Anong nangyari sa panahon ni Marcos? Ano ang Martial Law? Diktador ba?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Si Presidente Ferdinand E. Marcos ay pinirmahan ang Proclamation No. 1081 noong Setyembre 21, 1972 na nagpapasailalim ng Pilipinas sa Martial Law. Ayon sa ibang sources, pinirmahan ni Marcos ang proklamasyon noong September 17 o noong September 22
– ngunit sa arehong kaso, ang dokumento ay nakatatak ng September 21.

Buong panahon ng Martial Law, binuo ni Marcos ang kulto ng September 21, at prinoklama ito as National Thanksgiving Day paloob sa Proclamation No. 1180 s. 1973 para i-memorialize ang araw bilang foundation day ng kanyang New Society. Ang propaganda effort ay napakamatagumpay na hanggang ngayon, maraming Pilipino – lalo na ang mga hindi nabuhay sa mga pangyayari noong September 23, 1972 – ay nabuhay sa pag-aakalang ang Martial law ay prinoklama noong September 21, 1972. Hindi.


Ang kulminasyon ng mahabang panahon ng paghahanda

Klaro ang mga datos. Isang linggo bago ang totoong deklarasyon ng Martial Law, may iilang tao na ang nakatanggap ng impormasyon na si Marcos ay gumawa ng plano para i-takeover ang pamahalaan at kumuha ng absolute rule. Si Senador Benigno S. Aquino Jr. noong September 13, 1972 privilege speech ay nag expose ng tinatawag nilang “Oplan Sagittarius.” Ayon sa senador, siya ay nakakuha ng sikretong military plan na binigay mismo ni Marcos para isailalim ang Maynila at ang mga karatig bayan sa ilalim ng kontrol ng Philippine Constabulary bilang panimula sa Martial Law. Si Marcos ay gagamit ng serye ng pambobomba sa Metro Manila, kasama ang 1971 Plaza Miranda bombing bilang justification sa kanyang takeover at awtoritaryan na pamumuno.


Sa kanya mismong diary isinaad ni Marcos noong September 14, 1972 na sinabihan niya ang military na magdedeklara siya ng Martial Law. Kahit ang U.S. Embassy sa Manila ay alam na ang plano ni Marcos noong September 17, 1972 pa lang.


Ito ay totoo ngang kulminasyon ng mahabang panahon ng preparasyon: Noong May 17, 1969 pa lamang ay nagpahiwatig na si Marcos sa pagdeklara ng Martial Law noong nagsalita siya sa Philippine Military Academy Alumni Association:

“Isa sa mga paborito kong mental na ehersisyo na pwedeng magamit ng iba ay ang makita ang posibleng mga problema na kakaharapin sa hinaharap at gawan ng mga solusyon na pwedeng gawin para salubungin ang mga problemang ito.

Halimbawa, kung ako ay biglang tatanungin, sa isang sitwasyon at magpasya sa limang minute kung kailan o saan isu-suspend ang privilege ng writ of habeas corpus, magdedesisyon akong dapat ay may limang tanong na tatanungin at depende sa sagot sa limang tanong na ito, malalaman ko kung kailan at saan isu-suspend ang privilege ng writ of habeas corpus.

Pareho din ang totoo sa pagdedeklara ng Martial Law […] Ito ay mainam na mental na ehersisyo para salubungin ang problema bago pa ito mangyari.


Sa kanyang memoir, sinabi ng dating Justice Secretary Juan Ponce Enrile na sa isang hapon noong December 1969, inutusan siya ni Marcos na pag-aralan ang kapangyarihan ng Presidente bilang Commander-in-Chief sa ilalim ng probisyon ng 1935 Constitution. Nag-utos din si Marcos nito dahil “[na-forsee] niya ang pagtaas ng karahasan at disorder sa bansa at [gusto] niyang malaman ang lawak ng kanyang kapangyarihan bilang Commander-in-Chief.” Idiniin din ng Presidente na “ang pagsusuri ay dapat patago at walang makakaalam.”


