SINO SI DIEGO SILANG? TALAMBUHAY MAGITING NA ILOKANO ASAWA NI GABRIELA

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” ika nga sa pangalawang utos ng Diyos. Ito mismo ang isinabuhay ng isa sa mga pinakadakilang nabuhay na Pilipino – si Diego Silang. Kahit na nagmula siya sa isang pamilyang kabilang sa Principalia (maharlika) at hindi nakaranas ng pagmamalupit ng mga Kastila, lubos niyang ikinadismaya ang kalunos-lunos na sitwasyon ng simpleng Juan. Pinili niyang ipaglaban ang mga indio at suwayin ang España sa kabila ng kanyang maginhawang buhay.

SINO SI DIEGO SILANG TALAMBUHAY MAGITING NA ILOKANO ASAWA NI GABRIELA

· Ipinanganak noong Disyembre 16, 1730 sa Aringay, Pangasinan (ngayon ay parte na ng La Union).

· Ang kanyang ama na si Miguel Silan ay isang Ilokano. Ang kanyang ina na si Nicolasa de los Santos ay isang Pangasinense. Kapwa sila galing sa maharlikang pamilya (Principalia).

· Siya ay lumaking malapit sa simbahan at dito siya natutong maging bihasa sa pagbasa at pagsulat ng Español.

· Bilang personal na mensahero ng kura paroko ng Vigan na si Dr. Cortes y Orriosola, madalas siyang napag-uutusang magdala ng sulat mula Ilocos pa-Maynila at pabalik.

· Isa sa mga biyaheng ito ni Silang ay humantong sa malagim na aksidente. Nawasak ang kanilang sinakyang bangka. Nakaligtas sana silang lahat sa pagkalunod ngunit nasabat sila ng mga Zambals (Ita) ng Zambales. Pinatay ang kanyang mga kasamahan at siya lang ang itinirang buhay. Dinala siya sa kasukalan at ginawang alipin.

· Isang mabait na kura paroko ng Bolinao, Pangasinan ang nakabalita sa mapait na sitwasyon ni Silang. Tinubos siya nito mula sa mga Zambal kapalit ng damit, palakol at mga palamuti. Ang kabutihang ito ay hindi kinalimutan ni Silang kaya nang magkaroon ng mga pag-aaklas sa Pangasinan ay buong-puso niya itong ipinagtanggol.

· Siya ay nagbalik sa Vigan at muling nanilbihan sa kura paroko. Dito sa mga biyahe niyang ito nasaksihan niya ang kaapihan na dinaranas ng mga kailanes (alipin) sa kamay ng mga dayuhan at mestizo.

· Ikinasal si Diego Silang sa isang biyuda na kilala ng marami bilang Doña Gabriela. Bagama’t hindi nabiyayaan ng mga anak, ang kanilang pagsasama ay larawan ng tapat at wagas na pagmamahalan.

· Noong Oktubre 1762, nilusob at matagumpay na nasakop ng mga Briton ang Lungsod ng Maynila. Ito ang panahon ng Seven Year’s War kung saan ang España ay kumampi sa mga Pranses kontra Britanya.

· Noong una’y nais lamang ni Silang bumuo ng isang hukbo ng mga katutubong Ilokano na hahalili sa natalong pwersa ng mga Kastila. Ngunit ang desperadong mga administrador na Kastila ay walang tiwala kay Diego at sa halip ay ipinasa ang katungkulan ng pamumuno sa obispo ng Nueva Segovia (Vigan), na tumanggi sa suhestiyon ni Silang. Dahil dito, nilusob ng grupo ni Silang ang siyudad at binihag ang mga pari.

· Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Digeo at ng mga Briton. Hinirang siyang gobernor ng mga Briton at pinangakuan ng dagdag na kawal para labanan ang mga Kastila. Ang pangakong ito ay hindi kailanman natupad.

· Maraming mga mestizo ang nainggit at nabahala sa pamamalakad ni Diego. Hindi maikakaila ang malasakit ni Diego para sa mga kailanes subalit tila nanganganib ang ang posisyon ng mga principales.

· Si Miguel Vicos, isa sa mga kaibigan ni Diego na isang mestizo ang nagtraydor at nakapatay sa dakilang lider. Tinulungan pa siya ng isa pang kaibigan rin ni Diego na si Pedro Becbec. Binayaran sila ng mga pari para gawin ang pagpatay.



Namatay man si Diego Silang sa kataksilan ng ilang kaibigan, hindi nagwakas ang kanyang laban. Ipinagpatuloy ito ng kanyang maybahay na si Gabriela Silang at ng ilan pang tapat na mga tauhan. At bagaman tuluyan ring nabihag at napatay si Gabriela, ang tapang at kagitingan ni Diego Silang ang nagmulat sa bawat simpleng Juan at nagbigay ng ideya kung paano dapat mahalin ang lupang sinilangan.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.