SINO SI ARNEL PINEDA? TALAMBUHAY NG PILIPINONG BOKALISTA NG JOURNEY

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Biglang sumikat ang pangalang Arnel Pineda noong 2007 nang kunin siya ng Amerikanong banda na Journey bilang kanilang bagong bokalista. Sinong mag-aakala na dumaan din pala sa malupit tadhana ang batang Pineda? Heto’t tunghayan.

Pamilya at Unang Bahagi ng Buhay

· Si Arnel Campaner Pineda ay isinilang noong Setyembre 5, 1967 sa St. Jude Thaddeus Diagnostic Clinic sa Tondo , Maynila.

· Ang kanyang mga magulang as sina Restituto Lising Pineda at Josefina Manansala Campaner.

· Namatay ang kanyang ina sa sakit sa puso noon siya ay 13 taong gulang. Dahil sa laki ng kanilang nagastos sa pagpapagamot sa ina ay nalubog sila sa utang.

· Nagdesisyon ang kanyang ama na iwan na nila ang inuupahang apartment dahil hindi na nila ito kaya pang bayaran.

· Nakisuyo ang kanyang ama sa ilang mga kamag-anak na doon na muna tumuloy ang tatlo niyang nakababatang kapatid.

· Bilang pinakamatanda, hindi na siya nahanapan pa ng kukopkop na kamag-anak. Sa loob ng dalawang taon ay naging tahanan niya ang lansangan.

· Minsan ay nakikitulog siya sa labas ng bahay ng mga kaibigan, sa isang bangko o isang tent.

· Nagkakapera siya sa pagbebenta sa junk shop ng mga bote, newspaper at iba pa na kanyang pinupulot sa daan. Pumupunta rin siya sa pier para tumulong sa paglilinis ng mga scrap metal at nakadaong na barko.

· Madalas siyang nagugutom at kinakasya lamang niya ang isang pakete ng Marie biscuit.

· Mayroon siyang dalawang anak sa asawang si Cherry – si Cherub at Thea. May dalawa rin dalawang unak mula sa nakaraang relasyon – si Matthew at Angelo.


Karera sa Pagkanta

· Sa edad pa lang na lima ay marami na siyang nasalihang mga patimpalak sa pag-awit.

· 1982 – Kinse anyos siya nang sinubukan niyang maging bokalista ng Ijos. Kahit na kulang sa propesyunal na training, napahanga ang kanyang mga ka-banda kaya siya na ang agad-agad kinuha na lead vocals. May matutuluyan na rin siya. Inalok siya ng isang maliit na kwarto sa ilalim na hagdanan sa bahay ng kanilang gitarista.

· 1986 – Binuo ng ilang miyembro ng Ijos ang pop-rock band na Amo.

· 1988 – Sumikat ang bandang Amo nang manalo sila sa Philippines’ Leg ng Yamaha World Band Explosion Contest. Nadisqualify man sila sa finals dahil sa isang technicality.

· 1990 – Binuo nila ang Intensity Five at muling lumahok sa Yamaha World Band Explosion. Nasungkit ng grupo ikalawang posisyon habang tinanghal naman si Arnel na Best Vocalist.

· Humiwalay si Arnel sa Amo at gumawa ng bagong grupo na tinawag nilang New Age. Nagtanghal sila sa iba’t-ibang mga restawran at bar sa Hong Kong.

· Nang nagkaroon sila ng isang babaen bokalista, tinawag nila ang grupo na Most [email protected]

· 2006 – Bumalik si Arnel ng Pilipinas at binuo ang bandand The Zoo kasama ang gitaristang si Monet Calipe, Emil Bondoc bilang bahista, Edgar Mendoza para sa keyboards at Mckoy Alcantara bilang drummer. Nagtanghal ang The Zoo sa ilang mga bar sa Maynila. Nakagawa sila ng album na pinamagatang Zoology.


Pagsali sa Journey

· Hunyo 28, 2007 – Napanood ng gitarista ng bandang Journey na si Neal Schon ang isang Youtube video ni Pineda. Agad niya itong kinontak dahil matagal nang naghahanap ang banda ng bagong bokalista. Aniya, ang boses ni Pineda ay pambihirang katugma sa dati nilang bokalista na si Steve Perry.

· Disyembre 5, 2007 – Malugod na tinanggap si Pineda bilang bagong bokalista ng Journey matapos ang dalwang araw na audition.

· Agad na nag-tour ang Journey. Nagtanghal sila ng dalwang beses sa Chile at dalawa rin sa Las Vegas. Matagumpay ang mga konsiyerto. Matapos ang ilang guestings, naging popular si Pineda sa mga Ameikano.

· Hunyo 3, 2003 – Inilabas ng Journey ang kanilang unang album na tinawag nilang Revelation. Nag-number 5 ito sa U.S. charts at nag-platinum noong Oktubre ng 2008.


· Matapos ang release ng kanilang album, aktibo pa ring nagto-tour ang banda sa mga bansa sa Hawaii, sa mga bansa sa Asya tulad ng Japan at China.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.