SINO SI ANTONIO LUNA? TALAMBUHAY NG ‘KAISA-ISANG HENERAL NG PILIPINAS’

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Malamang napanood mo na sa pelikula kung paano namatay ang mabagsik na si Heneral Luna. Sino ba naman ang makakalimot sa mapait na sinapit ng sinasabing “the only general that the Filipinos ever had”? Namatay siya sa kamay mismo ng kanyang kapwa Pilipino. Mahigpit, istrikto, mabangis – yan ang unang sumasagi sa isip sa tuwing naririnig ang kanyang pangalan. Subalit higit pa rito, sino nga ba sa Antonio Novicio Luna?

SINO SI ANTONIO LUNA TALAMBUHAY NG ‘KAISAISANG HENERAL NG PILIPINAS’

Mga Kawili-Wiling Bagay Tungkol sa Heneral

· Siya ay ipinanganak sa Maynila noong Oktubre 29, 1866.

· Siya ang bunso sa pitong magkakapatid. Ang kuya niyang si Juan Luna ang henyong nagpinta ng Spoliarium. Si Jose ay isang doktor habang si Joaquin ay nakasama ni Antonio Luna sa digmaang Pilipinas-Amerika. Ang iba pa niyang kapatid ay sina Numeriana, Manuel at Remedios.

· Sa kabila ng galing niya bilang heneral, siya ay ay isang likas na alagad ng agham. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Ateneo Municipal de Manila. Nag-aral siya ng literatura at chemistry sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan nanalo ang kanyang thesis sa isang patimpalak.

· Naengganyo siya ng kapatid na si Juan na mangibang bansa para doon mag-aral. Doon ay nag-aral siya ng parmasya. Natapos niya ang licentiate in pharmacy sa Universidad de Barcelona at ang doctorate degree nito sa Universidad Central de Madrid.

· Nakapaglathala siya ng isang scientific research tungkol sa malaria na malugod na tinanggap ng scientific community. Sa sobrang galing niya sa pananaliksik ay naatasan siya ng pamahalaang Kastila na pag-aralan ang mga tropikal at nakakahawang sakit.

· Noong 1894, nagbalik siya sa bansa para lumahok sa isang pagsusulit para sa posisyong chief chemist ng Municipal Laboratory of Manila. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos kaya nakuha niya ang posisyon.

· Si Heneral Luna ay magaling na manunulat. Ginamit niya ang sagisag na “Taga-ilog” para makapaglathala ng mga artikulo sa La Solidaridad (opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda).

· Muntikan nang magpatayan ang Heneral at si Rizal. Isang mestiza na nagngangalang Nellie Boustead ang pinag-agawan ng mabagsik na si Luna at ng karaniwa’y kalmadong Rizal. Si Rizal ang nagustuhan ng dalaga kaya sa isang salu-salo ng mga Pilipino sa España, isang lasing na Luna ang nagbitiw ng di kanais-nais na kataga sa dalaga. Hindi ito nagustuhan ni Rizal at inaya si Luna sa isang duelo. Nahimasmasan ang heneral at humingi ng tawad kay Rizal kaya walang duelo na naganap.

· Isang supot ng barya ang nakapagligtas sa kanyang buhay. Sa isang labanan sa Sto. Tomas, nahulog si Luna mula sa kanyang kabayo nang tamaan siya ng bala sa tiyan. Nang mailigtas siya ng isang kasamahan at dinala sa isang ligtas na lugar, kinapa niya ang kanyang tiyan para hanapin ang tama ng bala. Nagulat siya nang malamang hindi pala tumagos ang bala dahil tumama ito sa mga barya.

· Nakakasindak ang Heneral kahit sa kanyang kamatayan. Sinasabing hindi nakitaan ng takot o kaba sa mukha si Luna noong siya ay pinagtataga at pinagbabaril na noong Hunyo 2, 1899. Pagbagsak niya sa lupa, napalingon pa siya pakanan, bagay na ikinasindak ng mga sundalo sa harapan na ikinatumba nung mga nasa likod.



Hinangaan si Luna hindi lamang ng mga Pilipino, kundi pati na rin sa hanay ng mga Amerikano. Ayon kay Heneral Frederick Funston – ang Amerikanong nakadakip kay Aguinaldo – si Luna umano ang “ablest and most aggressive leader of the Filipino Republic.” Sa bersyon naman ni Heneral James Franklin Bell, si “General Luna was the only general the Filipino army had.”

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.