Mga Gabing Puti-White Nights by Dostoevsky

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Ang maikling kwentong ito ay isang halaw ng “White Nights” ni F Dostoevsky na isang kwento ng panandaliang pag-ibig. Ngunit ang “panadaliang” ito ay hindi tulad ng naiisip natin sa mga panahon ngayon. Tungkol ito sa pagtatagpo ng dalawang hindi magkakilala sa kalsada ng St Petersburg. Nagkaroong ng pagtingin ang lalaki sa isang dilag na nakatakda nang ikasal. Ganunpaman hindi maiwasang basta basta na lamang na isa isang tabi ng lalaki ang dilag hanggang sa kahulihulihan nilang pagtatagpo.


Marahil para sa mga OFW na pawang mga estranghero din sa ibang lugar, maaring maantig ang ating damdamin sa kwentong ito. Mas mahalaga ang mga sandaling naranasan natin ang pag-ibig sa kapwa kahit na alam nating walang patutunguhan ang lahat ng ito bandang huli.


Kusang pinalitan ang mga pangalan ng mga lugar at tao sa maikling kwentong ito para sa mamababasang Pilipino.


Ang Mga Gabing Puti ay ilalabas sa 3 serye dito sa BuhayOFW sa ilalim ng Filipino Literature.


(Serye 1/3)


Unang Gabi


Kamangha - mangha ang gabing iyon , isang gabing maari lamang maranasan kung tayo’y bata pa, mahal kong mambabasa. Napakaraming mga bituin sa langit at napakaliwanag na kung iyong titingnan ay hindi mo maiwasang tanungin ang iyong sarili kung maari nga bang mabuhay sa ilalim ng ganoong kalangitan ang mga taong sumpungin at may hindi magandang disposiyon sa buhay. At may pagka sariwa din ang tanong na iyun mahal kong mambabasa, napaka sariwa na sana’y panatiliin ng Panginoon sa iyong puso!... At kung pag-uusapan ang mga taong may masamang disposisyon at sumpungin, hindi ko maiwasang maalala ang kundisyong moral ko sa buong araw na iyon. Simula pa nang umaga nang balisain ako ng kakaibang uri ng kawalan ng pag-asa. Bigla bigla na lang at tila sa tingin ko’y tinamaan ako ng lungkot, pinabayaan at iniwasan ng lahat. Mangyari pa, may karapatan ang sinumang magtanong kung sino yung “lahat” na iyon na aking tinutukoy . Na kahit halos walong taon na akong naninirahan dito sa Quezon City, eh wala naman talaga akong mga kakilala dito. At bakit ko namang gugustuhing may makilala ako? Eh kilala ko ang buong Mayon St, sa basta’t ganoong pagkakakilala ko sa lugar na ito; at kanya nga ang aking pakiramdaman ay para bang iniwanan na ako ng buong taga Mayon na nagsihanda at nagsipuntahan na sa kanikanilang bahay bakasyunan. Takot akong maiwanang nag-iisa, at sa loob ng tatlong araw inikot ko ang lugar nang walang sigla, nang hindi ko alam kung anong aking gagawin sa aking sarili. At kahit saan ako magpunta, sa Apo, sa Kanlaon o maglakad lakad malapit sa may Welcome Rotonda sa may Espana, wala roon ang mga mukhang palagi kong nakikita sa parehong lugar at panahon sa loob ng buong taon. Mangyari pa, hindi nila ako kilala, ngunit kilala ko sila. Kilalang kila na halos mapag-aralan ko na ang kanilang mga mukha, na aking ikinatutuwa kapag sila’y masaya, at ikinalulungkot naman kapag tila nasa ilalim sila ng isang ulap. Kamuntik ko na ngang kaibiganin ang isang matandang lalaki na palagi kong nakakatagpuan -sa araw araw na ginawa ng Diyos, sa parehong oras at lugar doon sa . Napakalungkot ng kanyang mukha; madalas siyang bumubulong sa kanyang sarili at iwinawasiwas ang kanyang kaliwang kamay, habang hawak hawak naman ng kanyang kanang kamay ang isang pilipit na stik na may ginintuang hawakan. Pinapansin niya ako at nagagalak siya sa akin. At kung magkataong wala ako sa kung saang lugar at panahon sa Dapitan St. , alam kong hindi niya gusto iyon. Ganun kaming dalawa na halos yumuko kami sa isa’t isa lalo na kapag kami’y nasa mood. Isang araw, matapos kaming hindi magkita ng dalawang araw at magkita sa ikatlo, hinawakan namin ang kanya kanyang sombrero ngunit matapos makahalataan, sa kalaunan ay ibinababa na lamang ang aming mga kamay at nagpatuloy sa aming paglalakad , taglay ang galak nang makita ang isa’t isa.





