Manuel Quezon: Mga hindi mo pa nalalaman- Talambuhay, biography, life, works

Elaine Isidro
is a Manunulat in the Philippines

Si Manuel L. Quezon ay tinaguriang “Ama ng Pambansang Wika” ng Pilipinas. Dahil sa kanyang pagpupunyagi na maisakatuparan ang batas na inamyendahan noong 1935, naitalaga noong 1936 na maging pambansang wika ang Tagalog. Marahil alam din ng karamihan na si President Quezon ang:


- Unang presidente ng pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.


- Pangalawang pangulo ng Pilipinas mula kay Emilio Aguinaldo.


- Pangulo ng Senado na nahalal na pangulo ng bansa.


- Unang pangulo na muling nahalal sa kanyang katungkulan.


Ngunit alam rin ba ninyo na:


- Ang mga magulang ni Manuel Quezon ay pawang Espanyol?


- Nag-aral siya ng elementarya sa pampublikong paaralan?


- Nakamit niya ang ika-apat na pwesto sa bar examination noong 1903?


- Una niyang naging trabaho ang pagiging klerk?


- Naging asawa ni Quezon ang kanyang pinsan na si Aurora Aragon Quezon?



Narito pa mga ibang detalye ng mga natatanging impormasyon tungkol kay Manuel L. Quezon:


- Ipinanganak siya noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Aurora na ngayon ay probinsya ng Quezon.


- Ang kanyang mga magulang ay sina Lucio Quezón and María Dolores Molina na pawang Espanyol. Isang guro ng elementarya mula sa Paco, Manila ang ama ni Manuel L. Quezon at retiradong sundalo noong panahon ng pananakop ng Espanyol. Isa guro rin ang ina ni Quezon sa elementarya ng kanilang bayan.


- Nag-aral siya ng elementarya sa pampublikong paaralan na ipinatayo ng mga Espanyol. Natapos niya ang kanyang sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran. Ginugol niya ang kanyang kolehiyo sa University of St. Tomas na may kursong abogasya.


- Naputol ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo upang maging sundalo at makilahok sa pakikipaglaban para sa kalayaan mula sa kamay ng mga Amerikano.


- Bumalik siya sa pag-aaral upang tapusin ang abogasya matapos ang digmaan. Nakamit niya ang ika-apat na pwesto sa bar examination noong 1903.


- Una niyang naging trabaho ang pagiging klerk at surbeyor bilang piscal para sa Mindoro at paglaon sa Tayabas.


- Naging konsehal at paglaon nahalal bilang gobernador ng Tayabas noong 1906.


- Nahalal siya bilang Resident Commissioner sa ika-animnapu at isang Kongreso (1909-1911).


- Ang Philippine Autonomy Act or Jones Law ay kanyang isinumite upang ipetisyon ang madaliang paglaya ng Pilipinas mula sa mga Amerikano. Ang batas na ito ay naglalayon na mapamahalaan ng Pilipinas ng buo at walang impluwensya mula sa Amerikano. At ito ay naaprubahan at tayo ay tuluyang lumaya mula sa mga Amerikano.


- Naging asawa ni Quezon ang kanyang pinsan na is Aurora Aragon Quezon noong December 17, 1918. Nagkaroon sila ng apat na anak. Ang kanyang apo na si Manuel L. “Manolo” Quezon III, na ipinanganak noong 1970 ay ipinangalan sa kanya. Isa itong sikat na manunulat at kasalukuyang undersecretary ng President Communications Development and Strategic Planning Office.


- Nahalal bilang pangulo si Manuel L. Quezon noong 1935 mula sa Nacionalista Party. Nakuha niya ang 68% boto laban sa kaniyang katunggali na sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay.


- Sa ilalim ng Tydings-McDuffie Law, ini-organisa niya ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno upang ayusin ang iba’t ibang pangangailangang ng bansa.


- Sa ilalim ng Commonwealth Act No. 20, ang mga may-ari ng naglalakihang lupain ay napasailalim ng batas na ito upang ibenta sa mababang halaga sa mga magsasakang nangungupahan ng kanilang lupa at sila ay magtalaga ng magaang paraan ng pagbyad.


- Sa pamamahala ni Quezon tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas.


- Naipalabas din sa ilalim ni Quezon ang Rice Share Tenancy Act of 1933. Ang batas na ito ay naglalayon ng 50-50 hatian sa ani sa pagitan ng magsasaka at ng may-ari ng lupa.


- Sa bahagi naman ng edukasyon, binuo ang National Council of Education noong Pebrero 19, 1936. Ang konsehong ito ay nagsaayos ng pangangailangang edukasyon ng Pilipinas, mula sa inprastraktura hanggang sa gurong kailangan at mga kagamitan.


- Ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig napilitang lisanin niya ang bansa noong 1942 at nagtungo sa Estados Unidos. Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pamamahala at binuo ang “Commonwealth government in exile”.


- Naisulat niya ang kanyang talambuhay na may pamagat na The Good Fight noong 1946.


- Namatay sa sakit na tuberkolosis si Manuel L. Quezon sa Saranac, Lake, New York noong Agosto 1, 1944. Ang kanyang mga labi ay pansamantalang inilibing sa Arlington National Cemetery sa Estados Unidos bago ito nilipat sa Manila North Cemetery noong Hulyo 19, 1946. At noong Agosto 19, 1979 tuluyan ng inilagak ang kanyang mga labi sa loob ng kanyang monumento sa Quezon Memorial Circle sa lungsod ng Quezon.


- Isinunod sa kanyang pangalan ang isang lalawigan, lungsod, tulay at isang pribadong paaralan sa Metro Manila at ilang mga daaanan. Ang pinakamataas na karangalan na ipinangalan sa kanya ay ang Quezon Service Cross. Siya rin ay nasa dalawampung piso na perang papel. Ang kanyang mukha ay nailagay din noon sa isang pisong barya kasama ni Frank Murphy at isa pa na kasama si Franklin Delano Roosevelt.


Si Manuel L. Quezon ay dakilang pangulo. Siya ay nanilbihan ng may dangal at pagpupunyagi para sa ating bansa. Ang kanyang labis na pagmamahal sa Pilipinas ang naging dahilan upang tayo ay magkaroon ng pambansang wika. Marami man ang dinaanan niya upang makamit ang kalayaang ng Pilipinas mula sa mga Amerikano, hindi ito naging daan upang siya ay tumigil at sumuko.


It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

About the author

Elaine Isidro

Profession: Manunulat
Philippines , Manila , Manila
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.