SINO SI FERDINAND MARCOS: AMA NG PAGBABAGO O AMA NG PAGNANAKAW? Biography, Talambuhay, Life, Contribution

Elaine Isidro
is a Manunulat in the Philippines

Si Ferdinand Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Pilipinas. Pinamahalaan niya ang bansa sa loob ng dalawampu at isang taon, mula 1965 hanggang siya ay patalsikin ng People Power noong 1986.

Eto mga natatanging impormasyon tungkol sa buhay niya:


- Ipinanganak noong Setyembre 11, 1977 sa Sarrat, Ilocos Norte. Siya ay bininyagan sa Philippine Independent Church.


- Ang kanyang ama na si Mariano Marcos ay isang politiko sa kanilang lalawigan. At ang pangalan ng kanyang ina ay Josefa Edralin.


- Taong 1939 si Ferdinand Marcos kasama ng kanyang ama, kapatid na si Pio at bayaw na si Quirino Lizardo ay hinatulan sa salang pagpatay kay Julio Nalundasan. Si Nalundasan ay ang kalaban sa politika ng kanyang ama. Napawalang sala sila sa pamamagitan ng pag-aapila sa Korte Suprema noong 1940.


- Nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas si Marcos.


- Siya ay isang magaling na estudyante sa akademiks man o sa iba’t ibang laro tulad ng boksing, paglalangoy at wrestling. Magaling din siyang mananalita at manunulat sa pahayagan ng kanilang pamantasan.


- Nagtapos siya sa kolehiyo na may parangal na cum laude. Maari sanang makamit niya ang magna cum laude kung hindi siya nakulong ng dalawampu at pitong araw.


- May angking galing sa pagmemorya si Ferdinand Marcos. Kaya niyang isaulo ang mahihirap na salita at i-recite ito, hindi lang sa simula maging mula sa hulihan pabalik sa simula. Isa na rito ang 1935 Constitution of the Philippines.


- Napangasawa ni Ferdinand Marcos si Imelda Romualdez-Marcos noong May 1, 1954. Naging anak nila si Imee Marcos na kasalukuyang gobernador ng Ilocos. At sumunod rito si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na isang senador ng Pilipinas at ang huli ay si Irene Marcos.


- Siya ang may pinakamalaking bilang ng boto sa halalan ng mga senador noong 1959.


- Sa kanyang pagkahalal bilang pangulo noong 1965, sinabi niya sa kanyang SONA (State of the Nation Address) ang kanyang plano na paunlarin ang ekonomiya at magkaroon ng reporma sa gobyerno ng Pilipinas. Upang maisakatuparan ang kanyang layunin, ginamit niya ang mga tao at kayamanan ng Armed Force of the Philippines sa pagpapagawa ng inprastraktura, pagplano sa ekonomiya, mga planong pang-industriya sa bawat rehiyon at pagpapalago sa mga pamayanan.


- Sa ilalim ng kanyang pamamahala, naging bahagi ang Pilipinas sa digmaan sa Vietnam. Ito ay tinawag na Philippines Civic Action Group (PHILCAG) na may bilang na 1,600 na mga sundalo noong 1968. Umabot ng 10,000 sundalo ang nagsilbi sa Vietnam noong 1966 hanggang 1970.


- Siya ang unang Pilipino na muling nahalal bilang pangulo ng Pilipinas noong 1969. Ginamit raw noon ni Marcos sa kanyang pangangampanya ang $56 milyon, na binibintang mula raw sa kaban ng Pilipinas.


- Nagkaroon ng constitutional convention noong 1970 para palitan ang 1935 Commonwealth Constitution. Ito ay naglalayong palitan ang uri ng pamahalaan mula sa presidential ito ay magiging parliamentary. Ito ay magbibigay daan upang manatili sa kapangyarihan si Marcos ng higit pa paglipas ng taong 1973.


- Kilala bilang pangulo na nagdeklara ng Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.


- Sa pagitan ng mga taong 1972 at 1976 pinalakas niya ang pwersa ng militar sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tao, mula 65, 000 hanggang 270, 000.


- Ang Rehimeng Marcos sa bisa ng Presidential Decree 684 na isinabatas noong Abril 1975, na ang mga kabataan na may gulang na 15 hanggang 18 ay ipadadala sa mga probinsya upang sumailalim sa isang ritwal na programa ng pagkakaroon ng lubos na katapatan sa unang mag-asawa. Ang programang ito ay pinangunahan ng kanyang anak na si Imee.


- Pinawalang-bisa ni Marcos sa Batasan ang Batas Militar noong Enero 17, 1981. Ngunit ayun sa mga oposisyon, ito ay hindi makatotohanan dahil gusto lang naman ng pamahalaan magpakitang-gilas dahil darating noong si Pope John Paul II.