Kabisado ko rin ang mga bahay. Sa aking paglalakad tila sinasalubong nila ako sa daan upang makita nila ako mula sa kanikanilang mga bintana at sabihing: “ Maganda umaga! Kumusta? Medyo mabuti naman ako at magkakaroon na ako ng isang palapag ngayong buwan ng Mayo,” o “ Kumusta? Mapapalamutian na naman ako bukas;” o “halos masunog ako at ako’y takot na takot” at iba pa. May mga paborito akong mga bahay, at ang iba ay naging malapit na sa akin; balak pa ngang magpa-ayos sa arkitek ang isa sa kanila ngayong bakasyon. Pupuntahan ko siya araw araw at sisiguraduhin kong hindi palpak ang pagkakagawa sa kanya. Huwag naman sana Panginoon! Pero di ko malimutan ang minsang nangyari sa isang maganda at kulay pink na bahay. Napakagandang bahay iyon na gawa sa laryo, na may ka-aya-ayang disposiyson sa akin at may mapagmataas namang pagturing sa mga kina-aasiwaan niyang mga kapit bahay, na buong puso ko namang ikinatutuwa kapag ako’y napapadaan. Bigla bigla na lang noong nakaraang linggo may narinig akong nakalulumbay na tinig, “Pipinturahan nila ako ng dilaw! Mga pusakal! Mga barbaro! Wala silang itinira, ni haligi, ni kornisa…” At ang kalunos lunos kong kaibigan ay naging sing dilaw na ng kanaryo. Masuka-suka ako sa pangyayaring iyon. Hanggang ngayon wala akong lakas ng loob na bisitahin ang kaawa-awa at nasira-ang-porma kong kaibigan na napinturahan ng kulay na angkop lamang para sa isang imperyong makalangit.


Nauunawaan mo na ngayon, mahal kong mambabasa, kung papaano ang aking pagkaka-kilala sa buong Mayon St.


Nabanggit ko na ang aking pagka-balisa ng tatlong araw bago ko malaman ang dahilan ng pagkabalisang iyon. At hindi rin ako mapalagay sa kalsada - na kung wala itong taong ito at wala na rin yung isang iyon ay ano nang nangyari sa iba? - at ganun din ang nangyari pagdating ko sa bahay. Pinag-isipan ko nang dalawang gabi kung ano nga ba ang kulang sa ganang akin; kung bakit hindi ako mapalagay. At sa gitna ng kaguluhang ito napansin ko ang kulay berde at marumi kong dingding, ang kisame kong puno na ng bahay gagamba na matagumpay at ang masiglang pinadami ni Aling Lucring. Pinagmasdan ko ang mga kasangkapan ko sa bahay, pinag aralan ang bawat upuan at gusto kong malaman kung may nagbago ba (dahil kung may silyang wala sa kinarorononan nito kahapon, may hindi tama). Tiningnan ko rin ang bintana, pero wala, ganun pa rin at walang silbi ang lahat…hindi pa rin ako guminhawa kahit kaunti! Naisip kong ipatawag si Aling Lucring at pagsabihan siya tulad ng isang ama tungkol sa mga bahay gagamba at ang kung bakit ganun karumi ang bahay; ngunit tinitigan niya lang ako nang may pagka mangha at umalis nang walang sinasabi, at kanya nga hanggang ngayon komportableng nakabitay ang mga bahay gagamba. At ngayong umaga ko lamang nagisnan sa wakas kung saan ang pagkakamali. Pambihira naman!


