SINO SI ANDRES BONIFACIO? TALAMBUHAY NG AMA NG REBOLUSYON-Father of Philippine revolution

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Dakilang Supremo ng Katipunan: Talambuhay ni Andres Bonifacio


Si Andres Bonifacio ay isa sa mga kilalang bayani ng bansang Pilipinas. Tinagurian siyang “Ama ng Rebolusyong Pilipino”. Itinatag niya ang samahang Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan (KKK) noong 1892 na mas kilala sa tawag na Katipunan. Ang samahang ito ay naglalayong patalsikin ang pananakop ng mga dayuhang Espanyol sa bansang Pilipinas. Ayun sa ibang mananalaysay si Bonifacio ang unang pangulo ng Pilipinas ngunit ito ay hindi nabigyan ng opisyal na pagkilala.


1863


Siya ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Manila. Panganay sa anim na magkakapatid, si Andres ay may kapatid na tatlong lalaki at dalawang babae. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.

Natuto ng alpabeto si Andres Bonifacio mula sa kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina. Una siyang nag-aral pribadong paaralan ng isa sa Guillermo Osmena kung saan natuto siya ng Latin at Matematika. Ang maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang ang naging sanhi upang maputol ang kanyang pag-aaral sa edad na labing-apat. Kinailangan niyang maghanapbuhay para sa kanyang mga kapatid. Siya ay gumawa ng pantungkod at pamaypay na papel upang ibenta. Ito ang kanilang naging hanapbuhay bago pa man makapagtrabo sa pribado at gobyernong tanggapan silang magkakapatid.

Hindi man siya nakapagtapos ng pag-aaral sinikap ni Andres Bonifacio paghusayin ang kanyang kaalaman. Binasa niya ang mga aklat ng French Revolution, Presidents of the United States, Kodigong Penal ng Pilipinas at Kodigong Sibil, mga nobela tulad ng Les Misérables ni Victor Hugo, Le Juif errant ni Eugène Sue and Noli Me Tángere and El Filibusterismo ni Jose Rizal. Maliban sa Tagalog at Espanyol, nakakapagsalita at nakakaunawa rin siya ng kaunting English.


Naging theater actor din si Bonifacio at ang paborito niyang character ay si Bernardo Carpio, ang isang katakatang o malaalamat na tao na may pambihirang lakas.




1892


Dalawang beses na nakapag-asawa si Andres Bonifacio: una, sa isang nagngangalang Monica na kanyang kapitbahay sa Tondo. Hindi nagtagal ang kanilang pagsasama ng mamatay sa sakit na leproso ang kanyang asawa. Walang naitalang anak sila. Noong 1892, nakilala niya si Gregoria de Jesús, na sa mga susunod na taon ay mababansagang Lakambini ng Katipunan at Ina ng Himagsikan.

Noong Hulyo 7, 1892, itinatag ni Bonifacio ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Ang samahang ito na naglalayong magkamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ginamit niya ng pangalan na May Pag-asa sa loob ng samahan.


1893


Ikinasal siya kay Gregoria de Jesús noong Marso 1893 o 1894. Nagkaroon sila ng isang anak noong 1896 na pinangalanang Andrés ngunit namatay habang sanggol pa ito.


1896


Ang pagkakalimbag ng Kalayaan noong Marso 1896 ang naging daan upang dumami ang miyembro ng samahan. Mula sa tatlong daan, umabot sa 30,000 hanggaang 40,000 kasapi mula Luzon, Visayas ay Mindanao sa buwan ng Agosto 1896.

Nabunyag sa kaalaman ng mga Espanyol ang organisasyong KKK noong 1896. Dahil dito hinuli at ikunulong ang daan-daang suspek na kasapi nito sa salang pagtatraydor, sila man ay inosente o may sala.

Ang “Sigaw ng Pugad Lawin” o ang pagpunit ng mga sedula ang naging hudyat ng simula ng pag-aalsa laban sa mga Espanyol. Ito ay pagdeklara ng rebolusyon ng Pilipinas laban sa bansang Espanya.

Ang naganap na laban noong Agosto 30, 1896 sa San Juan del Monte ay isang malaking banta sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Umuwi mang maraming sugatan, naipakita nila ang lakas at tapang sa gitna ng laban.


1897


Nagkaroon ng dalawang grupo ang samahang ito: Magdalo at Magdiwang. Lumago ang hidwaan sa pagitan ni Bonifacio at mga lider ng Magdiwang.


Nagpulong sila noong Marso 22, 1897 sa Tejeros, Cavite upang pag-usapan ang kapayapaan sa kanilang pagitan. Nagkaroon ng halalan upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Nahalal na pangulo si Aginaldo, pangalawang-pangulo si Mariano Trias at Taga-Liham si Bonifacio. Dahil sa hindi matanggap ni Bonifacio ang nangyari, pinawalang-bisa niya ang naganap na halalan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan na may pinakamataas na katungkulan sa Katipunan.


Ngunit kinabukasan ng halalan ay nanumpa si Aginaldo bilang pangulo ng Pilipinas sa harap ng paring nagngangalang Cenon Villafranca. Ninais ni Aginaldo na makipagkasundo at makiisa na lamang sa kanya Bonifacio ngunit tumanggi ito.


Habang nasa Indang, Cavite si Bonifacio, inatake ang kanyang kampo ng Magdiwang sa pangunguna ni Agapito Bonzón and José Ignacio Paua. Iniutos ni Bonifacio sa kanyang mga tauhan na huwag lumaban. Siya ay inaresto sa salang paghihimagsik at pagtataksil laban sa pamahalaang Aginaldo. Nilitis siya sa Naic, Cavite at napatunayang nagkasala. Si Bonifacio kasama ng kanyang mga kapatid na lalaki ay binitay noong Mayo 10, 1897 sa kabundukan ng Maragondon.


Puno man ng paghihimagsik ang ating makita sa buhay ni Andres Bonifacio ngunit ang kanyang layunin ay maging malaya lamang. Hindi para sa sariling kapakanan kung hindi para sa kanyang bayang sinilangan. Hindi man niya nasaksihan ang paglaya ng bansang Pilipinas ngunit dahil sa kanyang pagsisimula may naganap na pagbabago. Ang katapangan na kanyang ipinamalas ay sagisag ng isang pagiging tunay na Pilipino.


Pinaparangal natin ngayon si Andres Bonifacio sa paglagay sa kanya sa sampung piso (kasama si Apolinario Mabini). Binuwis niya ang kanyang buhay para sa kalayaan ng Piipinas. Mabuhay ka Andres!


It has been said that history repeats
itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past
human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of
himself as an individual. Learning about the events of the past give us
an understanding of how the world came to be, not only in your world but around
the world including all cultures of people as well as nature. Studying history
will teach you how to understand and overcome change. Thus, history
should be studied for several reasons. First, history helps us to
understand other cultures. With this knowledge of history you can be able
to analyse other cultures. Another reason to study history is because it
helps us to understand change. Change comes every day and without history,
people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an
understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also,
history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to
know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for
economic downturns. So history does matter. It has been said that he who
controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we
view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing
problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us
a chance to learn about who we came from. The people of the past are
those who came before us, and it is interesting to see how some of the
thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from
those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our
understanding of current problems.


About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.