Sino si Apolinario? Mabini Dakilang Lumpo Paralitiko Utak ng Katipunan, Talambuhay

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Isa sa mga pinakatanyag na bayani ng Pilipinas ang tubong Tanauan, Batangas na si Apolinario Mabini. Malaki ang naging ambag niya sa kasaysayan. Sa kabila ng kanyang kapansanan bilang lumpo, kinatakutan siya kapwa ng mga Kastila at Amerikano dahil sa kanyang matalas na isip at kasindak-sindak na lohika. Ang sumusunod ay mga mahahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng tinawag na Dakilang Lumpo:

· Ang buo niyang pangalan ay Apolinario Mabini y Maranan. “Poly” ang kanyang palayaw.

· Siya ay ipinanganak noon Hulyo 23, 1864 sa Brgy. Talaga, Tanuan, Batangas.

· Pangalawa siya sa walong anak nina Dionisia Maranan, isang tindera, at Inocencio Mabini na isang iletrado.

· Kilala rin siya sa moniker na “Utak ng Katipunan”.

· Ang nanay niya at si Maestro Agustin Santiesteban III ang nagsilbing mga unang guro ni Apolinario. Dahil sa taglay na di-pangkaraniwang talino, inilipat siya sa isang regular na paaralan na pinagmamay-ari ni Simplicio Avelino.

· Nagtrabaho siya bilang houseboy at nanilbihan sa isang panahian – kapalit ang libreng matutuluyan.

· Lumipat siya sa paaralang pinamamahalaan ni Fray Valerio Malabanan – isang tanyag na maestro na ang kahusayan ay nabanggit ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo.

· Noong 1881, sa edad na 17, ay nakatanggap siya ng partial scholarship para makapag-aral sa Colegio de San Juan de Letran.

· Madalas siyang pagkaisahan ng kanyang guro at mga kaklase dahil sa kanyang hamak na pananamit.

· Kinailangan niyang magturo ng Latin sa mga bata sa tatlong magkakaibang paaralan para matustusan ang pag-aaral.

· Nakamit niya ang Bachelor’s Degree at opisyal na pagkilala bilang Professor of Latin taong 1887.

· Pinasok niya ang abogasya para maipagtanggol ang mahihirap. Inabot ito ng anim na taon bago matapos dahil kinailangan niyang magtrabaho ng mahabang oras bilang law clerk at court transcriptionsist. Natapos niya ang abogasya taong 1894, sa edad na 30.

· Sumali siya sa Reform Movement, isang konserbatibong grupo ng mga Pilipinong nasa Middle at Upper Class ng lipunan. Kasali sa grupong ito si Jose Rizal. Ang Reform Movement ay nananawagan para sa mas mabuting pagtrato sa mga Pilipino habang ang Katipunan – na kinabibilangan ng halos mahihirap na miyembro – na itinatag ni Bonifacio ay nananawagan para sa sandatahang kilusang pangkasarinlan.

· Taong 1896 ng dapuan siya ng sakit na polio na siyang naging dahilan ng kanyang tuluyang pagkalumpo.

· Masasabing iniligtas siya ng polio mula sa posibleng kamatayan. Inaresto siya ng mga pulis noong Oktubre 1896 dahil sa naging koneksyon niya sa reform movement. Siya ay nasa hospital arrest pa noong Disyembre 30, 1896, nang si Rizal ay binaril sa Bagumbayan.

· Ang pagkamatay ni Rizal ang nag-udyok kay Mabini na umanib sa ipinaglalaban ng Katipunan.

· Hunyo 12, 1898 – “Araw ng Kagitingan”. Sa araw na ito, si Mabini ay naging isa sa mga pangunahing tagapayo ni Emilio Aguinaldo na nagdeklara sa kanyang sarili bilang Diktador ng buong kapuluan.

· Sobrang galing ni Mabini at malakas kay Aguinaldo kaya nagkaroon siya ng mga kaaway na galit at nagseselos sa kanyang impluwensiya. Tinawag siyang “Dark Chamber of the President” ng mga ito.

· Hulyo 23, 1898, nahimok niya si Aguinaldo na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno na binubuo ng asambleya.

· Enero 2, 1899 – hinirang siyang Prime Minister at Foreign minister ng kakatatag na pamahalaan.Siya ang naatasang makipag-areglo sa mga Amerikano. Ngunit hindi siya nagtagumpay. Dahil dito, nagbitiw siya sa kanyang posisyon.

· Disyembre 10, 1899 - Nahuli siya ng mga Amerikano ngunit pinakawalan sa Setyembre ng sumunod na taon.

· Enero 5, 1901 – Inilathala niya ang El Simil de Alejandro kung saan nakasaad “To tell a man to be quiet when a necessity not fulfiled is shaking all the fibers of his being is tantamount to asking a hungry man to be filled before taking the food which he needs.” Muli siyang dinakip at ipinatapon sa Guam. Doon ay isinulat niya ang La Revolucion Filipina, isang talambuhay.

· Dahil sa sobrang pagod, sakit at kagustuhang mamatay sa bayang sinilangan, pumayag siyang manumpa ng katapatan sa Amerika.


· Mayo 13, 1903 – dahil sa sakit na cholera, si Mabini ay namatay sa edad na 38.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.