At bakit nga ba, tinatakasan na nila ako at patungo na silang lahat sa kanilang mga bahay bakasyunan! Ipagpaumanhin na ninyo ang aking walang ka kwenta kwentang mga pananalita, pero wala ako sa mood para sa mga pinong pananalita…dahil umalis na ang lahat sa Mayon St. o paalis na para sa bakasyon; ang bawat kagalang-galang na maginoo na nag-taxi ay bigla bigla na lamang nagbagong anyo, sa aking paningin, at naging isang kagalang galang na padre de familia, na matapos gampanan ang kanyang mga tungkulin , ay patungo na sa kinaroroonan ng kanyang pamilya doon sa kanilang bahay bakasyunan; at lahat ng mga dumaraan ay may natatanging ereng tila nagsasabi sa lahat na kanilang makatagpuan: “ Pansamantala lang kami dito mga ginoo, dahil sa susunod na dalawang oras pupunta na kami sa bahay bakasyunan.” At kung magkataong may mga maselang daliri na sing puti ng niyebe ang magbukas ng bintana, tutuktuk sa bintana, at may lalabas na ulo ng isang magandang dilag, na tatawag sa nagbebenta ng bulaklak - alam kong ang mga bulaklak na iyon ay bibilhin hindi para ma-enjoy ang mga ito sa panahon ng tagsibol doon sa mga bahay pangkaserahan kundi para dalhin ang mga ito sa kani-kanilang bahay bakasyunan.


Dagdag dito, maganda ang takbo ng kakaiba kong uri ng pagsisiyasat at nagkaroon ako ng kakayahang malaman kung anong klaseng bahay bakasyunan meron ang bawat isa sa pamamagitan ng mga ere nila. Ang mga taga Ilocos at Baguio o yung mga malapit sa kalsadang Kanlaon ay may gilas sa kanilang ikinikilos, ang uso nilang suot suot na damit pang summer, at sa mga magagara nilang sinasakyan patungong bayan. Mapapahanga ka naman sa mga bumibisita sa Hong Kong at sa malalayong lugar dahil sa taglay nilang ere ng pagka makatwiran at kagalang-galang; ang mga papunta naman sa Isla ng Boracay ay makilala sa pagkakaroon niya ng hindi maikubling kasiyahan. Kapag nakakakita ako ng mahabang linya ng mga nagtutulak ng luggage bags na mabagal, na naglalakad at hawak hawak ang kanikanilang mga stroller katabi ng kanilang mga luggages lulan ang kanilang baun baong mga damit, at madalas may jacket na naka upo sa ibabaw ng helera, na tila binabantayan ang gamit ng kanayang amo na tila baga isang mansanas; o kapag nakakita ako ng mga bagahe na may mabigat na kargang mga kagamitang pambahay na tinatahak ang Espana patungong pier – ang mga luggages at bagahe ay dumarami ng sampung beses sa aking paningin. Nakikita kong ang lahat ay kumikilos at umaandar sa kani-kanilang mga sasakyan patungo sa mga bahay bakasyunan. Pakiwari kong tila nagbabanta ang buong Mayon na maging kaparangan, at kanya nga bandang huli tinamaan ako ng hiya, nalungkot na wala akong mapupuntahan kapag bakasyon at wala rin namang dahilan para ako’y lumayo. Handa na sana akong sumama sa bawat taxi o sasakyang dumaraan, sa bawat kagalang galang na maginoong sumakay ng awto; ngunit wala ni isa, walang wala ni isa na nag-imbita sa akin; tila kinalimutan na nila akong lahat na parang isang estranghero.


Mahaba ang aking nilakad, at matagumpay ko na namang nalimutan kung nasaan na ako, at bigla na lang magigisnan kong na nasa gate na pala ako ng bahay. Bigla na lang gumagaang ang aking pakiramdam, nalampasan ko ang balakid at naglakad na sa pagitan ng mga halamanan at pastulang hindi iniinda ang pagod, at makakaramdaman na lamang na tila may malaking pabigat na nahulog sa aking kaluluwa. Magiliw akong tiningnan ng mga dumaraan na tila binabati nila ako, at tila may kinaluluguran silang isang bagay tungkol sa akin. Lahat sila’y nananabako, bawat isa sa kanila. Hindi pa ako nakaramdam ng ganung kaluguran. Pakiwari ko’y nasa Italy ako - napakalakas ng epekto ng kalikasan sa isang medyo may kapansanang taong bayang tulad ko, isang bugnutin sa pagitan ng mga pader sa syudad.


