GEMINI AT AQUARIUS
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Gemini at Aquarius, mai-enjoy ng dalawa ang isang nakakapukaw na mental na koneksyon. Gustong-gusto ng Gemini ang mga ideya, at punong-puno ang Aquarius nito. Kailangan nilang pareho ang kalayaan; naibibigay nila ito sa bawat isa dahil alam nilang kailangan nila ito pareho. Magiging problema kung iisipin ng Gemini na sobra na sa katigasan ang pag-iisip ang Aquarius at kung maiiwan ang Gemini sa mabilis at tuloy-tuloy na mga standards ng Aquarius. Ganunpaman, madali sa kanilang maintindihan ang bawat isa sa malalim na level.
Parehong may lakas at enerhiya ang dalawa. Mabilis silang makapag-isip ng mga bago at mas mabuting ideya, kasama ng determinasyon ng Aquarius, at mga ideyang nauuwi sa gawa. Umaaasa sila sa kanilang talino at bilis sa pag-iisip, lalung-lalo na ang Gemini, at ayaw na ayaw ng dalawang Sign ang mag-aksaya ng oras at panahon. Matutulungan ng Aquarius ang Gemini na mag-focus kapag magsimula itong panghinaan ng loob, ngunit kailangang mabigyan niya ito ng kalayaan at espasyo na makapag-isip. Hindi gusto ng Gemini na napipilit sa anumang bagay.
Ang Aquarius ang pinakamakatao sa Zodiac. Ang Gemini ay magaling sa pag-iisip at sa diskusyon, at matutulungan ang Aquarius kung ito’y hindi makaabante sa isang ideya at kailangan ng matalinong payo. Makakatulong ang pagkakakaroon ng Gemini ng flexible mind sa Aquarius sa panahon ng tensyon.
Malakas at totoo ang kanilang intelektwal na pagsasama. Natural sa kanila ang pakikipaghalubilo; Matalino at mahilig sa pakikipag-usap ang Gemini, at gustong-gusto ng Aquarius ang halos lahat ng klase ng tao. Kung maraming tao ang nakikilala ng Aquarius, mas mabuti para sa kanya. Parehong marami at iba-iba ang interes ng dalawang Sign. Ang hilig sa magagandang usapan at debate ng Gemini ay napupunan ng mga maraming karanasan ng dalawa na maaari nilang pag-usapan. Gusto ng Gemini na maging malaya; pinahahahalagahan nila ang kalayaan at adaptable sila sa pagbabago. Mas determinado at may pursigido naman ang Aquarius at gustong pamunuan ang kanilang relasyon.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Aquarius? Ang kanilang abilidad na maging magkatuwang at ang naibibigay nilang malaking inspirasyon at kasiyahan sa bawat isa. Ang kanilang matagumpay na komunikasyong verbal ang nagpapatatag ng kanilang relasyon.