng higante sa sarili.

Biglang umalon ulit at kumulog ng malakaa. Napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang tatlo. Lumuwas pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang tira-tira ng ilang pirasong damit ng mga anak na nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo. Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante, sa isip lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan siya ng lakas.

"Mga anak, ano pa? Wala na" Buntong hinga ng ama. Nawalan na ng ganang kumain. Tumayo, umupo, tumingin sa malayo. Isa-isang nagmasid sa bawat maliit na bato at kahoy sa malayong kaibhan. At sa pagod at pawis, nagpahinga sa isang bato at hindi napigilang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.

Nang magising ang higante, pinunas ang mata, may nakita siya wala doon dati. Tumayo bigla at tiningnan mabuti.

"Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?" Tanung sa sarili, lalong lumungkot ang naramdaman ng amang ulila.

"Ang tatlong pulong ito! sina Luz, Minda at Bisaya ito!" ang sabi niyang malakas.

At buhat noon tinawag na Luzon, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.

Gintong Araling Moral: Gampanan ang tungkulin sa kapatid. Makinig sa nakakatanda at mga magulang. Ito ang kailangan upang umunlad ang bansang Pilipinas.



Ang Kasaysayan ang pagaaral ng mga pangyayari sa nakaraan na panahon at kung paano ito nakakaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Sinasabing 'History repeats itself'. Kaya't bakit importante na pagaralan ang kasaysayan o history? Dahil matutunan natin ang dating paguugali ng tao na makakatulong intindihin ang mga pagkakamali at ang mundo natin. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.

History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

2 person likes this

About the author

Nicole Bieyb Cuevas

Profession: Nurse
Philippines , Manila , Manila
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.