Si Josephine Bracken sa Buhay ni Jose Rizal-Lovelife and interest of Rizal

Augustus Caesar  Guarin
is a OFW group representative in the Philippines

Isinalin mula sa orihenal na akda ni MA Bernad, SJ - Rizal and the Jesuits in Dapitan 1892-1896 *


Noong mga unang buwan ng 1895, (matapos ang ika 15 ng Enero), dumating sa Dapitan ang isang edarang lalaki tangan ang isang letter of recommendation mula sa kaibigan ni Rizal na si Julio L Lorente. Bracken ang pangalan ng lalaking ito. Nagmula pa siya sa Hongkong at sinasabing isang Amerikano. Bulag siya o halos nabulag na at naroon upang ipagamot ang kanyang mata. Kasama niya ang ampong anak na babae na si Josephine Leopoldine Tauffer ( kilala rin bilang Josephine Bracken). Tinanggap bilang mga bisita sa pamamahay ni Rizal sina Bracken at Josephine na kinaroroonan din ng kapatid na babae ni Rizal at ng dalawa nitong mga anak. Nabanggit ito ni Rizal sa isang sulat niya kay Blumentritt: “Bumalik na ng Maynila ang may edad kong Ina kasama ang kapatid kong si Trining dahil sa utos ng aking ama. Pero narito pa ngayon ang isa ko pang kapatid na babae at ang dalawa niyang mga anak. Naririto rin ang bulag na Amerikano and kanyang anak na babae. Nagmula pa siya sa Hongkong upang magpagamot na sa tingin ko’y wala nang lunas.”


Isinulat ang liham na iyon noong ika 13 ng Marso taong 1895. Kinabukasan, ika 14 ng Marso sumulat si Rizal sa kanyang ina sa Maynila: “Si Bb. Josephine Leopoldine Tauffer na siyang may tangan ng liham na ito, ay muntik ko na sanang pakasalan, at iyon ay kung may pahintulut din ninyo. Ngunit naputol na ang aming relasyon alinsunod na rin sa kanyang kagustuhan bunsod ng napakaraming sagabal sa aming pagsasama.” Samakatuwid paalis na si Josepihine sa Dapitan at hiniling ni Rizal na patirahin ang babae sa kanilang bahay sa Maynila.


Anong nangyari? Sa Dapitan, may dokumentong pormal na hinihiling ni Rizal sa Obispo ng Cebu na si Padre Martin Garcia Alocer, na bigyan siya ng tinatawag na dispensation, at pahintulutan siyang pakasalan si Josephine. Inilarawan niya sa dokumentong iyon si Josephine bilang isang 18 taong gulang, isang Amerikanong rehistrado sa konsulado ng Estados Unidos , isang ampon, at Katoliko Romano.


May ilang manunulat na nagtataka kung bakit kailangan pa ng dispensation ni Rizal. Hinihiling sa dokumento ang dispensasyon ngunit walang nabanggit tungkol sa maaring balakid sa kanilang pagpapakasal, maliban na lamang sa nabanggit na pagsasaad ni Padre Antonio Obach SJ, ang pinuno ng distrito, na hindi sila maaaring makasal hanggat walang pahintulot ng obispo.


Ngunit malinaw ang dahilan. BIlang mason, na excommunicate si Rizal at automatikong nawalan ng access sa mga sakramento. At para sa mga Katoliko, ang kasal ay isang sakramento.


Napadala ba sa Cebu ang pormal na petitsyon noong Ika 6 ng Marso taong 1893? Ipinagwawalang bahala lamang ito ng ilang manunulat, ngunit sa aming opinion hindi ito naipadala sa Cebu. May dalawang dahilan para dito: Una, nakita ang dokumento sa Dapitan; kung naipadala ito sa Cebu, naitago sana ito sa episcopal archives doon ( at malamang nasunog nang bombahin ang palasyo ng Obispo noong panahon ng digmaan sa taong 1945). Pangalawa, noong ika 14 ng Marso, makalipas ang walong araw, hindi na itinuloy ni Josephine ang nakatakdang kasalan at may balak na siyang lisanin ang Dapitan. Samakatuwid, ang petisyon, na ginawa noong ika 6 ng Marso ay malamang hindi na naipadala sa Obispo ng Cebu.


