SINO SI HENERAL EMILIO AGUINALDO? TALAMBUHAY ng UNANG PRESIDENTE NG PILIPINAS, First Philippine President, Inang bayan

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Noong 2012, humakot ng parangal ang biopic film na pinamagatang El Presidente tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo, ang unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ngunit bukod sa pagigng pangulo, maraming katangian si Emilio Aguinaldo. Isa rin siyang bayani, heneral, politico, ama, atbp. at nabuhay sa ilalim ng iba’t ibang rehimen at panahon ng ating kasaysayan bilang mga Pilipino. Mahalaga ang papel na kanyang ginampanan noong rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya at ang sumunod na Philippine – American War.

1869
Isinilang si Emilio Aguinaldi y Famy noong ika 23 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo, ( kasalukuyang Kawit) walong taon ang lumipas matapos isilang si Rizal. Mistisohing intsik ang mga magulang ni Emilio, na may 8 anak, at ang ika 7 ay si Emilio. May kaya ang pamilya Aguinaldo. Sa katunayan nahirang na Gobernadorcillo ang Ama ni Emilio na si Carlos sa kanilang komunidad. Naging Cabeza de Baangay naman si Emilio noong siya’y 17 taong gulang lamang. At noong 1895 sa edad na 25 naging Kapitan Municipal si Emilio ng Cavite Viejo.

Dalawa ang naging asawa ni Emilio: si Hilaria del Rosario (1877 -1921) na nagbigay sa kanya ng limang mga anak; ang pangalawang asawa niya ay si Maria Agoncillo na kanyang pinakasalan sa Simbahan ng Barasoain noong 1930, maraming taon na ang lumipas simula nang magsimula ang rebolusyong pumutok noong mga huling taon bago mag 1900, na siya namang simula ng pag- iral ng panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas.

1894
Unang nagtagpo ang landas nina Aguinaldo at Bonifacio noong 1894 nang sumali si Emilio sa Katipunan, ang sekretong organisasyong pinamunuan ni Bonifacio na naglalayong patalsikin ang mga kastila sa pamamagitan ng armadong pagkilos. Bilang Katipunero, ginamit ni Aguinaldo ang alyas na Magdalo.

1896
Di naglaon, natuklasan ng mga Kastila ang Katipunan. Sinimulan ni Bonifacio ang unang putok ng rebolusyon noong Agosto ng taong 1896 sa San Juan Del Monte sa Maynila. Hindi pa nagsanib pwersa sina Aguinaldo at Bonifacio at talo si Andres sa mga unang laban niya sa Kastila. Tagumpay naman ang pwersa ni Aguinaldo sa Cavite at pansamantalang napaalis ang mga dayuhan sa kanilang lugar.

1897
Nagkaroon ng alitan ang pangkat ni Aguinaldo at Bonifacio nang panghihimasukan na ni Bonifacio ang mga kaganapan sa Cavite. Noong mga panahong iyon, binalak magtayo ng mga tinagurinag rebelde sa Cavite ng isang pamahalaang rebolusyonaryo bukod sa Katipunan. Dahil sa takbo ng mga pangyayaring ito, nagpasiya si Bonifacio na pangunahan ang isang convention sa Cavite noong Marso ng taong 1897. Pagkatapos ng halalan , naiproklama ang Unang Republika ng Pilipinas na pinamunuan ni Presidente Aguinaldo. Naging Director of the Interior naman si Bonifacio na mariing tinuligsa ni Daniel Tironang kumuwestyon sa kwalipikasyon ni Bonifacio para sa naturang posisyon. Dito nagalit si Bonifacio. Ayon sa kanya, siya ang pasimuno ng pagtitipong iyon at bilang Pangulo ng Katipunan idinedeklara niya na walang bisa ang lahat ng naganap sa kumbensyong iyon.

Hindi tinangkilik ni Bonifacio ang pamahalaang rebolusyonaryo ni Aguinaldo. Tinangka niyang ibalik ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng pag-akusa sa grupo ni Aguinaldo sa salang pagtataksil at sa pagpapalabas ng mga utos ng hindi pagsunod sa mga order ni Aguinaldo. Dahil dito minarapat ni Aguinaldo na litisin si Bonifacio at ang kanyang kapatid. Matapos ang isang mock trial naparatangan sa salang pagtatraydor o treason si Bonifacio. Nagdalawang isip si Aguinaldong ipapatay si Bonfacio ngunit na kumbinsi rin siya nina HeneraL Noriel atbpang opisyal ng pamahalaan. Binaril si Bonifacio sa bulubundukin ng Maragondon Cavite noong Mayo ng taong 1897.

Noong araw na pinaslang si Bonifacio, lumusob ang mga Kastila na siyang naging dahilan ng pag atras ng pwersa ni Aguinaldo hanggang sa Biak na Bato, Bulacan. Doon itinatag ni Emilio ang kanyang permanenteng headquarters. Sa pagsapit ng Hunyo, napagpasiya si Aguinaldong magkaroon ng pamahalaang republika na may batayang saligang batas kahalintulad ng sa Cuba. Muling nahirang si Aguinaldo bilang pangulo.