May hindi maipaliwanag na makapag papaantig ng damdamin at ito’y may kinalaman sa kalikasan dito sa paligid ng Quezon City, na kapag malapit na ang tag-ulan ay buong lakas na ipinagkakaloob ng langit ang pagkakaroon sa tabi tabi ng halaman, at kung paano nito inilalantad ang kanyang sarili at mapapalamutian ng mga bulaklak… Kahit paano, hindi ko maisip na hindi maalala ang isang mahina at natutuyo nang dilag na kung minsa’y ating kinahahabagan, at kung minsan nama’y ating iniibig bunga ng ating simpatiya , nang hindi natin napapansin; at bigla bigla na lamang na dumarating ang pagkakataong hindi natin maipaliwanag kung papaano siya naging kaibig ibig at pagka ganda ganda, at hindi natin maiwasan tanungin ang ating mga sarili kung anong kapangyarihan ang nasa likod ng pag-tingkad ng malulungkot at mapanimdim niyang mga mata.? Ano ang nagpadaloy ng dugo sa mga namumutla niyang pisngi? Ano ang nagbalot nang may pagsinta sa kanyang mayuming katangian? Ano ang nasa likod ng tiyan niyang pinaghuhugutan niya ng lakas? Ano ang bigla bigla na lamang na nagdala ng lakas , buhay at kagandahan sa mukha ng isang ka awa-awang babae, na nagpatingkad muli sa kanyang ngiti, nagpaningning sa manginang niyang pagtawa? At magmamasid-masid ka sa iyong paligid, hahanapin mo kung sino, huhulaan mo… Ngunit lilipas ang mga sandali, at sa muling pagtatagpo ninyo kinabukasan, marahil, naroon na naman ang parehong malungkot at nababagabag na mukha, ang dating namumutlang mukha, ang dating mapagkumbaba at mabagal na mga pagkilos, at dating mga signus ng kalungkutan, mga bakas ng pagdurusa at pagsisising dulot ng isang pansamantalang pagkakagambala…At malulungkot ka sa paglisan ng isang pananadaliang kagandahang iyon , sa mabilisang pagkupas nito na hindi na bumalik, na patraydor lang na nagpakita sa iyo nang walang saysay, at nagdulot lamang ng dalamhati sa iyo sa dahilang hindi ka man lamang nagkaroon ng panahon para ibigin siya.


Ganun pa man, mas mainam ang lumipas na gabi kaysa pagdating ng araw. At Ganoon na nga ang nangyari.


Malalim na ang gabi nang makabalik ako sa aking apartment, at alas diyes na nang makauwi ako. Dumaan ako sa sidewalk, na sa mga panahong iyon ay wala ka nang makikita ni isang kaluluwa. Totoong tumitira ako sa liblib na bahagi ng syudad. Kumakanta ako habang naglalakad, dahil kung masaya ako palagi akong humuhuni tulad ng kahit sinong masaya na wala namang kaibigan o kakilala na maari niyang bahaginan ng kanyang kasiyahan. Walang anu ano, nagkaroon ako ng hindi inaashahang pambihirang karanasan.


Nakasandal ang siko sa baranda ng bakuran may isang dilag na nakatayo at seryosong tinititigan ang mga dumaraang sasakyan sa kalsada. Naka sombrero siyang kulay dilaw at kaakit akit , may maliit at itim na balabal. “Sigurado akong isa siyang dilag at may kaitiman,” aking naisip. Tila hindi niya napansin ang aking mga yapak at ni hindi man lang siya nagulantang nang daanan ko siyang may papigil na paghinga at malakas na pagtibok sa aking puso.


