Mga Kwentong Aesop-Classic stories by great authors

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Ang kahulugan ng salitang Fable sa Filipino ay pabula o istoryang hindi totoo. Ngunit kung ang pag uusapan natin ay ang mga pabula o Fables ni Aesop, hindi natin basta bastang masasabing walang katuturan ang mga kwentong ito.


Ipinapalagay na nabuhay si Aesop noong taong 620 - 564 BC sa bansang Greece. Bagamat maraming mga kwento ang sinasabing nagmula sa kanya, wala ni isa man sa kanyang mga naisulat ang makikita sa kasalukuyang panahon. Ang mga kwentong ito ni Aesop na kinabibilangan ng mga hayop sa halip na tao kung minsan ay napanatiling buhay sa pamamagitan ng pag kukwento, at hindi ng pagsusulat, ng mga tao sa paglipas ng panahon.


Iba’t ibang tao at mula sa kung saan saang lugar ang pinagmumulan ng buhay ni Aesop. Nabanggit siya sa mga sinulat ng pilisopong tulad ni Aristotle, ng historian na si Herodutus at ng manunulat na si Plutarch. Ipinakikita lamang na umiral ang taong ito sa mundong ibabaw at binigyang buhay ang larangan ng literatura, hindi lamang ng mga Griyego kundi ng iba’t iba pang mga kultura.


Ang Leon at Ang Daga

Minsang naglaro ang daga malapit sa Leong natutulog. Nagising ang leon at inilapat ang kanyang malaking paa sa daga upang kainin ito. Nang malapit na siyang lamunin , iwinika ng daga: “ Mahal na Hari, patawarin niyo po ako ngayon at hindi ko po kayo malilimutan. Anong malay natin, isang araw ay masusuklian ko rin ang inyong kabutihang loob.” Kinilig ang Leon sa mga sinabi ng daga na maari siyang tulungan nito. “ Ok ,” ang sabi ng Leon, “ malaya ka na.” Isang araw nahuli ang Leon sa isang patibong at itinali siyang pansamantala sa isang punong kahoy ng mga nakahuli sa kanya habang naghihintay ng masasakyan ang mga ito. Nagkataong nakita ng Daga ang Leon at naawa sa kapalarang kanyang sinapit. Lumapit ang Daga sa kinaroroonan ng Leon at unti unting nginatngat ang lubid na bumihag sa tinaguriang Hari ng mga Hayop. “ O di ba tama ako ?” ang sabi ng Daga sa Leon.


Pinatutnayan lamang na ang mga maliliit ay maariing maging mga dakilang kaibigan.



Ang Hangin at ang Araw

Pinagtatalunan ng Hangin at ng Araw kung sino sa kanilang dalawa ang mas malakas nang bigla silang nakakita ng taong naglalakbay sa daan. Ang wika ng Araw: “ Alam ko na kung paano natin tatapusin ang ating pagtatalo. Kung sinuman sa ating dalawa ang makapagpapatanggal sa jacket ng manlalakbay , siya ang mas malakas. Simulan mo Hangin.” Kumubli muna ang Araw sa ulap at nagsimula nang bumuga nang malakas ang Hangin sa manlalakbay. Ngunit kung gaano kalakas ang pagbuga ng Hangin ganoon din naman kahigpit ang pagkapit ng tao sa kanyang jacket. Hindi nagtagal at sumuko rin ang Hangin. Lumabas ang Araw sa likod ng pinagkublihan niyang ulap. Todo-todong pinasikatan ng Araw ang tao hanggang sa hindi na nito makayanan ang init at tuluyan nang alisin ang suot niyang jacket.


Mas mabisa ang kagandahang loob kaysa kalupitan.



Ang Bigkis ng Kahoy

Nang malapit na siyang pumanaw ipinatawag ng isang Ama ang kanyang mga anak na lalaki upang ibigay ang kanyang huling habilin at payo. Inutusan niya ang mga katulong na dalhin ang isang bigkis ng kahoy sa loob ng silid na kinaroroonan nilang mag-aama. “ Baliin mo ang bigkis ng kahoy,” ang utos niya sa isang anak. Ngunit kahit anong gawin ng anak, hindi niya mabali ang bigkis. Sinubukan ding baliin ito ng isa pang anak ngunit walang nangyari. “Tanggalin sa pagkakabigkis ang mga kahoy,” ang sunod na iniutos ng Ama… “ at baliin ninyo ang bawat kahoy.” Sa pagkakataong iyon madaling nabali ng mga anak ang mga kahoy. “ Nakita niyo na ang ibig kong sabihin?” ang wika ng kanilang Ama.


May katatagan kung may pagkakaisa.




Ang Agila at ang Pana

Matayog ang lipad sa himpapawid ng Agila nang bigla siyang tamaan ng sibat ng pana. Malubha ang kanyang tama at tuluyan siyang bumagsak sa lupa na duguan. Nang tingnan niya ang sibat ng pana na tumama sa kanya napansin niyang mula sa balahibo ng kanyang pakpak ang isang bahagi nito. “Tingnan mo nga naman” ang buntong hininga ng Agila sa kanyang mga huling sandali.


Madalas sa atin nagmumula ang pagkakataong sirain tayo ng ating mga kalaban.



References:


Photo courtesy of the following:


1. Aesop: https://lh6.googleusercontent.com/6uTk10b1_-WdSuMbpfDrU3qWQdlqgz-QMB3O03t9XlBDXn4qciNz-H5lUNhrjefEtEyDw_86oRlla7izjid0TfixTJg5dxc-F6KRo9tM_5IBbklRV-4P9Tl1


2. Lion and Mouse:


https://lh5.googleusercontent.com/Hy7Om86t3jt6BCPhF5uBCjp--X4Qa6Z7OBOufAI67kaRx_onor4bT1y0dAEarv7EmdsK_rHxeQ-hKucC7BugL8O0xj5yOp4Ztg1KLbXG3Hy1iUNMPI_W577J

3. Wind and sun: https://lh4.googleusercontent.com/6qh5Tgpj3WZdYS2x-ralWyw6BqO901jBtRo7yucslZARLbPHRXIAIIKujKXVhw1Zf6__DmWsjYp_dfY8tFkmuZicYq-c1cZi3NMyn3Qx0dxLqQ62tPdgj


4. Eagle and Arrow:


http://t0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSDKYX7XWzQOxMe6EHvsDArF81AZHZI78ogbCgWMuqPNUrB-19O

5. Bundle of sticks: https://lh4.googleusercontent.com/IDBjYz0zebb0aLA-C7AGO9-l5gcDCHTRZa7R6IST1Ut-NRGysqXkSEi-8ovLmz4Ys8ujEsw5-1-k0OCLkUbCrbZL_SdDkLOh_BsP5vSy8wiskhIP_V2m7z8d


It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.