ANO SANHI NG LABANAN SA LOOK NG MAYNILA/MANILA BAY? AMERIKANO ESPANYOL

Cristina Daigo
is a Teacher in the Philippines

LABANAN SA LOOK NG MAYNILA (MANILA BAY)


Naganap ang digmaan sa look ng Maynila (Manila Bay) noong Mayo 1, 1898. Ang himagsikan ang itinuturing na una at pinakamahalagang labanan sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol at naging hudyat ng pagtatapos ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas.


Dahilan ng labanan

Ang digmaang Amerikano-Espanyol ay nagsimula nang pasabugin ang barkong MAINE ng Estados Unidos sa baybayin ng Havana sa Cuba noong Pebrero 15,1898. Isinisi ng Estados Unidos sa Espanya ang insidente at naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng pakikidigma ng noon Abril 25, 1898. Sa utos ni Kalihim John D.Long ng Estados Unidos,naglayag ang puwersa ni Commodore George Dewey mula Mirs Bay malapit sa Hong Kong patungong Pilipinas. Gamit ang battle cry "Remember the Maine" ginapi ng mga ito ang hukbong pandagat ng mga Espanyol sa ilalalim ni Admiral Patricio Montojo sa Manila Bay noong Mayo 1,1898


Ang labanan

Hatinggabi noong Abril 30, 1898 nang sinugod ng mga sundalong Amerikano ang mga Espanyol ang look ng Maynila sakay ng sasakyang pandigma na USS Olympia. Nagsimula silang magpaputok sa kinaroroonan ng sasakyang pandagat ng mga Espanyol. Pinilit ding makaganti ng pagsabog ng mga Espanyol pero hindi ito umaabot sa kinaroroonan ng sandatahang Amerikano. Handa naman ang hukbo ng Espanyol para sa ganitong pag-atake ngunit kulang sila sa mga kagamitang pandigma para depensahan ang kanilang grupo.

Dahil tila wala ng pag-asa, nagbigay ng utos si Admiral Patricio Montojo na salpukin na lang ang sinasakyang barko na Cristina ng mga Amerikano. Ngunit hindi umubra ang kanilang plano. Pinaputukan ito ng mga Amerikano hanggang sa masira at magpira-piraso. Sa 400 na sundalong Espanyol sakay nito, 200 ang sugatan kasama na si Montojo. Ang barkong Castilla naman ay nagpagewang gewang sa baybayin dahil sa ilang nasirang bahagi. Dahil dito iniutos ni Kapitan Gridley ng Espanya na hayaan na itong lumubog. Ang sasakyang pandagat naUlloa ay tinamaan din nang matindi na naging sanhi ng pagkamatay ng kalahati ng mga sakay nito. Nawalan naman ng makina ang Duero at isang baril na lang ang natitirang gumagana. Ang Luzon, nasira naman ang mga armas pero hindi ang mismong sasakyan. Dahil sa mga nangyari, napagpasiyahan ni Kapitan Gridley na sumko sampu ng kaniyang hukbo.


Mga pangyayari matapos ang digmaan

Nagpadala si William McKinley ng karagdagang sundalong Amerikano para makuha ang Pilipinas mula sa kolonya ng Espanya. Halos 11,000 Amerikanong sundalo ang ipinadala ng US Navy sa ilalim ng pamumuno ni Major General Wesley Merritt. Nagkita sa Cavite sina Commodore George Dewey at Emilio Aguinaldo upang malaman ang mga pangyayari at kanilang naranasan sa kamay ng pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. Isa rin itong paraan para maging ligtas siya mula sa mga Pilipinong rebelde.

Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga Amerikanong lider at sa gobernador heneral ng Maynila. Gustong mapasakamay ng mga Amerikano ang Maynila. Nang sumapit ang Agosto 13, umulan ng putukan sa kabisera at napaalis sa lungsod ang karamihan sa mga Pilipino. Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ang kasunduang nangyari sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya at tinawag na Kasunduan sa Paris. Nasasaad sa kasunduang ito na binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa Espanya sa halagan $ 20 milyon. Ang negosasyon ay nagbigay-daan sa tuluyang pananakop ng mga Amerikano sa teritoryo ng Pilipinas.


Sanggunian: Agoncillo, T. 1960. “History of the Filipino people.”

Oliveros, R. et.al 2011. “Ang kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas”





About the author

Cristina Daigo

Profession: Teacher
Philippines , Guimaras , n/a

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.