“Kakaiba ‘to,” Naisip ko; “may iniisip siyang malalim,” napatigil ako. Nakarinig ako ng isang mahinang pag-iyak. At hindi ako nagkamali, umiiyak nga ang dilag, at matapos ang ilang sandali tuloy tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Lord! Tinamaan ako ng lungkot. Kahit mahiyain ako sa mga babae, naisip kong ito na aking hinihintay!..Nilapitan ko siya at kamuntik ko na siyang tawaging “Ma’am” na alam kong maka ilang beses nang ginamit sa kung saang nobela sa liwayway. Matapos ang pagmumuniming iyon, hindi na ako nag ma’am. At habang nag-iisip ako kung ano ang aking sasabihin, medyo natauhan na ang dilag, tumingin tingin sa paligid, napayuko at tuluyan na akong iniwanan. Agad agad ko siyang sinundan ngunit tumawid siya ng kalsada. Hindi na ako nangahas pang sundan siya. Nagpupumiglas ang aking puso na tila isang ibong nahuli. Nagisnan ko sa mga sandaling iyon na dumating na ang aking pagkakataon.


Sa kabila ng kalsada nakita ko di kalayuan sa kinaroroonan ng dilag ang isang edarang lalaking may maayos na pananamit at tikas; pasuray-suray at maingat na nakasandal sa pader nang biglang napadaan ang dilag na parang sibat, padungong nagmamadali palayo sa lalaking iyon na maari sanang nahabol pa ng lalaki kung naswertihan niyang wala ako roon.


Bigla na lang kumilos ang lalaki nang walang sinasabi at hinabol ang di ko pa nakikilalang dilag. Mabilis na tumakbo ang dilag ngunit inabutan siya ng mapilit na lalaki. Sumigaw nang malakas ang dilag at …salamat na lamang sa yantok na dala dala kong pang-arnis sa kanan kong kamay. Mabilis akong napatawid sa kabilang kalsada; at tumakbo na ang lalaki nang tuluyan. May mga sinabi siya nang mapalayo na ngunt hindi namin ‘to maintindahan.


“Amin na ang iyong braso,” ang sabi ko sa dilag. “At hindi na siya mangangahas pang muli na gambalain ka.”


Kumapit siya sa aking braso nang walang sinasabi, nanginginig pa sa takot at pagkagulat. Ah mapanghimasok na ginoo! Laking pasalamat ko lang sa iyo at dumating ka sa aking buhay. Sa isang panakaw na tingin, nakita kong kaakit-akit at kayumangging dilag – tama ako.


May kumikinang pa na luha sa mga maitim niyang pilik mata – na nagmula sa bago pa lamang na nangyaring ligalig o sa mas nauna nang kalungkutan – di ko alam. Ngunit may sinag na ng ngiti sa kanyang mga labi. May panakaw din siyang tingin sa akin, at siya’y medyo namula at napayuko.


“O tingnan mo na; bakit pinaalis mo ‘ko? Kung narito ako wala sanang nangyari…”


“Pero di kita kilala; Akala ko na ganun din ang iyong naisip …”


“Bakit, kilala mo na ba ako ngayon?”


“Kaunti lang! Kagaya ngayon, bakit ka nanginginig?”


“Oo, tumama ka sa una mong pag-aakala sa akin!” ang aking sagot, natutuwa rin na intelihente ang dilag; isang katangiang hindi nalalayo kapag may kakambal na kagandahan. “Oo, sa unang tingin nahulaaan mo na kung anong klaseng lalaki ang iyong kausap. Tumpak ang iyong hinala; mahiyain talaga ako pag kaharap ko na ang mga babae, nenenerbyos ako, hindi ko ito ipinagkakaila, katulad nang pagkabagabag mo sa lalaking iyon kanina, ganun din ang pagka bagabag ko ngayon. Parang panaginip, at hindi ko rin tanto na kahit sa aking pagtulog ay makikipag-usap ako sa babae.”


“Ano? Talaga?...”