- Muling nanalo sa halalan si Marcos noong Hunyo 16, 1981. Dahil dito nag-boycot ang oposisyon ng United Nationalists Democratic Organization (UNIDO)


- Ang pagkakapaslang noong 1983 kay Benigno Aquino, Sr. ang naging dahilan upang mabuo ang People Power noong 1986. Maraming Pilipino ang naniwala na ang pamilya ng Marcos ang nagpapatay kay Aquino.


- Ang People Power ang nagpatalsik kay Marcos mula sa kanyang kapangyarihan. Siya ay tumakas kasama ng kanyang pamiliya patungong Hawaiii noong Pebrero 25, 1986.


- Namatay siya sa Honolulu, Hawaii noong Setyembre 28, 1989 dahil sa kumplikasyon sa kidney, puso at baga. Ang kanyang mga labi ay kasalukuyang nakalagak sa isang refrigerated crypt sa kanilang bahay sa Ilocos.


- Sa 2004 Global Transparency Report, lumabas ang pangalan ni Marcos bilang pinaka-corrupt na lider sa buong mundo. Siya ay pumangalawa sa dating pangulo ng Indonesia na si Suharto. At sinasabi na lumikom siya ng $5 bilyon hanggang $10 bilyon sa loob ng dalawampu at isang taon ng panunungkulan bilang pangulo ng Pilipinas.


- Ang utang ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 1962 ay umabot sa $360 million. Ito ay lumaki hanggang $28.3 bilyon na nagtalaga sa Pilipinas bilang bansa na may pinakamalaking utang sa buong Asya. Ang nakapakalaking halaga na ito ay napunta sa miyembro ng pamilyang Marcos at mga kaibigan nito. Ang utang na ito ay sinasabi na hanggang ngayon ay binabayaran pa ng pamahalaang Pilipinas mula sa mga buwis na ibinabayad ng mamamayang Pilipino.


- Ang pamilya ng Marcos at Romualdez ay naging direktang nagmamay-ari o kabahagi ng malalaking kompanya tulad ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT), Philippine Airlines (PAL), Meralco Fortune Tobacco, San Miguel, ABS-CBN, BDO at ilang ari-arian sa New York, California and Hawaii.


Marami ang nagsasabi na isang magaling na pangulo si Ferdinand Marcos sa una. Ngunit paglaon ay tila inabuso raw niya ito at nabulag sa ningning ng kapangyarihan. Ang kanyang pagtatangkang gawing pamahalaang parlyamentarya ang Pilipinas ay nakitaan naman ng pag-unlad. Ngunit sinasabing naging talamak pa rin daw ang pagnanakaw sa kaban ng Pilipinas. Marami ang nagpapasalamat na nabuo ang People Power at hindi nanatiling bulag ang mga Pilipino.

It has been said that history repeats itself. So why is it crucial to study history? Because one may learn about past human behavior that is relevant to the intellectual growth and development of himself as an individual. Learning about the events of the past give us an understanding of how the world came to be, not only in your world but around the world including all cultures of people as well as nature. Studying history will teach you how to understand and overcome change. Thus, history should be studied for several reasons. First, history helps us to understand other cultures. With this knowledge of history you can be able to analyse other cultures. Another reason to study history is because it helps us to understand change. Change comes every day and without history, people do not have anything to prepare themselves for. Furthermore, an understanding history is a basic prerequisite as a citizen of a nation. Also, history can explain change on a larger scale. For example, if someone wanted to know why the stock markets crash, they could research and look for patterns for economic downturns. So history does matter. It has been said that he who controls the past controls the future. Our view of history shapes the way we view the present, and therefore it dictates what answers we offer for existing problems. One of the greatest benefits of studying history is that it allows us a chance to learn about who we came from. The people of the past are those who came before us, and it is interesting to see how some of the thoughts, attitudes, and practices of today can differ so drastically from those throughout history.


History is important because it helps us to understand the present. History teaches values. If we will listen to what history has to say, we can come to a sound understanding of the past that will tell us much about the problems we now face. If we refuse to listen to history, we will find ourselves fabricating a past that reinforces our understanding of current problems.

About the author

Elaine Isidro

Profession: Manunulat
Philippines , Manila , Manila
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Sherrilyn Sernal
is in Asia/Pacific Region
your documentaries about FERDINAND MARCOS helps me a lot, thank you
Portgas D. Jib Monkey
is in the Philippines
ang pagkakaalam ko si Lucio Tan ang may-ari ng Fortune at PAL
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Crony ni lucio tan si marcos
Jilmar Tacandong
is in the Philippines
paano po ito e share?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.