SINO SI ARTEMIO RICARTE? AMA NG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Unang Bahagi ng Buhay

· Si Artemio Ricarte y Garcia ay isinilang sa Batac, Ilocos Norte noong ika-20 ng Oktubre 1866.

· Pangalawa siya sa tatlong supling ng mag-asawang Esteban Ricarte y Faustino at Bonifacia Garcia y Rigonan.

· Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts degree sa Colegio de San Juan de Letran. Pinagpatuloy niya ang kanyan pag-aaral sa University of Santo Tomas at nakakuha ng Certificate of Maestro de Instruccion Primaria sa Escuela Memorial sa Ermita.

· Matapos ang kanyang pag-aaral, pinadala siya sa San Francisco de Malabon sa Cavite para mangasiwa sa mababang paaralan ng probinsya.


Himagsikan Kontra España

· Nakilala niya si Mariano Alvarez, isang guro at rebolusyonaryo na dati nang nasangkot sa 1872 Cavite mutiny.

· Sumapi siya sa Magdiwang, isang sangay ng Katipunan sa ilalim ng alyas na “Vibora” o viper (isang uri ng ahas).

· Agosto 31, 1896 – Matagumpay niyang pinamunuan ang mga rebolusyonaryo sa paglusob sa San Francisco de Malabon.

· Marso 22, 1897 – Inihalal siyang Kapitan-Heneral at naging Brigadier-General ng sandatahan ni Aguinaldo.

· Siya ang inatasan ni Aguinaldo na manatili sa Biak-na-Bato para asikasuhin ang pagsuko ng mga armas ng mga rebolusyonaryo bilang pagkilala sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.


Himagsikan Kontra Amerika

· Mayo 18, 1898 – Ibinalik ng mga Amerikano si Aguinaldo sa bansa matapos ang pagkaka-deport nito sa Hong Kong.

· Sa tulong ng mga hukbo ni Rear Admiral George Dewey at General Wesley Merritt, matagumpay na nabawi ng mga Pilipino ang Maynila.

· Sa simula pa lang ay may-alangan na si Ricarte sa tunay na pakay ng mga Amerikano. Binalaan niya si Aguinaldo at sinabing mas mapanganib pa ang mga Amerikano kaysa mga Kastila.

· Nagkatotoo ang hinala ni Ricarte. Hindi kinilala ng mga Amerikano ang naging kontribusyon ng mga Pilipino sa pagkakatalo ng mga Español. Ang mas masakit, pinagbawalan pa ang mga ito na makapasok man lang sa Lungsod ng Maynila.

· Noong 1900, sinubukan niyang pasukin ang Maynila ngunit nahuli siya ng mga Amerikano. Ikinulong siya ng anim na buwan sa Bilibid Prison. Dahil hindi siya sumumpa ng katapatan sa watawat ng Amerika, ipinatapon siya sa Guam kasama ang iba pang mga rebelde tulad ni Apolinario Mabini.


Pagkakatapon at Pananakop ng Hapon (World War II)

· 1903 – Binigyan ng pagkakataon si Ricarte at Mabini na makabalik ng bansa sa kondisyong dapat silang manumpa ng katapatan sa Amerika. Maysakit si Aplinario, at dahil takot na mamatay sa ibang bansa, pumayag siyang manumpa. Tumanggi pa rin si Ricarte kaya ipinatapon na naman siya. Sa pagkakataong ito, sa Hong Kong naman.

· Disyembre 1903 – Nagpanggap siyang seaman at nakauwi ng bansa. Pinuntahan niya ang mga dating kasamahan para udyuking ipagpatuloy ang rebolusyon. Wala siyang napala dahil nagtraydor ang ilan sa mga ito. Isiniwalat ng mga ito ang plano ni Ricarte sa mga Amerikano.

· Mayo 1904 – Siya ay inaresto at ikinulong sa Bilibid ng anim na taon.

· Hunyo 26, 1910 – Palabas pa lamang ng bilibid, dinampot siya ng mga Amerikano at muling pinasusumpa ng katapatan sa Amerika. Muli siyang tumanggi kaya pinadeport siyang muli sa Hong Kong.

· Hanggang 1915 lamang siya sa Hong Kong. Lumipat sila ng kanyang asawa sa bansang Hapon at nagtayo ng maliit na kainan na tinawag nilang “Karihan Luvimin” (Kainan Luz-Vi-Min) para malaman ng mga manlalakbay na Pilipino na may mga Pilipinong nakatira doon.

· Pinagka-abalahan rin ng asawa ni Ricarte ang real estate, na siyang naging daan upang makapagtayo sila ng tatlong bahay sa naturang bansa.

· Hindi kailanman nawala ang pagnanais ni Ricarte na mapalaya ang inangbayan. Hindi ni minsana nakalimutang ipagdiwang ang Rizal Day at Bonifacio Day kasama ang iba pang Pilipino at mga opisyal na Hapones.

· Nang pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas.

· Pinakiusapan siya ni Pirme Minister Hideki Tojo na sumama pabalik ng bansa para tumulong sa kapayapaan. Pinangako ni Tojo na ibibigay sa Pilipinas ang tunay na kalayaan kapag nagtagumpay si Ricarte na maawat ang kaguluhan sa bansa. Tinanggap ni Ricarte ang alok.

· Sa pagtatapos ng World War II, muling nalagay sa alanganin ang buhay ni Ricarte sa kamay ng mga Amerikano at kapwa Pilipino. Pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na lumikas pabalik ng Hapon ngunit tumanggi siya gamit ang mga katagang "I can not take refuge in Japan at this critical moment when my people are in actual distress. I will stay in my Motherland to the last."

· Hulyo 31, 1945 – Sa edad na 78, binawian siya ng buhay sa Kalinga, Mountain province dahil sa disinterya.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.