Sa parehong panahon, inutusan din ni Marcos ang Executive Secretary na si Alejandro Melchor at Jose Almonte na pag-aralan kung paano naipatupad ang Martial Law sa iba’t-ibang bansa. Gusto din daw malaman ni Marcos ang konsekwensya ng pagdeklara ng Martial Law. Ayon sa resulta ng kanilang pag-aaral, “kahit na ang Martial Law ay makakapagpabilis ng pag-unlad, sa huli ang Pilipinas ay magiging politikal na archipelago na may debilitating at factionalized na politics.” Sinabi din ni Almonte na ang kanilang resulta ay nagsaad ng konklusyon na ang “bansa ay masisira dahil, hiwalay sa divisiveness na maidudulot nito, ang Martial Law ay magbibigay kay Marcos ng ‘power which would corrupt absolutely.’” [4] Sa katapusang ng January 1970, si Enrile, sa tulong ni Efren Plana at Minerva Gonzaga Reyes ay nagsumite ng tanging kopya ng confidential report sa legal na kabuuan at sakop ng Martial Law kay Marcos. Isang linggo ang lumipas ay pinatawag ni Marcos si Enrile at inutusang ihanda ang mga dokumento para ipatupad ang Martial Law sa Pilipinas.


Sa kanyang January 1971 na sinulat sa kanyang diary, isinaad ni Marcos kung paano niya kinatagpo ang mga business leaders, mga intelektwal mula sa University of the Philippines at ang military para ilatag ang groundwork ng mga extreme measures na kakailanganin sa darating na mga taon. Noong May 8, 1972, sinulat ni Marcos sa kanyang diary na inutusan niya ang military na i-update ang kanyang mga plano kasama ang listahan ng mga personalidad na aarestuhin at nakipagpulong kay Enrile para i-finalize ang mga papeles na kakailanganin.


Noong August 1, 1972, nakipagkita si Marcos kay Enrile at sa ilang pinagkakatiwalaan niyang kumander sa military para pag-usapan ang mga pwedeng petsa sa pagdeklara ng Martial Law – na darating sa loob ng susunod na dalawang buwan. Lahat ng mga araw na kanilang kinonsidera ay nagtatapos sa 7 o divisible by 7 dahil tinuturing ni Marcos na maswerte sa kanya ang numerong 7.


Noong September 21, 1972, may demokrasya pa sa Pilipinas. Si Senador Benigno S. Aquino Jr. ay naibigay pa ang kanyang privilege speech – na magiging huli na niya – sa Senado. Si Primitivo Mijares, kasama pa sa iba, ay isinaad ang pagpapatakbo ng House of Representatives at Senado na may committee meetings na nakaskedyul sa gabing iyon. Ang mga lider ng Senado at Kongreso ay nagkasundo na hindi mag adjourn noong araw na iyon gaya ng napagkasunduan. Nagpasya silang i-extend ang kanilang special session sa isang sine die adjournment sa September 23.


Noong hapong iyon, may isang protesta sa Plaza Miranda na inisponsor ng Concerned Christians for Civil Liberties. Ang rally ay dinaluhan ng higit sa 30 “civic, religious, manggagawa, estudyante at aktibistang grupo […] [at] ang groupo ng 30,000,” at nakakuha ng coverage mula sa mga dyaryo, radyo at telebisyon.


Sa kanyang diary, sinulat ni Marcos na kasama ang mga miyembro ng kanyang Gabinete at staff, tinapos nila ang paghahanda ng Proclamation 1081 noong 8 ng gabi, September 21.

Noong September 22, 1972, isang araw matapos ang speech ni Ninoy Aquino lumabas ang mga dyaryo: ifineature nila ang rally noong nakaraang araw sa Plaza Miranda. Inalala pa ni Mijares na si Marcos ay nabahala sa pahayag sa Daily Express na kung i-deklara ang Martial Law, sabi ni Aquino ay aarestuhin siya o kaya ay tatakas para sumama sa mga rebelde.


Ang ambush kay Enrile bilang pretext sa Martial Law

Ang pretext sa Martial Law ay binigay ng gabi ng Byernes, September 22, 1972, noong inambush ang convoy ng Secretary of Defence na si Juan Ponce Enrile sa Wack-Wack habang pauwi siya sa Dasmariñas Village sa Makati bago mag alas 9 ng gabi. Sabi ni Enrile ay nagmamaneho ang kanyang convoy palabas ng Camp Aguinaldo nang may isang kotse ang nagpaputok sa kanyang convoy at tumakas.


May contrasting naman na pahayag ang nanggaling kay Oscar Lopez na nakatira sa Notre Dame Street, Wack Wack Village na sinabing narinig niya ang putukan at noong lumabas siya para tignan ang nangyayari ay nakita niya ang isang sasakyang walang laman na maraming tama ng bala. Ang driver ni Lopez na nasa lugar din ay sinabing “may kotseng dumating at tumigil sa tabi ng poste ng Meralco. May mga taong lumabas sa kotse at may isang kotse na pumara sa tabi nito at pinaputukan ito para magmukhang na ambush.



Ang ambush na ito, isinabi kalaunan ni Enrile noong 1986, ay pinagawa ni Marcos para i-justify ang Martial Law.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.