“Oo; at kung nanginginig ang aking braso, ito’y dahilan sa hindi pa ako nahawakan ng isang napakandang munting kamay na tulad ng sa iyo. Wala akong alam sa mga babae; hindi ako nasanay sa kanila. Alam mo kasi, nag-iisa lang ako…Di ko nga alam kung papaanong makipag-usap sa kanila. Eto nga at hindi ko alam kung may nasabi na akong kagaguhan sa ‘yo. Tapatin mo nga ako; sinisigurado kong hindi ako magagalit.”


“Hindi ah, wala yun, ang kabaliktaran pa nga ang totoo. Pero kung magpupumulit ka, paprankahin kita. Alam mo bang gusto ng mga baae ang isang mahiyain; at alam mo bang gusto ko rin yun, at hindi kita paaalisin hanggat hindi ako nakaka-uwi.


“Dahil sa iyo,” and sabi ko habang kumukuha pa ng hangin dahil sa tuwa, “ mamawala ang aking pagkamahiyain, at goodbye na lang sa lahat ng aking mga pagkakataon…”


“ Pagkakataon! Anong pagkakataon – ng ano? Hindi yata maganda iyon.”


“Ipagpaumanhin mo, sorry, nadulas lang ang aking dila; pero paano mong maaasahan ang kung sino na hindi magkaroon ng isang pagnanasa sa mga panahong ito…”


“Na magustuhan, tama ba?”


“ Tama, ganun na nga, pero huwag ka sana maging malupit. Isipin mo rin ang aking situwasyon. 26 na ako at wala pa akong nakikilala. Papaano ako makikipag-usap nang maayos, hindi nagkakalat at hindi paliguyligoy? Mauunawaan mo rin kapag malaman mo na ang lahat tungkol sa akin…hindi ko kayang tumahimik kapag may gustong sabihin ang aking puso. Pero wag mo nang isipin yun…maniwla ka, wala ako ni isang babae, wala talaga.Wala akong kakilala. At wala akong ginagawa kundi ang mangarap araw araw na sana’y may matagpuan na ako. Naku kung alam mo lang, palagi akong na-iinlove sa ganung paraan…


“Paano? Kanino?...”


“At bakit. eh di sa wala, sa aking iniisip, sa babaeng napapanagimpan ko sa aking pagtulog. Sa ganoong paraan lang ako nagkakaroon ng mga pagsinta. Ah, di mo ako kilala! Totoo yun, siyempre may nakilala na akong 2 o tatlong babae,pero anong klase namang mga babae ang mga iyon? Puro mga kasera… Pero matatawa ka kung sabihin ko sa iyo na maraming beses ko ring naisip na makipag-usap sa kung sinong sosyal na babae sa kalasada, kapag siya’y nag-iisa, pero siyempre kakausapin siya ng may dalang hiya, paggalang, at damdamin; sasabihin ko sa kanya na nagdurusa ako dahil sa nag-iisa lamang ako at magmamakaawa ako sa kanya na wag niya akong ipagtabuyan; sasabihin kong wala akong pagkakataong makipag-usap sa babae; ipakikita ko sa kanya na obligasyon ng isang babaeng hindi tanggihan ang hiling ng isang mahiyain at walang swerteng lalaking tulad ko. Iyon lang ang aking hiling, na sabihan niya ako ng dalawa o tatlong salitang may simpatiya tulad ng isang kapatid na babae, at hindi niya ako ipagtabuyan sa una naming pagkikita; na magtiwala siya sa akin at makinig sa aking sasabihin; tawanan niya ako kung gusto niya, palakasin ang aking loob, dalawang salita lang ang hiling kong sabihin niya sa akin, dalawa lamang, kahit na hindi na kaming magkita muli! Pero natatawa ka; ganunpaman iyon ang gusto kong sabihin sa iyo…”


“Huwag kang mabahala; natatawa lamang ako dahil kalaban mo mismo ang iyong sarili, kung sinubukan mo eh di nagtagumpay ka sana, di umano, kahit na sa kalsada nangyari; mas simple mas mabuti…Walang mabuting babae, labas na kung bobo siya, o di kaya may pinagkaka-abalahan sa mga sandaling yun, ang hindi ka kakausap sa iyo kahit ng ilang salita lamang na may buong hiya mong hiniling sa kanya…Pero teka muna , ano nga ba ang pinagsasabi ko, siyempre iisipin niyang may sira ka. Yoon ay sa akin lamang; may alam din ako tungkol sa buhay ng mga tao.”


