DOUGLAS MACARTHUR: ANG HENERAL NG HUKBO NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG-Biography, life, works

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Si Douglas MacArthur ay kilala bilang isang magiting na sundalo at heneral noong ikalawang digmaang pandaigdig noong 1939-1945. Siya ang punong heneral noon ng Hukbong Pilipinas ng bombahin ng mga Hapon ang Peark Harbor sa Hawaii noong Disyembre 7, 1941. Dahil malakas ang pwersa ng mga sundalong hapon, siya at ang kanyang pamilya ay lumisan patungong Australia. Ang kanyang tanyag na salita “I shall return” o “Ako ay magbabalik” ang naging pag-asa ng bansang Pilipinas upang makalaya sa pananakop ng hapon.

1880

Mula sa angkan ng mga sundalo, ipinanganak si Douglas MacArthur noong Hulyo 26, 1880 sa Arsenal Barracks in Little Rock, Arkansas. Ang kanyang ama ay si Arthur MacArthur, isang kapitan ng Sandatahang Amerikano. Ang kanyang ina ay si Mary Pinkney Hardy MacArthur anak ng isa sa mga kilalang pamilya ng Norfolk, Virginia, U.S.A. Pinakabata sa tatlong magkakapatid si Douglas MacArthur. Dahil kulang pa sa modernong kagamitan, namatay sa sakit na tigdas ang pangalawa niyang kapatid na si Malcom.


Mula sa aklat ng kanyang talambuhay na Reminicences sinabi niya: Natuto akong sumakay at bumaril bago pa man ako natutong magbasa o magsulat o halos bago pa akong makapaglakad o magsalita.


1889

Pumasok siya sa Force Public School noong Hulyo 1889 ng lumipat ang kanyang pamilya sa Washinton, D.C.


1893

Noong Setyembre 1893 nailipat ng trabaho sa San Antonio, Texas ang ama ni Douglas MacArthur. Ito rin ang naging dahilan upang lumipat siya ng pag-aaral sa West Texas Military Academy. Sa paaralang ito siya ay tumanggap ng gintong medalya para sa libreng pag-aaral at pagiging mabuting mamamayan. Naging manlalaro rin siya ng tennis at football. Siya ang balidektoryan ng kanilang klase dahil sa mataas na marka niya na 97.33.


1889

Pumasok sa West Point noong Hunyo 13, 1889 si MacArthur. Kasabay ng pagpasok niya ay ang paglipat ng kanyang ina sa Craney’s Hotel upang tingnan ang palibot ng paaralan. Talamak ang ginagawang pagmamalabis noon sa mga baguhang estudyante sa West Point. Ngunit dahil sa anak si MacArthur ng isang heneral at may inang nakatira sa Craney hotel, siya at ang kaklase niya na si Ulysses S. Grant III ay hindi nakaranas ng pagmamalabis.


1901

Noong 1901, naging saksi siya isang paglilitis sa loob ng Kongreso laban sa mga kadete na nagmamalabis sa mga baguhang estudyante. Kinalaunan, ideneklara ng Konggreso ang batas nagbabawal ng pananakit sa mga bagong estudyante sa West Point Academy.


Sa kanyang pangawalang taon, si MacArthur ay corporal ng Company B, unang sarhento ng Company A sa pangatlong taon at Unang Kapitan sa kanyang huling taon. Sa siyamnapu at tatlong estudyante, si MacArthur ay nanguna sa kanyang klase na may marking 98.14 sa kanilang pagtatapos. Siya ay pinadala sa United Army Corps of Engineers bilang pangalawang tenyente.


1903

Douglas MacArthur ay umanib sa 3rd Engineer Battalion kung saan ay umalis ang pangkat patungong Pilipinas noong Oktubre 1903. Ipinadala siya sa Iloilo at pinamahalaan niya ang pagpapatayo ng pantalan sa Camp Jossnan. Nagpatuloy sa pagsisiyasat sa mga lungsod ng Tacloban, Calbayog at Cebu. Habang siya ay nagtatrabaho sa Guimaras, siya ay nilusob ng dalawang gerilyang Pilipino at napatay niya ang mga ito.


