SINO SI EFREN “BATA” REYES? TALAMBUHAY NG ‘THE MAGICIAN’ HARI NG BILYAR

Joefer Traya
is a Licensed Nurse in the Philippines

Kung meron lang sanang bilyar sa Olympics, malamang ay matagal na tayong nagkaginto. Itinuturing ng marami si Efren ‘Bata’ Reyes bilang Tiger Woods ng billiards. Hindi mo aakalain na sa likod ng isang maamo palangiting mukha nakatago ang isang henyo, hari at siga ng bilyaran.

Kabataan at Pagkahilig sa Laro

· Si Efren Reyes ay ipinanganak sa Angeles City, Pampanga.

· Ang kanyang ama ay barbero. Ang kanyang ina naman ay tindera sa palengke.

· Dahil siyam silang magkakapatid at salat sa pera, sa edad na lima ay ipinadala siya sa kanyang tiyuhin sa Maynila.

· Nagtrabaho siya sa bilyaran ng kanyang tiyuhin na pinangalanang Lucky 13.

· Tuwing umaga ay nagtatrabaho siya bilang billiard attendant. Sa gabi ay pinapraktis niya ang mga nakikitang laro ng mga kustomer sa umaga.

· Naututunan niya ang fundamentals ng laro mula sa magagaling na kustomer ngunit marami din siyang natutunan mula sa mga pipitsuging manlalaro. Ang minsang tsamba na nagagawa ng masasamang manlalaro ang naging hawigan niya sa kanyang mga ‘magic tricks’.

· Sa edad na 12 ay nilalampaso na niya lahat ng mga manlalaro sa Kamaynilaan. Nagsimula siyang mag-ikot ng bansa para subukan ang kanyang galing laban sa mga pinakamagaling.

· Tulad ng inaaasahan, nilalampaso niya ang lahat ng kanyang mga kalaban. Panalo siya lagi sa pustahan.

· Noong bukas pa ang mga base ng Amerikano sa bansa ay madalas niya itong pinupuntahan. Hinahamon niya ang mga Amerikano at palagi siyang nananalo.

· Noong late 70’s, naubusan siya ng katunggali dahil wala nang nakikipaglaro sa kanya. Tinedyer pa lang siya sa panahong ito.

Pangingibang-Bansa at Pagsikat

· Pumunta siya sa Japan at nanalo ng ilang torneo.

· Nakatagpo siay ng isang Pilipino na nagpadrino sa kanyang mga lakad sa Amerika.

· Nagpanggap siya bilang isang Mehikano at ginamit ang pangalang Cesar Morales sa kanyang unang torneo na sinalihan sa Houston, Texas. Ginawa niya ito para gulangan ang mga Amerikano. Alam niyang sikat na ang kanyang pangalan sa Pilipinas. At dahil hindi pa uso noon ang social media, hindi siya namukhaan ng mga katunggali.

· Naipanalo niya ang torneo sa halagang $81,000. Pinangakuan siya ng kanyang padrino na babahagian ng 50% ngunit ginulangan rin siya at hindi siya binigyan kahit isang kusing.

· May ilan pang mga nag-alok na isponsoran siya. Karamihan sa mga ito mga kapwa Pilipino na inisahan lang din siya.

· Noong 1989, nakipag partner siya sa magkapatid na Jose at Aristeo Puyat, may-ari ng pinakamalaking bowling at billiard chain sa Pilipinas. Sila ang unang matitinong sponsor ni Efren Reyes. Hindi nila kinaltasan ang kita ni Reyes at inasikaso ang lahat ng mga lakad nito. Dito na nagsimulang sumikat ang pangalang Efren ‘Bata’ Reyes.

Achievements at Ilang Trivia

· Si Efren Reyes ang kauna-unahang nagkampeon sa US Open Nine Ball Championship na hindi Amerikano.

· Siya ang tinaguriang Best Player of the Decade ng United States Billiards Meda Association (USBMA)

· Simula 2001, limang beses siyang naging Most Profitable Billiards Player of the Year sa listahan ng AZ Billiards Money.

· Natanggap niya ang Philippine Legion of Honor at Philippine Order of Lakandula “Champion for Life Award”.

· Siya ang unang manlalaro sa kasaysayan ng World Pool-Billiard Association (WPA) na nagkampeon sa dalwang magkaibang disiplina.

· Siya rin ang unang taga-Asya na nahirang sa Hall of Fame ng Billiard Congress of America.

· Pinangalanan siya ng TIME Magazine bilang isa sa 60 Asian Heroes dahil sa paraan kung paano niya baguhin ang imahe ng billiard hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

· Lingid sa kaalaman ng marami, si Efren Reyes ay nirerespeto ng mga entusyastiko ng bilyar dahil sa kanyang kahanga-hangang abilidad na mag-adjust at manalo sa iba’t-ibang laro ng bilyar: eight-ball, nine-ball ten-ball, one-pocket, straight pool, bank ppol, rotation, at iba pa.

· May ilan siyang torneong sinalihan kung saan hindi niya kabisado ang rules ngunit nanalo pa rin siya. Imagine Manny Pacquiao joining MMA or Muay Thai all of a sudden, ganun kahirap!


· May nauna nang Efren na naglalaro ng bilyar noong magsimulang magbilyar si Reyes. Ito ang dahilan kung bakit binansagan siyang “Bata” para hindi malito ang mga manonood ng laro.

About the author

Joefer Traya

Profession: Licensed Nurse
Philippines , Lanao del Norte , Iligan
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.