Ano ang Tunay na pangalan ni Rizal? Saan ito nanggaling?
Kapag titingin sa piso, sino ang nakikita mo doon? Siya’y isang lalaking matipuno at mukhang kagalang galang. Kung tatanungin mo ang bawat isa tungkol sa pangalan ng lalaki sa piso, ang tanging isasagot ng karamihan ay si Jose Rizal. Ngunit alam kaya nila ang tunay na pangalan nito?
Ang tunay na pangalan ni Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Sino nga ba ang magtitiyagang kabisaduhin ito kung maaari namang Jose Rizal na lang ang itawag sa kanya. Lingid sa kaalaman ng iba ang tunay na pangalan ni Rizal ay may pinanggalingan narito at ating isa-isahin.
Jose – Pinangalan ng kanyang ina bilang pagbibigay karangalan kay San Jose na isang patron.
Protcio – Sa karangalan ni San Protacio isang martir, kapistahan niya tuwing ika-19 ng Hunyo.
Rizal – Apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado) Hango sa salitang Espanyol na “Ricial” ang ibig sabihin ay “luntian bukirin”.
Mercado – Tunay na apelyido ng kanyang ama. Hango sa Espanyol na salita na ang ibig sabihin ay “Palengke”.
Alonzo – Tunay na apelyido kanyang ina na si Doña Teodora Alonzo Realonda noong dalaga