Hanggang sa puntong ito, wala pa namang di kanais-nais na ikinikilos ang dalawa. Na in-love sila sa isa’t isa; malaya silang magpakasal; nagpasiyang magpakasal; lumapit sila sa kura paroko; nang tanggihan silang ikasal ng pari, pormal silang sumulat ng apila. Maayos pa ang takbo ng lahat. Hindi lang sila sinuwerte dahil hindi maaring pahintuutan ng simbahan ang kasal sang-ayon sa mga mga batas nito. Ganunpaman, tulad ng sinsabi ng mga abogado, Sed lex, dura lex.


Ang sumunod na mga pangyayari ay hindi maituturing tama sa pangkalahatang anyo nito. Noong Abril ng taong 1895, sumulat si Rizal sa kanyang kapatid na si Trining at sinabing nagpasiya si Josephine na manatiling “pansamantala” sa Dapitan. Noong ika 6 ng Hunyo, sumulat muli kay Trining si Rizal at sinabing, “ Paalis na sana si Bb Bracken ngunit may nangyari at sa susunod na lamang muli siya aalis.” Noong ika 4 ng Hulyo, sumulat si Rizal sa kanyang ina at sinabing, sa wakas aalis na si Josephine.


Mainan na bigyang pansin ang huling sulat na ito ni Rizal dahil makikita at maaninagan dito ang lungkot na kanyang sinapit sa Dapitan. Kahit na may trabaho siya at ilang mga pinagkaka-abalahan, napalungkot pa rin niya. Mas mainam din kung ipakita natin sa orihenal na wikang kastila ang kanyang liham:


“La Srta. Bracken que aqui ha estado portandose conmigo mejor de lo que yo me esperaba, se marcha ya ahora, y aunque me dice que va a volver, no reo que se decida despues, pues esto es muy triste y aqui se carece de todo. Estare aqui solo, enteramente solo, mi compania seran mis enformos y los chicos.“


“ Tuluyan nang aalis si Bb Bracken na aking kasama rito na naging mabuti na ang pakikitungo sa akin nang labis pa sa aking inaasahan. Bagamat sinasabi niyang siya’y muling babalik, para sa akin hindi ‘yun ang mangyayari: malungkot dito at kulang sa pasilidad. Ngayon, nag-iisa na lamang ako, ako na lamang ang naririto. Makakasama ko na lang ang mga may sakit kong pasyente at ang mga bata ( ang aking mga mag-aaral).”


Tao rin si Rizal at naghahangad sa tinatawag na human companionship na nakita niya sa isang amerikana. Ipinakita niya kung gaano niya ka mahal si Bracken sa iba’t ibang sulat niya sa pamilya ng babae at ang pagtukoy niya rito bilang “ dulce extranjera” sa Ultimo Adios. Ngunit hindi nga lamang niya maaring pakasalan dahil ipinagbabawal ito ng kanilang relihiyon. Marahil ito ang isa mga mabigat na mga pangyayari sa trahedyang sinapit ni Rizal.


Bandang huli, opisyal din silang ikinasal. Ngunit hindi sila nabigyan ng pagkakataong mamuhay na kasama nila ang isa’t isa. Idinaos ang kasal isang umaga noong ika 30 ng Disyembe sa Fort Santiago taong 1896, ilang sandali bago siya tuluyang ilabas ng kuta at barilin. Si Padre Vicente ang nagkasal, isa sa mga kaibigang Heswita ni Rizal. Sinaksihan ang kasal ng mga opisyal ng sandatahang militar ng mga kastila.


References:


*Rizal and the Jesuits in Dapitan 1892- 1896 by Miguel A. Bernad SJ Kinaadman Vol VIII 1986


Photo courtesy of : Wikipedia


It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

About the author

Augustus Caesar Guarin

A teacher in the public school with an MA in school mgt. A writer for various inspirational, religious blogs online and in print.
Profession: Teacher/Writer
Blogger OFW
Office Address: Dep Ed
Philippines , Misamis Oriental , Cagayan de Oro
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.