Tinangkang ayusin ng mga Kastila sa pamumuno ng Gobernador Heneral Fernando Promo de Rivera ang hidwaang Kastila at rebolusyonaryong Pilipino sa buwan ng Marso 1897. At simula Agosto hanggang Disyembre, namagitan ang abogadong si Pedro Paterno. Noong ika 14 at 15 ng Disyembre, pumayag si Aguinaldo na itigil na ang labanan sa halagang $800,000 na perang mexicano bilang bayad sa mga pinsalang dulot ng digmaan. Nagtungo sina Aguinaldo at iba pang mga opisyal sa Hong Kong upang kunin ang unang kalahating bahagi ng bayad. Sa Hong Kong muling tinipon ni Aguinaldo ang kanyang pamahalaang rebolusyonaryo at tinawag itong Kataas taasang Konseho ng Bayan.

1898
Noong Abril ng 1898 sumiklab ang Digmaang Espanya – Amerika. Ang pamosong Battle of Manila Bay ay nangyari noong buwan ng Mayo. Tinalo ni Commodore George Dewey ang mga Kastila . Nakabalik si Aguinaldo mula Hong Kong lulan ng isa sa mga barko ng Amerikano. At sa pagbalik muling pinamunuaan niya ang pwersang rebolusyonaryo na siyang pumaligid sa Maynila.

Noong mga buwan ng Mayo patungong Hunyo, dumaan sa pagka diktadoryal na pamahalaan hanggang sa muling rebolusyonaryo ang pamahalaan ni Aguinaldo na naging diktador at muling naging pangulo.

Itinatag ng mga Amerikano ang pamahalaang military sa Pilipinas noong Agosto an pinamunuan ni Major General Wesley Merritt na siyang kauna-unahang Military governor na Amerikano.

1899
Isang gabi sa buwan ng Pebrero nabaril ng isang Amerikano ang isang Pilipino na naging dahilan upang magsimula ang Phil- Am War. Nagsimula ang labanan sa Maynila kung saan naging matagumpay ang mga Amerikano dahil sa lakas ng mga sandata ng mga ito. Napilitang umatras si Aguinaldo patungong hilagang Luzon.

1901
Buwan nang Marso nang mahuli si Aguinlado sa headquarters niya sa Isabela. Nanumpa ang Heneral sa bansang Amerika noong Abril na siyang pagtatapos sa Unang Republika at pagkilala sa pagsakop ng Estados Unidos sa Polipnas.

1935
Noong panahon ng Amerikano, sinuportahahn ni Aguinaldo ang iba’t ibang mga grupong naglalayon na makamtan ang kasarinlan. Tumulong din siya sa mga beterano upang makamtan ang kanilang pensyon at makabili ng hulugang lupain mula sa pamahalaan. Itinatag niya ang Asociacion de los Veteranos o Association of Veterans of the Revolution. Maraming taon ding nawala sa serbisyo publiko si Aguinado. Tumakbo siya sa pagka pangulo noong 1935 ngunit natalo laban kay ML Quezon.

1942
Noong panahon ng Hapon, kinampihan niya ang mga hapon tulad ng ginawa ni Heneral A Ricarte na di kailanman sumumpa sa mga Amerikano. Dahil dito inaresto si Aguinaldo pagbalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ngunit pinakwalan din sa bisa ng isang presidential amnesty. 77 na ang edad ni Aguinaldo nang kinilala ng Amerika ang kasarinlan ng Pilipinas sa Treaty of Manila.

1950
Nakapagsilbi pa si Aguinaldo noong 1950 sa pamahalaang Quirino bilang miyembro ng Council of State. Tuluyan na siyang nagretiro pagkatapos noon at ibinuhos na lang ang kanyang oras sa mga beteranong sundalo.

1953
Ginawaran siya ng parangal ng UP noong 1953 ng Doctor of Laws, Honoris Causa.

1962
Inabutan pa Emilio Aguinaldo ang pamahalaang Macapagal noong 1962 nang ilipat ng Pangulo ang pagdiriwang ng Independence Day mula July 4 sa June 12 , na siyang araw noong ideklara niya ang ating kasarinlan noong 1898, may 64 taon na ang nakalipas. Pinilit ni Aguinaldong lisanin ang pagkakalatay niya sa kama ng karamdaman upang makasali sa pagdiriwang ng araw independensya.

1964
Pumanaw si Aguinaldo sa edad na 94 noong ika 6 ng Pebrero taong 1964 sa isang ospital sa Quezon City. Bago siya mamatay, ibinagay niya ang kanyang mga lupain at mansion sa pamahalaan.

Sa pelikulang El Presidente may matandang babaeng nagsabing magkakaroon si Aguinaldo ng tatlong babae sa kanyang buhay. Dalawa rito ay makikita niya. At iyon ang kanyang mga naging asawa. Ngunit ang isa raw ay hindi niya kailanman makikita. Sa araw ng kanyang pagkamatay nagisnan ni Aguinaldo na ang ikatlong babae sa kayang buhay ay walang iba kundi ang Inang Bayan. Ang babaeng minahal niya simula’t sapol hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kanyang buhay.

Mahalagang malaman ng mga kapatid nating Overseas Filipino Workers ang kulturang Pilipino upang magisnan kung saan tayo nanggaling at nang ma enhance ang ating self awareness at self acceptance. Kahit saan man tayo sa mundo ngayon, bilang OFW o immigrant, ang ating pagka-Filipino ang nagpapa bukod tangi sa atin at nagbibigay kahulugan sa buhay.

References:
Photo courtesy of:
http://64.19.142.10/upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/6/6f/Aguinaldo.jpg/220px-Aguinaldo.jpg


It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.

History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

4 person likes this

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.