“Ah salamat,” Napa-iyak ako doon; “hindi mo lang alam kung anong nagawa mo sa akin ngayon!”


“Natutuwa ako! Natutuwa ako! Pero paano mo nalaman na ako nga yung tipo ng babae na sa tingin mo ay karapat dapat na pagtuunan…ng iyong pansin at pakikipag-kaibigan…at hindi isang kasera ‘kamo? Ano ang nag-udyok sa iyo na lapitan ako?


“Ano ang nag-udyok sa akin?..Nag-iisa ka; bastos yung lalaking iyon; gabi. Tanggapin na nating obligasyon ko ‘yun…”


“Hindi, hindi; ang tinutukoy ko ay yung bago pa noon, sa kabilang kalsada – nang gusto mo akong lapitan.”


“Sa kabila? Sa totoo lang hindi ko alam kung papaano kita sagutin; Takot ako na…alam mo bang napakasaya ko ngayong araw? Naglakad akong kumakanta; pumunta ako sa malayo; hindi pa ako nakaranas ng ganung masasayang mga sandal at ikaw… siguro naisip ko lang…sorry at binabalik-balikan ko yun; naisip ko kasing ika’y umiiyak, at hindi ko matiis na marinig kitang umiiyak..sumasakit ang puso ko…ah pambihira naman! siguradong di ako mapalagay dahil sa iyo? Walang masama kung makaramdam ako ng isang mala-kapatid na pagkahabag para sa iyo…sorry pero ang sabi ko ay pagkahabag.. at kanya nga sigurado akong hindi ka magagalit sa hindi inaasahang kong kusang paglapit sa iyo?...


“Tama na, ok na, wag na nating pag-usapan yun,” ang sabi ng dilag, nakayuko at hawak hawak ang aking kamay. “Kasalanan ko na inumpisahan ko ang topic na yun; pero masaya ako dahil hindi ako nagkamali sa iyo…Pero uuwi na ako. Paliko ako diyan sa kanto isang bloke mula dito…bye, salamat!..”


“Alam kong hindi mo gustong sabihin hindi na muli tayong magkikitaa? Alam kong hind ito ang huli nating pagkikita?


‘Alam mo” ang sabi ng dilag na tumatawa, “nung una ang gusto mo lamang ay dalawang salita, pero ngayon…Ganunpaman, wala akong sasabihin…siguro magkikita pa tayo…”


“Pupunta ako ako dito bukas,” ang sabi ko.” “Ah sorry, nagpupumilit na ako…”


“OO nga , wala kang pasensya…gusto mo ikaw ang masunod”


“Makinig ka muna!” Pinutol ko siya. “ Sorry kung may sasabihin akong ibang bagay sa iyo…eto na lang, hindi ko maiwasang hindi pumunta rito bukas, madalas akong nangangarap; kaunti lang ang masasabi kong bahagi ng tunay kong buhay at ang mga pagkakataong kagaya nang sa ngayon ay bihira lamang na mangyari, na hindi ko maaring hindi balik balikan ang mga ito sa aking panaginip. Mapapaginipan kita ngayong gabi, ngayong linggo, at sa buong taon, at ikatutuwa kong maaalala ang araw na ito. Malapit na sa aking puso ang lugar na ito simula ngayon. May dalawa o tatlong lugar dito sa Mayon St. na iniyakan ko na dahil sa mga alaala…gaya mo… sinong may alam.Umiiyak ka kanina dahil sa isang alaala…Pero patawad nakalimot na naman ako , marahil may masasayang mga alaala ka rin dito.”


