SINO SI DONNIE “AHAS” NIETES? LONGEST-REIGNING FILIPINO BOXING CHAMPION

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Kinikilala bilang longest-reigning Filipino Boxing Champion, ang pangalang Donnie “Ahas” Nietes ay siguradong reserbado na sa talaan ng pinakamagaling na boksingero hindi lang sa bansa kundi sa buong kasaysayang ng boksing.

Unang Bahagi ng Karera

Si Donnie Liboon Nietes ay isinilang sa Murcia, Negros Occidental noong Mayo 12, 1982. Bago siya naging isa sa mga primyadong boksingero ng Antonio Lopez Aldeguer (ALA) Boxing Gym ay nanilbihan muna siya bilang utility boy ng naturang gym. Tungkol sa kung paano nakuha ni Donnie Nietes ang kanyang palayaw na “ahas”, sinagot ito ni Tony Aldeguer, may-ari ng ALA , sa isang panayam. Aniya, isa sa mga gawain ni Nietes noong utility boy pa siya ay ang pagpaglilinis sa kuwadra ng limang malalaking sawa. Si Nietes lang daw umano ang naglakas loob na gumawa ng trabahong iyon. Minsan ay nangitlog ng 11 na piraso ang isa sa mga ahas na iyon. Isa lamang ang nabuhay at si Nietes na ang personal na nag-alaga.

Taong 2003, sa edad na 20, sinimulan niya ang kanyang professional boxing career. Mayo 22, 2004, naipanalo niya ang Philippines Boxing Federation light flyweight title kontra kay Joseph Villasis sa pamamagitan ng isang technical knockout sa unang round.

Sa buong boxing career ni Donnie ay isang beses lamang siyang natalo. Ito ay isang 10-round split decision kontra kay Angky Angkota ng Indonesia noong Setyembre 28, 2004. Si Angkota ay lagpas ng 6 pounds sa weight limit para sa naturang laban.

Nong Nobyembre 24, 2011 ay itinumba niya sa ikalawang round si Heri Amol ng Indonesia para sa bakanteng WBO Asia pacific Minimum Weight Title. Dalawang beses niyan idinepensa ang titulong ito laban sa mga Thai boxers na sina Thongthailek Sor Tanapiyo at Sakulpah Pakdee Gym bago siya sumabak sa Minimumweight Division.


Minimumweight Division

Noong ika-30 ng Setyembre 2007, tinalo ni Donnie via unanimous decision ang walang talo na Thai boxer na si Pornsawarn Kratingdaenggym para sa bakanteng WBO Minimumweight World Title. Idinipensa niya ang titulong ito mula kay Eddy Castro ng Nicaragua. Panalo siya sa pamamagitan ng technical knockout sa ikalawang round. Idinipensa niya muli ang titulo mula kay Erik Ramirez ng Mehiko noong Pebrero 28, 2009 sa isang klasikong palabas – apat na beses niyang pinabagsak ang Mehikano para masungkit ang panalo via unanimous decision. Tinalo naman niya ang Mehikanong si Manuel Vargas noong Setyembre 12, 2009 para sa kanyang ikatlong pagdepensa.Sa kanyang ikaapat na pagdepensa noong Agosto 14, 2010, tinalo niya via unanimous decision ang Mehikanong si Mario Rodriguez sa harap ng mga kababayan nito sa Sinaloa, Mexico.

Noong Abril 9, 2011 ay tinalo niya sa isang non-title bout sa Aramndo Vazquez via frist round knockout. Ito ang huling laban niya sa minimumweight bago siya nagdesisyong umakyat sa Light Flyweight Division.


Light Flyweight Division

Noong Oktubre 8, 2011, tinalo si Ramon Garcia Hirales ng Mehiko para sas WBO Light Flyweight Title. Naidepensa niya ito noong Hunyo 2, 2012 mula kay Felipe Salguero. Napanatili niya ang titulo nang tumabla ang laban niya kontra kay Moises Fuentes noong Marso 2, 2013.

Nobyembre 15, 2014 – matagumpay niyang naidepnsa ang kanyang WBO at The Ring Light Flyweight nang umayaw na sa 7th round ang kanyang kalaban na si Carlos Velarde. Noong araw ding iyon, si Donnie Nietes na ang longest-reigning na Pilipinong Boxing Champion – isang pagtatangi na dating hinawakan ng walang iba kundi ang magaling na si Gabriel “Flash” Elorde. Apat na beses niya pang idinepensa ang titulo bago umakyat muli ng dibisyon.

Flyweight Division

Ang kanyang unang sabak sa flyweight division ay konta Edgar Sosa. Tinalo niya ang Mehikano via unanimous deicision.



About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.