Itinuturing ng mga kapwa Katipunero bilang isang “military genius”, si Emilio Jacinto ang naging kanang kamay ni Andres Bonifacio sa pagpapalakad ng Katipunan. Bagaman pinaghahatian nila ni Apolinario Mabini ang bansag na Utak ng Katipunan, ayon sa mismong Supremo, si Emilio Jacinto ang “brain and soul of the Katipunan”. Heto ang naging buhay ng bayaning naging mas kilala sa bansag na Pingkian.
· Si Emilio Jacinto y Dizon ay ipinanganak noong Disyembre 15, 1875 sa isang mahirap na pamilya sa Tondo, Maynila.
· Maaga siyang naulila sa si Mariano Jacinto. Ipinaampon naman siya ng kanyang inang si Josefa Dizon sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon para mgkaroon ng maginhawang buhay.
· Siya ay bihasa sa Tagalog at Kastila.
· Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Lumipat naman siya Unibersidad ng Santo Tomas para mag-aral ng abogasya. Dito ay naging mga kamag-aral niya ang sina Manuel Quezon (Ikalawang Presidente ng Pilipinas), Sergio Osmeña (Ika-apat na Presidente) at Juan Sumulong (lolo sa tuhod ni Corazon Aquino – 11th President).
· Hindi niya natapos ang abogasya dahil sumapi na siya sa Katipunan sa edad na 19.
· Itinuturing ni Jacinto si Rizal bilang kanyang bayani. Ang pagkaka-aresto kay Rizal ang nag-udyok sa makabayang binatilyo na sumapi sa rebolusyon.
· Napakatalino ni Emilion kaya hindi naging hadlang ang kanyang edad para siya ay humawak ng mga importanteng puwesto sa Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
· Naroon siya nang maganap ang makasaysayang Sigaw sa Pugad Lawin na siyang naghudyat ng pagsisimula ng rebolusyon kontra-España.
· Pingkian. Ito ang naging bansag sa kanya ng sumapi siya sa Katipunan.
· Siya ang naging patnugot ng Kalayaan – ang opisyal na pahayagan ng Katipunan. Sa kanyang pagsusulat ay ginamit niya ang sagisag na Dimasilaw.
· Siya ang may-akda ng tanyag na Liwanag at Dilim at ng tilang A La Patria, na hinango niya sa Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal. Siya rin ang may akda ng Kartilya ng Katipunan na nagsilbing gabay na dapat sundin ng mga bagong kasapi.
· Malaki ang tiwala ni Bonifacio sa batang Jacinto. Ipinagkatiwala ng Supremo ang mangilan-ngilang importanteng trabaho sa kilusan. Si Jacinto ang nagsilbing tagpagsalita, piskal at kalihim n KKK.
· Siya ay naging heneral sa edad na 21.
· Nang ipapatay si Bonifacio ni Emilio Aguinaldo noong Mayo 10, 1897, si Jacinto ang humalili sa Supremo. Tinanggihan niya ang alok ni Aguinaldo na umanib sa kanyang grupo.
· Nilabanan niya ang mga Kastila sa Magdalena, Laguna. Nagtamo siya ng malubhang pinsala sa isang labanan sa Sapa ng Maimpis taong 1898. Nagtago siya sa simbahan ng Santa Maria Magdalena.
· Kahit na nakaligtas siya sa natamong sugat, dinapuan naman siya ng sakit na malaria. Ito ang ikinamatay niya noong ika-16 ng Abril 1898 sa edad na 23.
Narito ang isang makapukaw-damdaming bahagi ng Kartilya ng Katipunan:
"The worth of a person is not in being a king, not in the shape of his nose or the whiteness of his face, nor in being a priest, representative of God, nor in the loftiness of the position does he hold on this earth. That person is pure and truly noble, even though he was born in the forest and knows no language but his own, who is possessed of good character, is true to his word, has dignity and honor, who does not oppress others nor help their oppressors, who knows how to feel for and care for his native land." -Emilio Jacinto