“Mabuti naman,” ang sabi ng dilag, “marahil pumunta rin ako dito bukas mga bandang alas diyes. Alam kong hindi kita pwedeng pigilan…Ang totoo, kailangan kong pumuta dito; wag mong isipin na makikipagkita ako sa iyo; bago ang lahat sasabihin ko na sa iyo na kailangan akong pumunta dito.Pero …sasabihin ko sa iyo na ok lang sa akin kung pumunta ka rin. Unang una, maaring may mangyari na naman tulad nang kanina, pero wag mo nang isipin yun…sa madaling sabi, gusto kitang makita..at mabahaginan ka ng dalawang salita. Kanya lang, huwag ka sanang mag-isip ng masama tungkol sa akin ngayon! Wag mong isipin na madali akong klase na babae…hindi ko sana dapat ginawa yun kanya lang… gawin na lang muna nating sekreto yun! Magkasundo tayo bago ang lahat…”


“Isang kasunduan! Sabihin mo, bago ang lahat; papayag ako sa kahit anong bagay. Handa ako sa kahit ano” masaya akong napasigaw. “Sagot ko ang aking sarili, magiging masunurin ako, magalang…kilala mo ako…”


“Dahil nga sa kilala kita niyaya kitang pumunta bukas,” ang patawang sabi ng babae, “Kilalang kilala kita. Pero tandaan mong pupunta ka dito nang may kondisyon, unang una (magpakabait ka, gawin mo ang aking ipinagagawa, pranka ako kung magsalita) hindi ka pwedeng ma-inlove sa akin…impossible iyon, sinisigurado ko sa iyo. Handa ako sa isang pakikipagkaibigan; eto at tanggapin mo ang aking kamay…Pero hindi ka dapat ma-inlove sa akin, please lang.”


“Tahan na, huwag ka nang mangako, alam kong maari ka nang sumabog na parang kwitis. Huwag mong bigyan ng masamang kahuugan ang mga sinabi ko. Kung alam mo lang …ako rin ay walang maka kwentuhan , walang mapagkunan ng payo. Siyempre hindi ako maghahanap ng tagapayo ko sa kalsada; pero iba ka. Kilala kita at parang magkaibigan na tayo nang 20 taon…hindi mo ako lolokohin, diba?


“Malalaman mo rin yun…kanya lang hindi ko alam kung papaano ako mag susurvive sa susunod na 24 oras.”


“Matulog ka nang mahimbing. Gud nite, at alalahanin mong may tiwala na ako sa iyo. Pero kani-kanina pa lamang sinabi mong, “siguradong hindi dapat sisihin ang isa sa kanyang nararamdaman, kahit na simpatiyang tulad ng sa isang kapatid! Alam mo bang ang ganda ng pagkakasabi mong iyon, at agad akong tinamaan na maari na akong magkwento sa iyo.?”


“Diyos ko ikwento mo; pero tungkol saan kamo?Ano ba iyon? ”


“Maghintay ka nalang hanggang bukas. Sa ngayon, sekreto muna. Mas makabubuti para sa iyo; makakatikim ka ng kaunting romance. Siguro sasabihin ko na bukas , siguro hindi pa. May ikukwento pa ako sa iyo ng kaunti; kailangan magkakilala muna tayo.


“Oo nga, at sasabihin ko na ang lahat tungkol sa akin bukas! Pero ano nga bang nangyari? Tila baga nagkaroon ng isang milagro…Lord nasaan ako? Halika, at sabihin mong masaya ka nang hindi ka nagalit at hindi mo ako pinagtabuyan noong mga unang sandali nang nagkita tayo na maari sanang ginawa kung ibang babae pa iyon? Pinaligaya mo ako nang habang buhay sa loob ng dalawang minuto. Oo maligaya ako; ngunit anong malay natin, marahil, pinagbati mo ang aking sarili sa akin sarili, nawala ang aking mga pagdududa! Marahil dala rin ng mga sandali ang mga ito. Pero sasabihin ko ang lahat bukas, malalaman mo ang lahat.


“Sige pumapayag na ako; ikaw ang magsimula…”


“Sang ayon ako diyan.”


“Bye, hanggang bukas!”


“Hanggang bukas!”


“At naghiwalay kami ng landas. Naglakad ako buong gabi; hindi ko maisip na umuwi. Tuwnag tuwa ako… bukas!”


( Itutuloy ang maikling kwentong ito )



It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.