1904

Noong Abril 1904 siya ay na-promote sa Manila bilang unang tenyente. Buwan ng Oktubre ng siya ay magkasakit ng malaria at hadhad habang nagsisiyasat sa Bataan. Dahil dito naputol ang kanyang trabaho at nagpasyang bumalik na lamang sa San Francisco, California.


1905-1906

Nakatanggap ng order si MacArthur na pumunta ng Tokyo, Japan upang tulungan ang kampo ng kanyang ama noong 1905. Kanilang ininspeksyon ang mga base-militar sa Nagasaki, Kobe at Kyoto. Tumungo rin sila sa Shanghai, Hong Kong, Java, at Singapore. Narating nila ang Calcutta, India noong 1906. Nagpatuloy sila ng pag-iinspeksyon sa Tsina bago bumalik sa Japang noong Hunyo 1906.


1912

Ang biglaang pagkamatay ng ama ni MacArthur noong Setyembre 5, 1912 ang naging dahilan para bumalik sila ng kanyang kapatid sa lungsod ng Milwaukee upang alagaan ang kanilang ina.


1914

Sinakop ng Pamahalaang Amerikano ang Veracruz silangan ng Mexico noong 1914 sa pangunguna ni MacArthur.


1917

Noong 1917 si MacArthur ay na-promote mula sa pwestong koronel siya ay naging punong ng mga tauhan ng 42nd (Rainbow) Division. Sa pakikibaka para masakop ang Western Front noong unang digmaang pandaigdig, siya ay itinaas sa pwestong birgaidier general. At muling siyang tumanggap noon ng medalya ng karangalan.


1919-1922

Mula 1919 hanggang 1922, si MacArthur ay nanilbihan bilang Superintendent ng U.S. Military Academy sa West Point. Marami siyang ginawang pagbabago sa paaralan.


1922

Pinakasalan ni MacArthur si Louise Cromwell Brooks noong February 14, 1922 sa Palm Beach, Florida. Si Louise ay isang socialite at milyonaryang-tagapagmana. Walang naitalang anak sila at may dalawang anak sa unang asawa si Louise.


1924

Noong 1924, si MacArthur ang naging instrumento upang ayusin ang pamamahala sa Philippine Scout Mutiny.



1925

Taong 1925, naging pinakabatang mayor-heneral si MacArthur. Nanilbihan siya sa hukumang-militar sa pangunguna ni Brigadier General Billy Mitchell.


1928

Naging pangulo siya ng American Olympic Committee noong 1928 sa panahon ng Summer Olympics sa Amsterdam.


1929

Habang nasa Manila si MacArthur, nagsumite ng diborsyo si Louise dahil sa hindi pagbibigay ng sustento.


1930

Si MacArthur ay naging Chief of Staff ng United States Army noong 1930.


1932

Naging bahagi rin si MacArthur sa pagpapatalsik sa mga nagprotestang Bonus Army mula sa Washington, D.C. noong 1932.


1937

Nagretiro si MacArthur mula sa U.S. Army noong 1937 para maging Military Advisor sa Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.


Muling nag-asawa si MacArthur noong Abril 30, 1937 sa isang socialite na ang pangalan ay Jean Marie Faircloth.


1938

Noong Pebrero 21, 1938, nanganak sa Manila si Jean Marie ng lalaki at pinangalanang Arthur MacArthur IV.


1941

Si MacArthur ang komander ng United States Army Forces in the Far East noong 1941. Maraming kaguluhan ang mga naganap, nagmula sa pagkakasira ng pwersang panghimpapawid at noong Diyembre 8, 1941 ay ang matagumpay na pananalakay ng sundalong hapon sa Pilipinas.



1942

Tumakas si MacArthur, kanyang pamilya at mga sundalo mula Bataan noong Marso 1942 papuntang Australia. Nangako siyang babalik sa Pilipinas kaya sumikat ang kanyang binitiwang pananalita, “I shall return.”


1944

Tinupad ni MacArthur ang kanyang pangako ng siya ay bumalik sa Pilipinas. Kasama ang kanyang batalyong sundalo, sila ay dumating sa isla ng Leyte noong Oktubre 20, 1944.


1945-1951

Noong Setyembre 2, 1945 opisyal na tinanggap ni MacArthur ang pagsuko ng bansang Hapon sa kamay ng Amerikano. Sumailalim sa pamumuno ni MacArthur ang nasabing bansa hanggang taong 1951. Marami ang kanyang ginawa sa ekonomiya, politika at panlipunang pagbabago. Noong Abril 11, 1951 pinamunuan niya ang United Nations Command sa digmaan laban sa bansang Korea. Paglaon siya ay naging Chairman of the Board of Remington Rand.


Ang mga huling pananalita ni MacArthur sa Kongreso ng Estados Unidos ay ito:

Isinasara ko na ang 52 taong aking panghukbong-paglilingkod. Ng ako ay pumasok sa hukbo, ito ang naging katuparan ng aking mga pangarap noong ako ay bata pa. Ang mundo ay bumaliktad ng maraming pagkakataon simula ng ako ay nanumpa sa entablado ng West Point. Ngayon, ang pag-asa at mga pangarap ay matagal ng nabura ngunit naalala ko ang linya sa isang kanta “hindi namamatay ang matatandang sundalo, sila ay nabubura lamang”. Kaya katulad ng matandang sundalo sa kantang iyon, akin ng isinasara ang aking karera bilang sundalo at tuluyan ng mabura. Isang matandang sundalo na sinikap gawin ang kanyang tungkulin kung saan ibinigay ng Diyos ang liwanag para makita ang tungkuling iyon.


1964

Namatay si Douglas MacArthur noong Abril 5, 1964 sa Walter Reed Army Medical Center sa sakit na biliary cirrhosis. Ang kanyang mga labi ay nilibing sa Douglas MacArthur Memorial sa Norfolk, Virginia, U.S.A


Tumanggap ng higit isandaang medalya ng mga parangal mula sa Estados Unidos at ibang mga bansa. Siya ay tanyag sa publikong Amerikano. Ipinangalan sa kanya ang mga daan at pati pangalan ng mga bata ay isinunod sa kanya. Kahit ang pangalan ng isang sayaw ay kinuha rin sa kanyang pangalan.


1955

Nagkaroon ng maraming pelikula tungkol sa buhay ni Douglas MacArthur. Ginampanan ni Dayton Lummis ang pelikulang The Court-Martial of Billy Mitchell noong 1955.


1976

Ang pelikulang Collision Course: Truman vs. MacArthur noong 1976 ay ginampanan naman ni Henry Fonda.


1977

Nailabas din sa takilya ang pelikulang MacArthur na pinagbidahan ni Gregory Peck noong 1977.


1981

Noong 1977, lumabas ang pelikulang Inchon na ginampanan ni Laurence Olivier.


1987

Mula taong 1987 ang General Douglas MacArthur Leadership Awards ay ibinibigay ng United States Army bilang pagkilala sa mga tenyente, kapitan at mga opisyal nagpakita ng galing sa hukbong panglilingkod sa kanilang tungkulin at bansa.


1995

Si Daniel von Bargen naman ang gumanap na MacArthur sa pelikulang Truman noong 1995.


2013

Noong 2013 naman ay muling isinapelikula ang buhay ni MacArthur sa pagganap ni Tommy Lee Jones sa pelikulang Emperor.


Kung ating babalikan ang lahat na dinaanan ng buhay ni Douglas MacArthur, masasabi natin na siya ay may angking galing sa hukbong-sandatahan. Siya ay matapang at magiting na sundalo. Naipamalas din niya ang kanyang galing sa iba’t ibang uri ng laro.


Ngunit bilang isang Pilipino, hindi natin matatawaran ang kanyang ginawang pagtupad sa kanyang pangako na bumalik sa Pilipinas. Marami man ang nasira noong ikalawang digmaang pandaigdig ngunit si Douglas MacArthur ang muling bumuo sa pag-asa ng bawat Pilipino. Dahil sa kanya tuluyan tayong nakalaya sa kamay ng mga Hapon.


Salamat Douglas MacArthur!


It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.


1 person likes this

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.